Black lady

69 2 0
                                    


Ayon sa mga matatanda ang bawat tahanan ay mayroong sariling kwento. Mga istoryang  masasaya at malungkot mga alaala na naiiwan na iyong babalik balikan, ngunit may kwentong ring hindi mo aakalain na makakapanindig ng iyong balahibo sa tuwing ikaw ay mag babalik tanaw. 

Ako si Juan ang isa sa kwentong kilabot ko ay nangyari mismo sa loob ng aming tahanan isang karanasan na hindi ko makakalimutan mag pa hanggang ngayon.  

Medyo may kalumaan ang aming tahanan, may dalawang palapag, sa unang palapag may malinis at maayos na sala sa dulo ay nandoon ang kusina na may katapat na dalawang pintuan na ngsisilbing palikuran. Habang sa pangalawang palapag naman naroon ang mga silid tulugan. Sa tahanang ito ako halos lumaki at nagbinata. Kasama ang aking kapatid, mga pinsan at tiyahin dahil wala na akong mga magulang. 

Isang gabi naiwan akong mag isa sa aming tahanan, umalis ang aking tiyahin at  nag punta sa kanyang kaibigan, habang ang aking kapatid nasa bahay na ng kanyang asawa at ang  mga pinsan ko pumasok sa kanilang trabaho sa call center. Habang maganang kumakain sa may kusina ay nakaramdam ako ng kakaiba. Biglang tumayo ang aking mga balahibo sa batok, pakiramdan ko mayroong nag mamasid sa akin ng mga sandaling iyon at parang hindi ako nag iisa. Binalewala ko ang aking nararamdaman at nag patuloy sa maganang pag kain.

Bandang Alas onse ng gabi.

Rinnnggggggg.. rinngggggg 

"hello! mommy.." sagot ko sa sa tawag ng aking tiyahin na nakagawian na naming tawaging mommy

"Juan hindi ako uuwe bukas na ng umaga, dito ako kila ate shriley mo matutulog, siguraduhin mo Ilock mo ang mga pinto ha!" ang sabi at bilin ng aking tiyahin sa kabilang linya.

"oo mommy" sagot ko naman, habang prenteng nakahiga sa aking kama.

Nang matapos ang tawag, nag pasya akong bumaba at icheck ang mga pinto at bintana kung nakasarado. Nang makasigurado na sarado muli akong pumanhik sa aking kwarto.

Alsa onse y medya ng mag pasyang akong matulog.

Bandang Alas tres ng madaling araw ng magising ako dala ng pag nanais na mag punta sa palikuran. Dahan dahan akong  bumangon at pakapa na inabot ang stinelas na pambahay ng maisuot ito, inaantok na lumapit ako sa ding ding  dahan-dahan na kinakapa ang switch ng ilang ng may maramdaman akong may parang humaplos sa aking kamay.

"Aaaaayyyyy....!!!" bigla kong nasambit sa gulat.

 Nag mamadali kong pinagpag ang aking kamay at dali daling pinindot ang switch ng ilaw, palinga linga akong sa paligid ngunit walang nakita pag tingin ko sa  ibaba ay may ipis na gumagapang palayo.

Hayyy.. pisti!!!!!

 IPIS lang pala.. akala ko kung anu na.  

hawak ang dibdib sa takot, kabado akong bumaba ng hagdanan dulot ng gulat kanina. 

Tahimik na binabaybay ang hagdan pababa patungo sa sala. Nang nasa kalagitnaan na ako ng sala naaninag ko sa  may kusina sa dulo sa tapat ng pinto ng cr ang isang anino. Dahan dahan akong humakbang palapit upang makita ang natataw na kulay itim.

Isang pigura ng babae..

Palibhasa dim lit ang ilaw sa kusina ng mga sandaling iyon maaninag mo talaga ang pigura ng isang babae. Nanlalaki ang mga mata ng napagtanto ko, ang pigura ay nakatayo kulay itim ang suot ng damit at may mahabang buhok nakatabing sa kanyang mukha, mas lalo akong kinilabutan ng makita nakalutang ito ng bahagya. 

tugggg... tuuugggg.. tuuugggg..

Kabog ng kabog ang aking dib-dib!,pinag papawisan ng malamig ang aking buong katawan sa sobrang takot, nagtatayuan ang balahibo sa mga braso at batok. Nais kong mag sisigaw sa takot ngunit walang lumalabas sa aking nakabukang bibig.  Naisin ko mang mag tatakbo pabalik sa itaas sa takot ngunit ung pakiramdan na parang puputok ang aking pantog sabayan pa ng matinding takot pakiramdam ko anumang sandali ay mapapa ihi ako sa aking salawal. 

Nag aalin langan man ng ipon ako ng Lakas loob at nag simulang umusal ng panalangin.

" Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo, mapa sa amin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa, para lang sa langit" - dahan dahan kong usal habang may pag mamadaling dumidiretso sa patungo sa CR.., 

Mas na nindig ang aking mga balahibo ng mapatapat ako mismo sa babae. Mas malakas kong inusal ng paulit ulit ang panalangin ko, Halos manigas ang aking mga leeg sa pag nanais na wag lingunin ang babaeng naka itim, Patakbo akong pumunta sa CR. Nag mamadaling mag lock at palingon ligon sa loob ng palikuran habang umiihi..

Nang matapos mag banyo, muli akong nag ipon ng lakas loob upang lumabas 

" In the name of the Father, son and the holy spirit, Amen! I believe in god the father all mighty"  Ang aking malakas nabigkas habang nag aantanda ng krus at nag mamadaling mag lakad paalis ng banyo pabalik sa aking kwarto 

Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon napakalayo ng aming cr mula sa aking kwarto sa sobrang kaba, patakbo na akong umakyat sa aking silid.

Humahangos, pawis na pawis at matindi ang kabog ng aking dib dib na tumalon ako sa kama at nag talukbong ng kumot.  Nag desisyon na panatilihing maliwanag ang silid. Pikit na pikit ang mata na ako'y  nag patuloy na nanalangin. Nakapikit ngunit gising ang diwa, nakikiramdam sa kapaligiran hindi ko namalayan na inabot na ako ng pag sikat ng haring araw. Hindi na ako dinalaw ng antok ng dumating ang aking tiyahin at mga pinsan ay aking sinalaysay ang aking nakakatakot na karanasan.  Mula noon ay sinisikap ko na magbanyo bago matulog upang hindi na muling gumising at mag cr ng mga ganung oras. 



PS:

Salamat po sa lahat ng reads, sori sa late update medyo busy lamang po sa duty.

pa vote naman po para motivation lang. 

happy reading.. stay safe guy! Don't forget to pray..





Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon