Chapter • 2: COPY PASTE (2)

85 7 1
                                        

-ALY P.O.V-

INAYOS KO MUNA ang aking sarili bago ako pumasok sa crimes scene.

Pagkapasok ko ay nilibot ko agad ang aking tingin sa paligid, tumambad sa akin ang nakabigting pamilyar na babae.

Teka, siya 'yung babaeng binubully kanina ah?

"Nakilala ang biktimang si Meanne Jacinto, 17 taong gulang, Grade 11 student from HUMSS, ayon sa aming imbestigasyon, nagpakamatay ang biktima dahil sa sobrang stressed at pambubully sa kanya," paliwanag ni Inspector Teroso.

Tumango tango kami ni Johson, Iniwan ko si Johson dahil kausap n'ya pa si Inspector, ako naman ay nag-ikot ikot sa crimes scene para mag-imbestiga.

Napatingin ako sa biktimang walang buhay na nakasabit sa ceiling, wala akong makitang kakaiba sa kanya kaya nagtuloy tuloy ako sa pag-iikot.

Maya maya lang ay may dumating na dalawang lalaki na may dalang stretcher, Kaagad nilang ibinaba ang biktima mula sa pagkakasabit at maibgat na inihiga sa stretcher, may napansin akong note sa kanyang blouse kaya kinuha ko iyon at saka tinignan.

D-I-F-D-L-U-I-F-Q-I-P-O-F

"Inspector ang biktima!"

Kaagad na bumaling ang tingin ko sa biktima dahil sa pagsigaw na iyon ng isang pulis.

Lahat kami ay natuon ang atensyon sa biktima, para siyang isang gripo, dahil sa dugong umaagos mula sa kanyang likod.

Nagkatinginan kami ni Johson dahil doon, lumapit siya sa akin at saka ngumisi.

"What do you think?" taas kilay na tanong n'ya sa akin.

Hindi ko muna siya sinagot at saka ako bumuntong hininga.

"This isn't suicide," sagot ko at nakita ko siyang tumango tango.

"Insteresting deductions," sabi n'ya habang pumapalakpak, "I agree."

"Inspector, may nakita po kaming gloves at knife, ito po siguro ang ginamit na weapon ng suspek," sabi ng isang pulis kaya tumingin ako doon.

"Isa nga itong murder at hindi suicide, tama nga si -, what's your name again?" tanong ni Inspector na sa'kin nakatingin.

"A-ly Santillan po," nahihiya ko pang sagot.

Tumango tango si Inspector, "Mukhang mahihirapan tayo dahil wala tayong ideya mga suspek sa kasong 'to," problemadong ani ni Inspector na napakamot pa sa kanyang ulo.

"Don't worry Inspector, we're here," si Johson at lumawak naman ang ngiti sa labi ni Inspector.

"Salamat hijo at hija, mabuti nga't nandiyan kayo."

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Inspector, bumaling ako kay Johson at saka siya hinila sa isang sulok, agad kong pinakita sa kanya iyong note na nakita ko kanina.

"Where did you get this?" taka n'yang tanong.

"Sa blouse ng biktima, nakita ko," sagot ko at tumingin na lang kami sa note.

"I think it is a cod-"

"Obvious naman," I cut him off.

Natigilan siya sa sinabi ko kaya tinignan n'ya ako ng masama, nagtama ang paningin naming dalawa kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Chasing HexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon