Final Feliz... :-) :-(

2.4K 46 15
                                    


MIKA'S POV

Nagising ako ng pakiramdam ko ay may humahaplos sa buhok ko.. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ang taong matagal kong hinanap at hinintay makasamang muli.. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sa akin habang nakaupo lang sya sa gilid ng kama..

Ngumiti sya sa akin ng may alinlangan. Inirapan ko naman sya dahil naalala ko ang sinabi nya saken kagabi!!!

Tinalikuran ko sya at pumikit akong muli. Anong akala nya hindi na ako nagtatampo sa kanya?! Kaw ba naman pagisipan na adik? Hay naku! Kahit pa matagal kaming hindi nagkita di ko naman din papalampasin pagiging insensitive nya no? Drama ko ba? Okay lang yan, bahala syang manuyo!!! Di ba?!

Ramdam kong bumaba ang haplos nya sa may braso ko, pero No way pa din! Di ko sya papansinin..

"Babe, sorry na,  i love you..."

Di ko pa din sya papansinin..

"babe, please wag ka ng magtampo oh, please babe.."

Di ko pa din sya nililingon, at naramdaman ko ng yumakap na sya sa akin at hindi na nagsalita pa ang Victonara ko.. Maya maya pa ay kumalas sya sa yakap at naramdaman ko na lang na umalis sya sa tabi ko. Hmp, bilis aman netong maggive up..

Nakakainis naman kase sya.. Naiinis ba ako o nahihiya lang din? Nakakahiya din naman talaga yun di ba? Yung parang ano, ahm, yung parang tinanggihan ako? Parang ako pa yung ano, basta alam nyo yun.. Ayst! No ba yan, hindi naman kase ganun, di ba nga sabi ko once i found her i will give my all to her, as in lahat lahat dahil mahal ko sya. Dahil gusto kong malaman at paramdam sa kanya na buo na ko at buong buo ako para sa kanya. No doubts at all, na sya lang ang gusto kong mahalin at makasama for the rest of my life.

Kaso epic eh, malay ko ba na sa 7 years na nagkahiwalay kami ay naging shunga pala yung mahal ko, ang slow eh!  Mas slow pa sa pagong!

Tapos ngayon bilis bilis nyang mag give up sa panunuyo saken. Hay, mahal pa ba talaga kaya ako neto? Baka naman hindi oa rin nya ako napatawad kaya hinayaan nya na galit ako? Tsk!

Napataklob na lang ako ng unan sa mukha ko dahil sa mga pinagiisip ko. Pumikit muna ako at huminga ng malalim.  Inalis ko ang unan sa mukha ko at pumaling sa kabilang side ng kama para tingnan kung andun ba si Victonara o iniwan na lang ako?

.
.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

O___O

"good morning babe, sorry na talaga, please wag ka ng magtampo, i love you so much babe"

Sambit ng mahal kong babe habang nakatakip sa kanyang mukha ang isang bouquet na white roses  , nagulat ako at nangiti na din.. Nakatayo lang sya dun at ako naman ay unti unting bumangon sa kama.

Dahan Dahan kong ibinaba ang bouquet, nakita ko naman na nakapikit ang babe ko, ang cute nya talaga :-) parang bata lang. Hinaplos ko ang mukha ka nya kaya naman nagmulat na sya ng paunti unti. Nakatitig lang ako sa kanya.

Love will never lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon