MIKA'S POV
Nasa mahimbing akong pagkakatulog at para akong nanaginip. Si Vic ang nasa aking panaginip. Papalapit raw ito ng papalapit sa akin, partikular sa aking labi ng maalimpungatan ako. Dahil pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata. At nabigla ako sa aking naaninag, isang taong halos kadikit na ng mukha ko,
" Vic?"
Sa isip isip ko, di ako kagad nakapagreact pero nakabawi ako ng matumba ito.. Nakayuko ito at Mabilis na nagsuot ng maskara, may hawak din itong camera.
"teka si supladong wirdo ba to?"
Babangon na ako ng tumayo ito natutumba tumbang tumakbo papalayo, nakatayo na ako at bago ito tuluyang makalayo ng husto ay binalak ko tong habulin.
"Lokong yun, kung sino man may balak pa atang masama sa akin, di pepede yan!!"
Nakakita ako ng maliit na Buko sa may paanan ng puno at aking dinampot, binato ko ito sa direksyon ng taong tumatakbo. At sa di ko inaasahan..
.
.
.
.
.
"fuck! sapol sa ulo, sungasob ito!!"
.
.
.
Lalapit na sana ako ng may lalaking patakbong lumalapit dito at sumigaw..
At maging ang mga kaibigan ko ay narinig kong sinigaw ang pangalan ko."Anak" / "Mika!"
Napatingin na lang ako sa mga kaibigan kong papalapit sa akin.
Kim: Mika anong nangyare? Bakit ka tumatakbo?
Cienne: Ano yung hinagis mo? May binato ka?
Kinuwento ko ang nangyari sa kanila.
Carol: hala ka, yun taong natumba kanina? Tinamaan mo sa ulo? Naku na!
Cams: si manong aliyo yung lumapit dun kanina sa tao, naku baka yun ang anak nya?
Mika: hindi ko naman sinasadyang tamaan sa ulo, promise! Ano ng gagawin ko? Nakakahiya kay manong aliyo, Diyos ko baka napuruhan ko? (mangiyak ngiyak nitong sabi)
Kim: Mabuti pa ay umuwi muna tayo sa villa at magayos ng sarili. Tapos puntahan natin si Manong Aliyo para alamin ang nangyare sa kung sino mang tao yun..
Agad kaming umuwi, naligo at nagbihis ng maayos na damit. Nagtungo kami sa opisina ni Manong Aliyo ngunit wala raw ito. Naiiyak na ko sa nagawa ko, pagaalala sa taong nabato ko at sa hiya kay Manong Aliyo." Mika kase bakit mo naman binato at ng buko pa talaga ha?" paninisi ko sa sarili.. Hay.. LORD PLEASE HELP ME..
--
ALIYO'S POV
Naglalakad lakad ako ng makita kong tumatakbo si Vic, alam kong sya yon kahit pa nakamaskra ito, nagulat ako ng may tumama sa ulo nito at tumumba agad ko syang nilapitan, ng makiusap ito sa akin bago mawalan ng malay ay binuhat ko na ito papunta klinika. Chineck ito ng doctor at maayos naman daw ito, nawalan lang ng malay, hindi naman pumutok ang ulo nito at ginamot na lang ng doctor sa paraang dapat. Tulog pa rin ito kaya minabuti kong ipakuha ang ambulansya para hindi na to kailangan gisingin upang mailayo at maiuwi.
Andito ako ngayon sa munti nyang bahay, nagkakape sa labas at hinihintay na sya ay magising. Pumasok ako sa loob upang ito ay bisitahin. At sakto namang ito ay nagising..