Hallway

42 1 5
                                    


Hello!! ngayon lang po ako nakapag update, medyo busy lang po sa aking work. medyo merong mga grammatical error di ko pa po na edit ng maayos.

Pavote naman po :)

Stay safe everyone!!!!


Ang susunod nating kwentong kilabot na aking ibabahagi ay tungkol sa isang pangyayare na aming naranasan ng tatlong mag kakaibigan  noong bago pa lamang sila sa trabaho. 

Bagong pasa lamang sila noon sa board exam at unang taon para ipractice ang aming pinag aralan bilang isang nurse. Matinding pagsusunog ng kilay ang aming mga pinag daanan. Matindi ang kompetisyon para makapasok sa ospital noong 2012, kaya mapalad ka pag nakapasok ka sa isang ospital, kahit pagiging volunteer nurse ay tinangap na namen. Marami nang mga kwento na pasalin salin ang aming mga naririnig na amin din palang mararanasan.

Isang pribadong ospital sa parteng south ang tumanggap sa amin bilang isang volunteer nurse, Mahigpit sampung taon na ang hospital, Medyo may kalumaan ang  gusali, tahimik, at may apat na palapag. Sa unang palapag ang emergency room at ang pharmacy pati narin and doctors clinic, sa 2nd fllor ang mga ward, sa 3rd floor naman ang mga private room, habang ang pang apat ay ang operating room, at delivery room.  Madameng tao ang takot sa ospital dahil ito daw ang piping saksi sa mga masasaya at malulungkot na kabanata ng buhay ng bawat tao, at marame di umano ang kakaibang pangyayare ang iyong mararanasan at mararamdaman. 

Sa unang araw namen sa trabaho mahirap dahil kailangan mong maging mabilis sa pag hahanda ng mga gamot ng pasyente at maging pamilyar sa bawat sulok ng ospital at maging pamilyar sa  bawat area. At dahil baguhan madalas kame ang inilalagay sa pang gabi 10pm-6am duty sa private room. Endorsement at pag ikot ikot sa bawat kwarto ng mga pasyente, pag kuha ng vital signs at pag bibigay ng gamot sa madaling araw.

Tatlong buwan na kame noon at medyo nagagamay na ang trabaho, Isang gabi katulad ng nakasanayan habang kame ay nasa nurse station, nag prepare ng mga gamot si aaron para sa 12midnight na due medicine at si mich ay nag flat ng mga vitals signs ng mga pasyente sa chart ay masaya kameng nag kwentuhan at mag kulitan.

"aaron anong food ninyo?" tanong ni mich habang ng susulat

" wala bhe, mag burger machine nalang tayo diyan mamaya sa harap mag pa bili tayo kay kuya ranil mamaya" ang sagot ni aaron

"sobrang tahimik naman dito sa 3rd floor " biglang nasabi ko habang ng arrange ng mga stocks sa aming mga ecart, palibhasa nakasanayan namen mag duty sa 2nd floor kung saan nandoon ang mga ward.

"oo nga nakakatakot, nasanay tayo sa 2nd floor na may mga tao"  segunda ni michi sabay tingin sa akin

"parang anytime may lilitaw sa harap mo" sabay halakhak ni aaron

"yay!! creepy!  wag ka nga ganyan alam mo naman na una pa lang parang mayroon na tayong kakaibang feeling dito sa floor na to..kinikilabutang ani ni mich

"Tama na yan mag trabaho na tayo" pigil ko sa pagtatakutan ng aking mga kasama. Lumipas ang aming duty ng mapayapa at walang anumang aberya.

Makalipas ang dalawang linggo at muli ay pang gabing shift na naman kame, ka endorse namen ang aming senior nurse ng gabing iyon.

"oh! yung IV ni Room 306 ok na yun ah, bagong kabit ko lang sya, ingatan nyo mahirap pa naman hanapan ng ugat yang pasyente na yan " Pag papaalala sa amin ni mam meris ang aming senior na kaendorse galing sa mid shift

"ok mam sige" Sagot nameng tatlo nila michi at aaron, habang ang senior nurse na kasama namen sa duty ay tahimik na nakikinig lamang.

"oh sya sige uuwe na ko, ingat kayo nku meron pa naman nagala!!" sabi ni mam meris habang inaayos ang bag

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon