-ALY P.O.V-
-----------------------------------------------------------
From: Ewan
You're making me fall inlove <3
To: My Future Love
-----------------------------------------------------------
GUSTO KONG matawa, gusto kong magalit, naghalo-halo ang mga emosyon sa loob ko pero mas nangibabaw doon ang galit.
Dali dali kong sinukbit ang bag ko, at tuluyang lumabas ng room, nagulat ang ilan sa mga kaklase ko dahil sa ginawa ko pero hindi ko binigyang pansin 'yon.
Magrereport ako sa Dean!
Madali ko namang nahanap ang Dean office since may signboard sa bawat pintuan.
Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang doorknob, tumambad sa akin ang nakaupong babae na may edad na.
"Good Afternoon, Dean,' bati ko at ngumiti sa kanya.
"Good Afternoon, Transferee?" tumango ako. "Anong maipaglilingkod ko? Have a sit hija."
Umupo ako sa upuan at saka ko kinuwento ang pangyayari, pinakita ko din ang laman ng bag ko bilang pruweba sa mga pinagsasasabi ko, Nanlaki ang mata n'ya, mukhang hindi n'ya inaasahan ng ganon karami ang laman ng bag ko.
"Hmm, okay, meron ka bang alam or ideyang tao sa likod ng pangyayaring 'to?" Tanong niya at sandali akong napaisip at maya maya'y tumango ako.
"Apat po sila," sambit ko at tumango tango na lang si Dean.
Since nagkaroon ng 'Introduce Yourself' kanina, hindi na ako nahirapang ibigay kay Dean ang mga pangalan no'n. Pakatapos kong ibigay ang mga pangalan ay kinuha n'ya ang cellphone n'ya at tinawagan ang SSG President para ipatawag 'yung mga taong posibleng gumawa nito sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas at isa isa silang pumasok.
Unang pumasok si Ethan Mendoza siya 'yung isa kong katabi na tumayo kanina at laging busy sa kanyang cellphone.
Pangalawa naman si Nico Baltazar, ang gwapong naglalaro ng chess sa likod namin.
Pangatlo naman si Ian Cabrusca, ang kalaban ni Nico sa chess.
At huli ay si Johson Sison, ang detective kong katabi.
"Pwede na po ba akong umalis?" Inosenteng tanong ni Johson, hindi n'ya alam na kasali din siya.
"Hindi muna, dahil kasali ka sa mga primary suspects," usal ni Dean kaya napakamot sa ulo si Johson at bumuntong hininga.
Isinalaysay ni Dean ang pangyayari. At makikitang wala silang interes sa mga pinagsasasabi ni Dean.
"Anong ginagawa n'yo nung time na 'yon!" Biglang tanong ni Dean, nangibabaw ang katahimikan. "Sisimulan ko sa'yo," turo n'ya kay Ian.
BINABASA MO ANG
Chasing Hex
Mystery / ThrillerJoin the adventures of the two students who has the same interest in the world of mysteries.
