Weekend Part 2

188 4 3
                                    




Kinaumagahan, mataas na ang sikat ng araw nang maalimungatan ako sa mga kaibigan kong nag kukwentuhan.

"Tol nakatulog kayo?" Tanong ni Marnel sa aming mga kasama

"oo, sarap nga ng tulog ko eh"- sagot ni Archie

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Ramon sa amin

"Hindi ako nakatulog ng maayos puro mga kalabog at mga yabag na parang may naglalakad yung naririnig ko" Pag kukwento ko sa mga kasama ko

"Naririnig ko ung mga kalabog nagigising ako, narinig ko din nung nag tanungan kayo ni marnel. pero di lang ako dumidilat" Sabi ni Anton

"Hala!!! Lagot may mumu pang asar na sabi ni ramon

"Wag nyo na lang pansinin yun. Baka dala lang ng kalasingan nyo un. Tara na mag ayos ng makapasyal na tayo." Aya ni Mj sa amin

Nang mag hapong iyon parang walang nangyaring masaya kameng namasyal sa Burnham park, Mines view park at sa Camp john hay. Namili ng mga pag kain, inumin at mga pang pasalubong. Nagpasya kaming bumalik ng Guest house mga Bandang Ala-sais ng Gabi.

Alas-syete nang gabi,  maulan ulan. Muli kaming nag salo-salo sa nilutong hapunan. Napanatag ang loob ko ng mapayapa kameng natapos kumain ng walang anumang kakaibang tunog o ingay kaming naririnig.

Dahil huling gabi naming mananatili sa baguio at kinabukasan ng umaga ay babalik na kame sa maynila. Napag desisyunan naming muli na mag inuman. Katulad kagabi muli naming dinala ang maliit na lamesa sa aming kwarto at nag kanya kanya muli ng pwesto ang bawat isa.

"Anung oras tau bukas aalis?" tanong ni Catz habang tumatagay

"9am tau aalis bukas " sagot naman ng namumulutang si Romel

Patuloy ang pag ikot ng tagay at kwentuhan. Hangang sa inabot na kame ng Hating gabi.

"Anu ba yan tinulugan na tayo ni ramon" natatawang sabi ni Catz nang makitang tulog na sa kama si ramon

"Tsk tsk Tsk! weak haha" natatawang sabi ni Anton

"oh last shot na to, tapos matulog na tayo"  Sabi ni archie habang pina pakita ang kakaunting alak na nasa bote bago isalin at inumin

Nang matapos ang inuman nag kanya kanya ng ligpit ng kalat ang iba, samantalang ako ay humiga na. Matapos mag linis nag sipag higa na din ang aking mga kasama. Tatlumpong minuto ata akong nakahiga ay hindi pa din ako dalawin ng antok kahit na nakainom. Pabaling baling sa higaan pilit kong hinahagilap ang komportableng pwesto upang makatulog. Hanggang sa hindi ko na namalayan kung anung oras ako dinalaw ng antok.

Payapa ang gabi at nasa kasarapan ng pagtulog kaming lahat ng bigla akong maalimpungatan sa aking naramdaman.

May di pang karaniwang lamig  sa loob ng kwarto. Hindi ko maipaliwanag kung saan nag mumula dahil wala namang aircon at sarado naman ang bintana. Hindi ko pinansin ang nararamdamang lamig bagkos binalot ko ang aking sarili ng makapal na kumot at bumalik uli sa pagtulog.

Ngunit imbis na makatulog ako'y naging balisa, hindi mapakali, pakiramdam ko mayroong nag mamasid sa akin ng mga sandaling iyon. Sinilip ko ang aking mga kasama at nakitang mahimbing na silang natutulog, nag pasya akong muling ignorahin ang kakaibang nararamdaman. Nang sa hindi inaasan pagbaling ko paharap kay marnel,

May nahagip ang paningin sa may bandang pintuan!!!!

Napamulagat ako ng may makitang parang itim na anino sa may bandang pintuan, nang aking sipatin at iangat ang tingin   " isang babaeng nakaitim "   ang aking nakita. Nakasuot ng mahaba at makalumang bestidang kulay itim.  Nakatayo ang babae sa may pintuan ng pangalawang silid, may kaunting usok na nag mumula sa ibabang bahagi ng paanan nito, mahaba ang buhok na may mapupulang mga mata at nanlilisik na nakatingin sa amin, nakaharap at nakatayo ang nasabing babae sa paanan ng kama ni marnel!!!..

Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon