Huni

152 4 3
                                    



Naniniwala ka ba sa aswang, tik-tik, wak-wak, mangano o kung anu pamang tawag nila dito. Ito daw ay isang nilalang na kumakain ng lamang loob tao. Madalas sa kalagitnaan ng gabi sila nag hahasik ng lagim..


Ako nga pala si Mhay  33 years old, nang yari ang kwentong nakakakilabot ko noong nasa high school ako, Summer 2002

Hindi ako naniniwala sa mga kwento ng aswang, aminado akong mahilig akong makinig sa mga kwentong katatakutan mula sa aming matatandang tiyahin at ng aking nanay. Madalas silang mag kwento sabi pa nga ng aking tyahin may kilala daw silang aswang na taga sa barangay lang namen na aking hindi pinapaniwalaan.

Minsan naikwento sa akin ng aking tiyahin na wala pa man daw ang mga bahayan sa aming lugar. Mayroon daw malawak na kang kungan, madaming puno ng saging at talahiban sa paligid ng mga bahay, palibhasa iilan pa lang ang mga taong nakatira doon nang panahong iyon. May nakita daw siyang isang babae na nakatuwad sa may sagingan at nag papahid ng kung anu anu sa katawan. Ayon pa sa kwento kwento ay papalit palit daw ng anyo ang mga aswang nag mimistulang hayop katulad ng malaking ibon o itim na pusa, aso o di kaya'y nag iibang anyo ng tao. 

Bakasyon noon nakasanayan ko na matulog ng dis oras ng gabi, parate kameng tumatambay ng aking mga kaibigan sa balkonahe ng aming bahay. 

Alas diyes ng gabi sa labas ang bahay may roong mahabang kahoy na  bangko na pwdeng tambayan. Tanaw mula doon ang aming iskenita. Naisipan nameng mag kakaibigan na mag kwentuhan ng gabing iyon. Bandang alas onse ng gabi ng mag si uwian ang kambal kong kaibigan. Naiwan man akong mag isa nanatili pa din ako sa labas upang mag paantok nang makita kong may dumating at palapit sa akin..


"oy ate mhay ano ginagawa mo dyan?" Tanong ni Freda sa akin

Si freda ay isa sa aking mga kaibigan, ninong ko ang kanyang lolo at kapit bahay din namen.

"Nag papaantok, Nag tambay kami dito nila kambal kaso tinawag na sila ng mama nila" Pag iimporma ko sa kanya

"ay ganun ba" sabi ni freda, sabay upo sa aking tabi

"Bakit gising ka pa at saka saan ka galing?" ang aking tanong sa kanya

"Pumunta ako kila papa" ang sagot ni Freda

Maya maya ay nakita uli akong may isa babae na paparating, Nakita ko pinsan ko ng mga sandaling iyon ay buntis.

" oh ate saan ka galing?" tanong ko sa aking pinsan

" Dyan kila ate mo slyvia, nag tong its kame" Sagot sa aking ng pinsan ko habang nasa tapat ng kanilang pintuan, na katabi lamang ng aming bahay

" Gabi na baka mamaya may makasalubong ka dyan" Sabi namn ni freda

"kaya nga umuwe na ko sabi ko gabi na baka may makita akong aswang" Natatawang sabi ng aking pinsan. "oh sige matutulog na ko"

Natatawa kame ni freda na nag katinginan. Nag patuloy kame sa aming masayang kwentuhan. Habang napapasarap ang aming kwentuhan hindi namen namamalayan na lumalalim na ang gabi.

Bandang Alas dose y medya ng hating gabi, palibhasay nasa dulong bahagi ang aming bahay at  aming tinatambayan ng sandaling iyon tanaw na tanaw mo ang eskinita sa harap at ang kaliwat kanang daan.. 

Hindi sinasadyang bigla akong napatingin sa daanan..

Nagulat ako sa aking nakita "isang malaking itim na aso" nakatayo sa gitna ng daan at nakaharap sa amin. 

"sus kagulat naman tong aso na to, gabi na gala pa" napahawak sa dib dib dahil sa kaba na aking sabi.

"saan?" tanong ni freda sabay tingin sa daan sa aming harapan, "oo nga noh, tatambay din"  natatawang dugtong nya 

Maya maya ay biglang umalis ang aso. Muling bumalik kame sa aming pag iistoryahan. Ngunit pag kalipas ng sampung minuto ay may narining kaming isang malakas na huni ng parang isang ibong maya.

" kritttttttt! kiriiiitttt!" Ang malakas na tunog, maya maya ay may roong pagaspas ng hangis mula sa itaas ang aming narining na wariy animoy may isang dumaan na ibon. 

Aming binalewala ang narinig.. Nang maya maya pa ayy..

"kritttttttt! kiriiiitttt kritttttttt! kiriiiitttt!" muling huni ng kung anu mang bagay na iyon. 

Nag katitigan kaming mag kaibigan. "ano yun ate mhay" tanung sa akin ni freda

Matagal bago ako nakasagot.

"may bisita ata tayo ngayong gabi" ang aking mahinang sagot

Biglang pumasok sa aking isipan ang kwento ng aking tiyahin. Ito na ba ang sinasabi nilang aswang o tiktik. Sa aking pag kakatanda ang sabi nila ay pag humuni daw ito ng malakas ibig sabihin ay malayo pa, pag mahina ang huni nasa malapit na, sabi pa sa akin ng aking tiyahin "wag kang mag papahalata na ikaw ay takot bagkus ay murahin mo daw" ito upang maitaboy.

Nag tapang tapangan na nag salita ako " T_ ina naman ang aga mo pa!" pagalit na aking sinabi, at pasimple sumenyas sa aking natatakot na kaibigan.

Subalit imbis na umalis

Nagalit ata ang kakaibang nilala na iyon!!!!!

Bigla isang malakas na pagas pas ng hangin at may anino ng pagka laki laking ibon banda sa itaas namen at nag pa ikot ikot sa ere. Kasabay ng mahinang huni tanda na malapit sa amin ang "aswang!"

"freda umuwe na tayo" biglang aya ko sa aking kaibigan. 

"oo mabute pa nga" at lakad takbong umalis ang aking kaibigan pauwe ng bahay nila.

Samantalang ako balot ng matinding takot na dali daling nag bukas ng aming pintuan at pumasok ng bahay siniguradong na lock ang mga bintana at pintuan. 

Matindi ang kabog ng aking dib-dib ng gabing iyon. Naalala ko sa kwentong naranasan ng nanay ko noong pinag bubuntis nya ang aking isang kapatid meron daw kumakalampag sa aming yero at parang pinupunit ito na animoy gustong pumasok sa aming bahay, kumuha daw sya ng itak at itinabi sa kanya pag tulog. 

Nang maalala ang kwentong iyon dali-dali kong kinuha ang isang malaking itak sa aming taguan. Bitbit ang itak naupo ako sa aming sala at tinatalasan ang pakiramdam, tinitignan kung mg tatangka ba ang kakaibang nilalang na iyon na pasukin kame at manakit. Hindi ko namalayang inabot ako hanggang alas singko ng umaga sa pag babantay.

" oh! bakit gising ka pa? di ka pa natutulog?"  nagulat na tanong ni mama nang makita nya akong gising at nakaupo sa sala.

" May aswang kasi ma kagabi!, humuhuni tapos parang malaking ibon,  minura ko pa nga" pag sasalaysay ko

 " tapos nagalit ata, kaya nga kinuha ko tong itak natin" dagdag ko habang pinapakita ang itak na hawak ikinuwento ko kay mama ang buong pangyayare nung umagang iyon. Sa tingin namen baka ang aking buntis na pinsan ang puntirya ng aswang dahil papunta sa direksyon ng kanilang bahay ang malaking ibon. nang umaga ding iyon pinag bigay alam ko sa aking tiyahin ang nangyare para mabigyang babala ang aking pinsan.


-Mhay



May mga bagay talaga na hindi mo paniniwalaan hanggat hindi mo nararanasan. Pag katapos ng gabing iyon nag simula na akong maniwala na mayroon ngang aswang.  

Kamusta po kayo? natuwa nmn po ba kayo sa inyong nabasa? Stay at home lang po muna tayo.

mag basa na lamang po kayo para malibang.

pa vote na lang po, salamat..

Good night! wag kalimutang mag pray!! :)








Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon