First of all, I just want to dedicate this story to my favorite authors AkoSiIbarra and ShinichiLaaaabs, Thank you for Inspiring me to write this one❤
-ALY P.O.V-
NAGPAPAKAWALA AKO ng buntong hininga nang maramdaman ko ang presensiya nang mga studyante sa paligid ko.
I hate school! I'd rather want to sleep than to study! Hindi naman sa ayaw ko pumasok sa school, kundi dahil sa mga alam ko, hindi naman sa pagmamayabang pero 'yung talino ko pang- INTERNATIONAL!
Natawa na lang ako sa mga naiisip ko at humarap na lang sa gate ng school.
Since nandito na ako, wala na akong magagawa at Senior High na din nga pala ako. Nararapat din siguro na pumasok ako para makilala ko ang mga new classmates ko since first day naman ngayon ng pasukan.
Nagsimula na akong maglakad papasok pero hindi pa man ako nakakalampas sa gate ay bigla na lang may nagsalita.
"Hep-hep."
Hooray? Natawa ako sa naisip ko at walang emosyong lumingon sa nagsalita.
Nakataas siya ng kilay habang lumalakad papalapit sa'kin.
"First day na first day naka-outsider ka," umiiling na aniya at may kung ano siyang inabot sa'king logbook.
Hindi ko na naiwasang tanggapin iyon dahil bigla n'ya iyong inabot sa'kin. Napatingin pa ako sa logbook na iyo saka ako bumaling ng tingin sa kanya, wala sa'kin ang paningin n'ya at nakakapagtakang nakatingin siya sa gate, siguro naghahanap rin ng mga pasaway na studyanteng tulad ko.
Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon n'ya, hindi naman ako nabigo dahil agad siyang lumingon sa akin.
"Tapos ka na ba?" Biglaan n'yang tanong at umiling iling ako. Napalunok ako ng dalawang beses dahil nagmala-anghel ang boses n'ya.
"Mawalang galang na ho Mr, SSG Presiden-----" natigil ako sa pagsasalita nang bahagyang nanlaki ang mata n'ya.
"Paano mo nalamang President ako ng SSG?" Gulantang na tanong n'ya at bahagya akong natawa. "May lahi ka bang manghuhula?" dagdag n'ya pa na lalong ikinatawa ko.
Naningkit ang kanyang mata kaya napatigil ako sa pagtawa, Napaturo ako sa damit n'ya, doon sa kaliwang bahagi, makikita do'n ang naka-printed name n'ya at posisyon na SSG President.
Napapahiya siyang tumingin sa akin. "Sorry hindi ko napansin."
Napangiti na lang ako sa sinabi n'ya saka ako kumuha ng ballpen para pumirma sa logbook na iyon.
"Thank you," sambit n'ya matapos kong ibalik sa kanya ang logbook.
Tumalikod ako pero sinadya ko munang hindi umalis.
"I don't know if my deductions is correct," bulong ko sapat na para marinig n'ya.
"W-what do you m-mean?" nauutal na tanong n'ya, hindi ako lumingon sa kanya at hinayaan ko na lang ang aking sarili na nakatalikod nang sa gano'n ay 'di ako mailang sa titig n'ya.
"Hindi ako tanga para hindi maramdaman iyon, alam kong alam mong transferee ako tama?"
Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"At hindi lang 'yon, gusto mong makuha ang pangalan ko gamit ang logbook na 'yan! Am I Right again?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humarap sa kanya.
Wala siyang emosyon at bahagyang nakayuko, bagay na ayoko tuwing ako'y may kausap.
Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi at maya maya ay nag-angat siya ng tingin.
"So, ibig sabihin maling pangalan ang nilagay mo dito?" Tanong nya habang pinakita sakin ang Logbook.
Tumango ako. "I'm not stupid," singhal ko.
Ngumisi siya at iwinagayway sa ere ang kanyang cellphone.
"Hindi mo siguro napansin nung bigla kong inabot sa'yo 'yung logbook, nandoon sa ilalim ang cellphone ko kaya nakuhanan ko ng litrato 'yang luma mong ID, sapat na siguro 'to para malaman ko ang pangalan mo," nakangiwing aniya kaya ako naman ang napangisi.
Binigyan n'ya ako ng nagtatakang tingin.
"Napansin ko naman, kaya nga flinip ko 'yung ID ko para nang sa ganon ay 'yung likod ng ID ko ang makuhanan mo."
Napakunot ang noo n'ya, He darted a sharp gaze on his phone, Namuo ang pagkainis sa kanyang mukha nang marealize n'yang tama ang sinabi ko.
Napangisi siya. "Hindi ko man nakuha ang pangalan mo, nakuha ko naman ang number mo!" Nakangising sabi n'ya at saka pinakita sa'kin ang cellphone n'ya.
Tinalikuran ko siya. "Sabi mo nga kanina, luma na 'yong ID ko kaya ibig-sabihin luma na din 'yung number ko pero subukan mo pa ring tawagan baka sagutin ka nang lupang pinagtapunan ko," biro ko pero ako lang ang natawa, Inis akong bumaling sa kanya.
Bigla siyang pumalakpak sa ere, ngumisi pa siya at saka tumango tango.
"I've heard all abou yo---"
"Not all."
"Ok, I've heard about you, that's why I'm testing your skills, hindi mo ako binigo, pinahanga mo ako, Aly Santillan the silent detective."
Binigyang diin n'ya ang pangalan ko kaya hindi ako nagpatinag at saka bumawi.
"Thank you so much, Detective Johson Sison," hindi ako nagpatalo, binigyang diin ko rin ang pangalan n'ya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hex
Mystère / ThrillerJoin the adventures of the two students who has the same interest in the world of mysteries.
