A/N -- sorry po sa title. Wala eh, hirap magisip pagsawi, inalaska ako ng mga barkada kong makaALE.. Talo man sa unang pagkakataon may iba pang pagkakataong para bumangon at ibalik ang pagiging kampyon.. Bawi la salle :-)
VIC'S POV
Planado ang pagiging magpartner namin sa palaro ni Mika. Hindi ko maalis ang mga titig ko sa kanya na parang higit pa sa kula. "Napakaganda talaga nya sa kahit anong suot nya..hayy.." napapangiti na lang ako sa mga kilos at komento nya sa palarong magaganap.. Lalong lalo na ng umentrada ito na Jabawookeez ang nasa harap nya. Pero mas higit ang pagpapangiti ang nagagawa nya sa simpleng pagtingin ko sa kanya. Ng makalapit sya sa akin ay tumungo na ako, ganun na lang ang kaba ko. Pero mas higit pa sa dagundong ng isang malakas na kulog ang pagtibok ng puso ko ng magsimula ang palaro, ng mahawakan at mayakap ko sya, ang halos magkadikit naming katawan, at ang aming tinginan. Walang pagbabago, andun ang pananatiling pagpako ng mga mata ko sa mata ng taong mahal ko simula noon hanggang ngayon.
Matapos ideklara na kami ang panalo ay mababakas mo sa kanya ang ibat ibang emosyon. Halang lutang na lutang sya dahil hindi nya man lang napansin ang kamay kong sa kanya ay nagyaya upang sumayaw. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakangiti ng nakakaloko sa taong mahal ko, "mga wala talagang pagbabago". Ng lumapat ang kanyang mga kamay sa aking palad ay agad ko syang hinila palabas sa hardin kung saan nais ko syang isayaw.
Nagsimula ang tugtog at ang muling pagsayaw naming dalawa. "Ang babaeng nasa harap ko, ang babaeng mahal na mahal ko ay naisayaw kong muli." walang pagsidlan ng tuwa ang aking nadarama. Ang makayakap sya sa ilalim ng maliwanag na buwan ng walang ibang nakakaalam, ang tahimik naming pagsayaw na tanging mga mata ang nangungusap lalo na sa pangalawang kanta na aming sinasabayan ng indak ay madarama kung anong aming nararamdaman sa bawat isa, kahit na hindi nya alam kung sino ba ang kaharap nya. Nararamdaman ko din ang mas humigpit na kapit nito sa aking batok at ang mas makahulugang tingin nito sa aking mga mata.
Matapos ng pagsayaw namin ng tahimik ay kumalas ako sa kanya. Gustong gusto kong alisin ang aking maskara at sabihin sa kanyang ako si Vic, si Vic na minahal nya ngunit nilamon na ako ng kaba at ng takot na aking nadarama. Nagvow at iniwan ko na syang mag-isa.
"gago ka talaga Vic, ang duwag mo, iniwanan mo na naman sya..!!"
Yun na lang nasabi ko habang tumatakbo palayo sa kanya. Nagtungo ako sa parking lot ng function hall at hinanap ang kotse ko. Sumakay ako at mabilis Kong pinatakbo papunta sa lugar kung san makakalma ako. Ng makarating ako dito ay hinubad ko ang maskara na suot ko.
Nakaupo muli ako ngayon dito sa aking opisina. Gaya ng dati kasama ang lampara at kwadernong higit na nakakaalam ng nararamdaman ko.. Tumingin muna ako sa kalmadong langit at isang buntong hininga ang muli kong pinakawala.
At gaya ng dati nagsulat muli ako sa aking kwaderno...
--
MIKA'S POV
Nagising ako dahil naiihi ako..hehe.. Bumangon ako at nagtungo sa banyo ng kwartong tinutuluyan ko. Matapos ay nagtungo ako sa parte ng veranda. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang pinto.
"Pasikat pa lang pala ang araw" pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sariwang hangin. Habang nakapikit ako ay naalala ko na naman ang supladong lokong kapareha ko sa palaro kagabi. Hindi ko talaga maipaliwanag ang mga tingin nya sa akin, ang mga tingin na tulad talaga ng kay Victonara! Maging ang pagiging komportable ko sa kanya ay lubha ko ring pinagtataka sa kabila ng pagiging suplado at wirdo nito.. Ni hindi man lang nga tinanong ang pangalan ko, walang isang salitang binagkas at higit sa lahat sya lang ang hindi nagalis ng maskarang suot nya kahit tapos na ang palaro. At ang pinakawagas, akalain nyo bang iwan ako magisa matapos akong isayaw!!!