Kim's POV
Andito ako sa labas ng bahay, sa may grahe. Naghihintay sa paguwi ng pinakamamahal kong babae. Ang singkit na bully kong baby, my one and only Cienne. Sa gabing ito ay sya ang nakahanap Sa aming kaibigan, si Mika. Hindi na nya ako pinasama para sunduin ito sa kung san mang bar dahil alam nyang masyado akong pagod sa araw na ito. Ganun din ang kambal nya na si Camille at ang kasinatahan na kaibigan din namen na si Carol na kasalukuyang mahimbing na natutulog na sa kanilang kwarto. Napangiti ako ng bahagya ng may maaninag akong ilaw na sasakyan na papalapit sa aming tahanan, agad Kong binuksan ang gate sapagkat alam kong sila na ang inaantay ko. Ng makapasok ang itim na mazda ay agad kong sinara at nilocked ang gate. Nagtungo ako sa sasakyan at saktong bumaba ang taong mahal ko, ng makalapit sya saken ay agad ko syang binigyan na mabilis nahalik sa labi. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at nakita ko ang mahimbing na tulog ni Mika. Bakas sa kanyang mga Mata ang natuyong luha, di ko maiwasan malungkot, maawa at magaalala sa kanya. Bago pa ko tuluyang maluha ay binuhat ko na agad sya at dinala sa kanyang kwarto. Inihiga ko sya kanyang kama at hindi ko naiwasang tingnan syang muli. Napukaw ang aking atensyon ng may yumakap mula sa aking likuran.
Cienne: baby, wag ka na po magalala magiging maayos din ang lahat.
Humarap ako sa kanya at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Tinitigan ko sya sa kanyang mga Mata.
Kim: Sana nga baby, sana nga masyado ng matagal ang panahon na nasasayang na dapat ay masaya sya.
Cienne: oo baby, matatapos din lahat ng paghihirap nya.
Kim: (nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga) hayy, sige baby maiwan ko muna kayo, bahala ka muna sa kanya. Baba lang ako sa kusina.
Cienne: Sige baby, wag ka na po magalala ah. Mwah (kiss sa pisnge ni Kim).
Tumango lang ako sa kanya, lumakad palabas ng kwarto at sinira ang pinto. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Kinuha ko ang mug at nagtimpla ng kape. Nagtungo ako sa garden at umupo sa bench. Pagod ako sa trabaho ngunit hindi ako dinadalaw man lang ng antok marahil dulot ito ng aking pagaalala kay Mika. Tumingin ako sa langit at di ko maiwasang malungkot at manghinayang. Naalala ko na naman ang nakaraan, kung paano ba nagumpisa ang kalungkutan at natapos ang kasiyahan sa aming dalwang kaibigan.
Flashback
Dahil sa masyadong busy si ara ay hindi nya napapagtuunan ng pinsan si Mika, days and weeks passed by. Hindi nakakasama sa mga gala ng bullies si Ara. Nasanay na dito si Mika at halata na din sa kanya ang tampo. Papunta ang bullies sa mall except Ara. Wala din si Ara at hindi nila kung san ito nagpunta.
@Mall
Nasa likod ng bullies si Mika na may kaunting agwat ng layo sa mga ito, nakatungo itong naglalakad ng...
Booggssh!!
Mika: Aray!
_____?: ay sorry miss!
Pagtingin nila sa isat isa ay nagulat si Mika.
Mika: O____O J-jeron?
Jeron: miks :) sorry ah Di ako tumitingin sa dinadaanan ko.
Mika: ah-eh okay lang, sorry din Di.kase ako nakatingin.
Jeron: kamusta ka Miks? Still pretty huh. :) ( ngumiti ng pagkakatamis)
Mika: (nagblush) loko! :) okay naman ako. Leche ang wafu talaga neto, ang pretty ko daw. Aw Lande lang Mika? Erase erase!
(A.N. Ultimate crush ni Mika si Jeron since rookie year nya at ganun din naman si Jeron kay mika, lingid sa alam nila na mas malalim pa ang nararamdaman nito kay Mika. Sabay nanligaw si Jeron at Ara kay Mika noon, may kaunting nararamdamang pagmamahal na si Mika kay Jeron pero mas nanaig kay Mika ang pagmamahal nya kay Ara. Naging magkaibgan pa rin si Jeron at Mika ngunit dahil busy sila sa kanilang mga pagaaral at training ay hindi na sila gaano nagkikita. )