The Moves :-)

1.7K 37 33
                                    

VIC'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas since nung tour namen ni Mika sa isla, since ng huli ko syang malapitan at mahawakan. Since nung huli ko syang makita.

Andito pa rin naman sila sa isla, pero ako eto, nagmumukmok na naman sa aking munting paraiso, sa aking munting bahay at opisina. Hindi ako nagaatubiling pumunta sa resort, kung may mga papeles mang kelangang pirmahan ay dindala sakin ni Manong Aliyo.

Nangyari na naman saken ang ayaw kong mangyari, ang maging wasted katulad ng pagiging wasted ko 7 years ago. Inom, iyak, inom, iyak, inom.. Nasasakatan na naman ako, same persons and maybe same situation.. Ay Mali pala not the same situation kase wala naman palang kami..

"bobo mo talaga Vic!" at tinuktukan ko ang sarili ko kasabay ng nasambit ko. Eto baliw na naman ako.. :(

Naiinis ako, sobra Kong naiinis sa sarili ko, dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, alam nyo yung gulong gulo utak ko, urong sulong sa mga desisyon ko. Ugggghhhhh!! Kinuha ko ang 2015 dodge charger ko at pinaharurot ito patungo sa maliit na race track dito sa isla.

Dito ko na lang ibubuhos ang lahat ng inis ko.. Huling drift ko na at pudpod na ang gulong ng kotse ko ng mapansin ko na may dumarating pang isang kotse, sigurado ako kung kanino to kaya itinigil ko ang ginagawa ko.. Bumaba ako ng kotse at sabay din ng pagbaba ng taong lulan ng dumating na sasakyan.. Lumapit ako sa kanya.

"Aray!!" ayun binatukan ako ni Manong Aliyo..

Vic: Para san yun manong?? (kakamot kamot nitong tanong)

Aliyo: baka maalog ng utak mong bata ka! Hindi ka pumupunta ng resort at nagmumukmok ka na naman na wala namang dahilan!

Vic: Manong.. Gulong gulo na po kasi ako.. (tumungin sa malayo)

Aliyo: Toru, anak ikaw lang naman kasi nagpapahirap at nagpapagulo sa sarili mo, palagi mong inuuna ang takot bago subukan.

Vic:.... (nakatingin pa rin sa kawalan)

Aliyo: Sa business di ka naman ganyan, bakit sa personal mong buhay Hindi mo makayanan? Ano pa bang kinakatakot mo anak?

Vic: Ang masaktan ulit Manong, at nasasaktan na naman ako..

Aliyo: Lahat tayo masasaktan at masasaktan, parte yan ng buhay katulad ng problema. Pero matuto kang gumawa ng paraan para lumaban. Toru, makinig ka nasasaktan ka ngayon dahil rin sa iyong sariling isipan. Nauuna kang magconclude sa mgay bagay bagay kesa alamin muna kung Ano ang totoo. Yung simpleng ipakilala mo muli ang sarili mo ay hindi mo man lang magawa. Aba hindi yan maganda, habang buhay ka na lang magtatago sa lungga mo, sa maskra mo?

Vic: hindi ko na po kasi maintidihan ang sarili ko, may part saken na gustong gusto ko ng Lumapit sa kanila ng Ako talaga, bilang Vic pero andun Yung takot na baka galit sila saken, na kinamumuhian nila ako, o kaya baka nakalimutan na nila ako. Kaya iniisip ko na lang po lumayo paminsan. Pero andun din yung pakiramdam na masaya akong nakikita sila, lalong lalo si Mika at ramdam kong magiging masaya din sila pagnalaman kung sino ako.. Ang kaso po hanggang pakiramdam na lang ata ako..

Aliyo: (sigh) tsk.. Toru tumingin ka sa akin anak.. (hinawakan sa balikat) Walang masamang subukang muli ang mapalapit sa kanila at sa kanya. Kung hindi mo kayang biglain, iyong dahan dahanin..

Subukan mo lang toru, subukan mo at lam kong magagawa mo. Para din yan sa ikabubuti mo, sa ikapapanatag mo...

Tumango lang ako kay Manong at sumabay na sa kanya na pumunta sa resort, iniwan ko na lang ang kotse ko sa race track dahil may magaayos naman nuon.. Napaisip din ako sa sinabi manong, alam ko naman talagang muntanga na na ako sa mga kinikilos ko..hay.. Tulad na lang ng dati Bahala na si batman!....

Love will never lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon