Weekend

430 6 0
                                    


Sa kabi-kabilang ingay at gulo sa siyudad merong mga natatanging lugar sa ating bansa ang tahimik at payapa kaya't madami ang nahihikayat na magbakasyon at magliwaliw sa mga nasabing lugar na ito. Isa na dito ang Baguio City. Kilala ang lungsod ng baguio bilang Summer capital of the Philippines dahil sa malamig nitong klima at sariwang hangin bukod pa sa mayaman nitong kultura at kasaysayan. Ilan sa mga kasaysayang ito ang nababalutan ng katatakutan, hiwaga at misteryo na ayun mismo sa naranasan ng mga taong nag babakasyon sa mga sikat na lugar sa baguio katulad na lamang ng kwentong inyong mababasa ngayon. 

Ako si Paolo, 32 years old. Isang normal na tao, empleyado at kaibigan nag simula ang kwentong kilabot ko isang maulang gabi nung August  15, 2014 ng magkayayaan kaming pitong magbabarkada na mag punta ng baguio.

"Pre?!" pop out sa group chat box sa amin ni Romel isang gabi

"Bakit tol?" reply ni Marnel

"Bakit?, pre mis mo na kame?!" Pakengkoy na reply ko

"Mis you brad, lab yah! pang asar na tugon ni Ramon

"Mga Ulol!! Baguio tayo? Anu game?! Samahan nyo ko" reply sa amin ni Romel

"Hahahha Kelan???" Ang excited kong reply, naisip ko baguio ayos yun ah.

"G kelan yan? Sakto sabay na din natin ng birthday celebration ni paolo!" Ani Marnel

"Susme!! - natatawang sagot ko

"Where do broken hearts go can there find there way home!!!"  kumakantang voice message ni Ramon

"Tol anung drama yan?! Hahah " ang sagot ng panay seen na si Anton

"Fuck you kau ng very light! Basta sa friday magkita tau sa moa 5am" Pinal na set ni Romel

Nag simula sa simpleng ayaan akala ko hindi kame matutuloy o may mag baback out last minute at maiisipan na lang na hindi na ituloy.  Alam nyo na madaming lakad na ganyan hanggang drawing lang hindi nakukulayan pero katulad nga ng sabi nila biglaang lakad ang madalas natutuloy.

Dumating ang araw ng Biyernes Alas- singko ng umaga.

"Anu na mga tol nasaan na si Anton?" Tanong ng nakaupo sa driver seat na si Romel at panay sulyap sa relo

"Ka txt ko kanina on the way na daw" sagot ng nakaupong si Ramon sa dulong bahagi ng van

"Alam nyo naman yun si Anton chicks" natatawang sabi ko habang prenteng nakaupo sa unang hilera sa loob ng van

"Oh! ayan na pla si Anton eh!" Sabay turo ni Marnel sa papalapit na si Anton

"Anu bayan pre ang usapan 5am anung oras na" reklamo ni Archie

'Sensya naman pre napasarap ung tulog ko" kamot kamot sa ulong sabi ni Anton

"Sabihin mo tulog mantika ka lang talaga" sabay tawa at nakipag apirang sabi ng katabi kong si Mj

"Oh siya tara na!! Simulan na natin to at mahabang biyahe pa ang bubunuin natin" pag aaya ni Romel habang inistart ang van na gagamitin namen

Sabay sabay na pumasok ang ibang tropa sa loob ng van at nag simula na nga ang aming biyahe papunta ng Baguio. Masaya, puro kulitan at tawanan palibhasa matagal na kaming hindi nakakagala after ng ilang buwang puyatan sa trabho kaya lahat excited ng umagang iyon.

Malapit na kame sa Baguio nang mag tanong si Mj

"Pre san nga pla tayo tutuloy?" tanong ni Mj sa nag dadrive na si Romel

"Oo nga pre saan? may bahay ba kayo dun?" Segunda ng humihikab na si Anton habang nakasalampak na nkaupo sa loob ng van

"Wala pre!" Sagot ni Romel na sumilip sa reviewer mirror ng sasakyan

Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon