Bantay

171 3 2
                                    



May mga kakaibang nilalang na nasa ating paligid ang hindi natin nakikita. Sa hindi natin maipaliwanag na dahilan ang iba sa kanila ay piniliping sumama sa atin..

Ang pangalawang nakakakilabot na aking naranasan at nang aking mga kaibigan ay noong bumiyahe kame patungo ng sagada.

Sobrang ginaw noon sa bulubunduking lugar ng mountain province kakatapos lamang ng undas nang mag desisyon kaming umakyat ng Sagada. Kasama ang dating kong College proffesor na naging kaibigan ko na, kasama namen ang ilang kasamahan nila sa trabaho.

"Pao sama ka sa amin mag sagada?" aya ni sir ( kht naging kaibigan ko na si sir rhon, nakasanayan ko pa din syang tawagin sa ganoong paraan)

"O sige sir, Masaya yan" aking sagot sabi nga nila kalad karin ako, kahit saan ayain laging on the go

"kasama natin ung ibang officemate ko, wag ka mag alala mababait yun sila" pag bibigay impormasyon sa akin si Sir Rhon

Dumating ang araw ng pag punta namen sagada.

" oh paolo, eto yung boss ko si Sir Jogie, Office mate ko si jean, Si patty, si maan, si cris" pag papakilala sa akin

"hello!!" bati ng lahat sa akin

"Tara na kumpleto na ba tayo?" ang tanong ng aming driver ng mga sandaling iyon.

"oo kumpleto na" sagot ni sir, at nag kanya kanya na kme ng pasok at pwesto sa van.

Mabute na lang at kaibigan ni sir ang may ari  ng agency na mag tour sa amen  para mas madali at less hassel.

Mag stay din kame dun sa bahay ng may ari kaya halos kaunti lang ang aming binayad.

Habang nasa biyahe mas nakilala ko pa ang aming mga kasama, unti unti naging komportable akong makipag kwentuhan sa kanila.

Nakakatakot ang daan patungo ng Sagada, matarik at mabangin ang lugar.

Mahigit 10 oras ang biyahe patungong sagada. Worth it naman ang pagod at hirap sa biyahe pag iyong nasilayan ang nakatagong ganda ng Sagada. Malawak ang berdeng kabundukan, punong puno ng pine trees ang paligid, napaka payapa at tahimik  higit sa lahat malamig ang klima.

Nang makarating kame sa bahay ng kaibigan ni sir, napag desisyunan namin mag pahinga muna, ienjoy ang malamig na klima at kinabukasan na mag gala. Dala ng pagod mahimbing kaming nakatulog lahat.



Kinabukasan..

Nag simula ang tour namen, Una kaming nag tungo sa Sumaguing Cave isa itong lumang lagusan ng sagada cave system na maaring silipin. Maaga ka pa ng mga sandaling iyon kakasikat pa lamang ni haring araw ng dahil at samahan kame ng aming tour guide sa loob. Madilim at malamig ang paligid. Sunod naming pinuntahan ay ang Hanging coffin isa ito sa mga pinakasikat na pinupuntahan ng mga turistang

katulad namen. Nasa gilid ng matatarik na bundok at kweba kadalasang nilalagay ang mga ataul. Walang takot na nag pakuha pa kame ng larawan sa likod namen ang mga ataul. Naging masaya ang aming pamamasyal at paglilibot ng araw na iyon.

Bandang Ala singko y medya ng hapon ng matapos ang tour namin ng araw na yun. Pagod at nilalamag na kame ng makabalik sa bahay na aming tinutuluyan. Napag desisyunan nameng mag Luto ng hapunan, Nang matapos mag hapunan bandang alas otso ng gabi.

"Inom tau " aya ni sir rhon sa amin, Sabay labas ng isang boteng Emperador. Nasa balkonahe kame ng mga oras na yon at nag papababa ng kinain.

"sige, Ok yan para di masyadong maginaw" Sabi ni jean

Kilabot (Short Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon