✏️ Chapter Two

13 4 0
                                    

Disclaimer : This story is a work of fiction. Names, place, businesses, age and events are either the products of author's imagination. Any resemblance to a person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Natalia's POV

Nagising ako ng maaga dahil sa kirot ng sugat ko. Nadaganan ko pala ang braso ko habang natutulog. Bumangon na ako ngunit wala pang planong lumabas ng kwarto. Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Matapos ang ilang minutong pagligo ay nagpalit na ko ng damit, umupo naman ako sa harap ng vanity mirror upang makapag ayos manlang ng mukha. Bago ko pa simulan ang pag-aayos ay napatitig ako sa aking sarili, baket nga ba ganito?

Napahaplos ako sa aking kanang mata na nakaanyong tao at kailanman ay hindi na magiging mata ng isang lobo. Ito ang dahilan kung baket ako tinawag na eyepatch. Nagsusuot ako ng eye patch kapag kasama ang mga lobo upang hindi nila ako maliitin. I'm not even sure but I think that I'm the only wolf having a different color of eyes. Eye of a human and eye of a wolf.

Oh and by the way, nakapagpakilala na ba ako? I'm Natalia Brightclaw. 16 years of age. Nanggaling ako sa clan ng mga moon wolf. Pero ang pagkakaalam ko, hindi kami kabilang sa kahit na anong pack (grupo ng lobo). Wala ni isang lobo sa lugar na ito ang napapabilang sa wolf packs.

Nakatira kami sa pagitan ng mundo ng mga lobo at mundo ng mga Hominums. Kabilang kami sa pinakamababang antas ng mga lobo sapagkat hindi kami nakakapag-aral gaya ng iba. May choice naman kaming mag-aral, kung may pera ka sa paaralan ng mga lobo ka pumunta. Pero kung wala maaari namang pumasok sa paaralan kung nasaan ang mga tao. Isang malaking pagtatago nga lang ang gagawin mo kung nasa mundo ka na nila.

Medyo may-kaya naman kami pero ewan ko kung baket hindi ako pinag-aaral ni lola. May tutor ako minsan dito sa bahay pero madalang lang iyon mangyari. Hindi gaya ng ibang wolf na nandito, mga walang modo at disiplina, madalas din silang nambibiktima ng mga Hominums bilang kanilang hapunan. Hindi ko sila masisisi dahil nung bago pa lang saakin ang pagiging lobo ay natatakam din ako sa human meat. Tapos ay naeexpose pa ako sa mga lobong halang ang mga kaluluwa. Nakikita ko kung paano sila maglaway sa mga tao. Kaya para mapigilan ako ni lola ay pinakilala nya ako sa teacher ko. Si Eva. Sa sobrang takot ni lola na mambiktima ako ng tao ay binigyan nya ko ng kaalaman. Upang hindi ako matulad sa  Grimoires. Hindi ko alam kung ano yon. Pero ang pagkakaalam ko ay kahit sinong lobo galit sa mga Grimoire.

Agad akong bumalik sa katinuan ng may narinig akong kumakatok sa pintuan. Binilisan ko naman ang pagsusuklay sa mahaba at itim na itim kong buhok. Binalik ko din sa anyong tao ang aking kaliwang mata. Maaari naming baguhin ang kulay ng aming mga mata kung gugustuhin namin.

Agad akong bumaba at nakita si lola na naghahanda ng almusal. Hmmm, bigla akong natakam sa steak na nakahain sa mesa. Napansin ko naman na hindi nag-iisa si lola. Napatingin ako sa lalaking nakaupo din sa tapat ng hapagkainan. Seryoso ang mukha nito. At ganoon din ang aura ni lola.

"Andyan ka na pala. Kumain kana. Para makapag-empake ka na din. Ito nga pala Domino Dragon. He's a moon wolf too."

Bigla naman akong nawalan ng gana, empake? Baket saan ako pupunta?

Ngumiti naman saken itong si Domino. Sa palagay ko ay nasa 30's na ang edad nito. Matipuno ang kanyang pangangatawan at naka full blue-eyed ang pareho nitong mata. Kahit kalmado sya ay tila alerto pa din sya kung sakaling magkaroon ng panganib.

"Pleased to meet you Miss Brightclaw." he said.

I smiled bitterly as I sat on the chair. Kahit walang gana ay pinilit ko ang sariling kumain. Naramdaman ko naman na nakatitig si lola saakin. Alam kong pinapakiramdaman nya na ako. Kahit walang imik ay alam ni lola na madami akong nais sabihin.

"Child, oras na." sabi nito saakin mula sa likuran at hinahagod ang likod ko. Napaluha ako. Alam ko na hindi ko sya makakasama sa pag-alis.

"Psychorium High is a safe place for you." Napatingin naman ako doon sa Domino na yon. Psychorium High? Sounds familiar.

Dahil ba sa pagbabattle ko kaya ako ipapasok ni lola doon?

"Lola di na ko uulit. Hindi na po ako makikipag battle wag mo lang akong ilalayo sayo. Lola, please? Don't send me away." and this time I hugged her.

"Hindi lang naman dahil doon, Nat. Nasa right age kana. Pag nandoon na kayo, unti-unti nang magiging malinaw ang lahat sayo. Trust me."

I looked at her with my pleading eyes. But lola just looked away and I saw a tear escaped her eyes.

Di ko na tinapos ang pagkain dahil binasag nung Domino ang moment namin ni lola.

"Wala na tayong oras." sabi nito.

Agad pinunasan ni lola ang mga luha nya at pinatayo na ako.

"Sige na, Nat. Ayusin mo na ang mga gamit mo."

Di na ko umimik pa at dumiretso na ako ng kwarto. Nagligpit ng mga dapat dalhin. Hindi ko dinala ang lahat ng damit ko dahil alam kong babalik pa ko sa lugar na ito. Sinuot ko ang eye patch ko. At tinignan sa salamin ang sarili ko sa huling pagkakataon. Muli akong napaluha dahil mukhang matagal tagal pa bago ako bumalik dito. I will miss this room. In 16 years dito na ko lumaki.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba na sa sala. Nakatayo na si Domino at nag-aabang na sa may pintuan palabas ng bahay.

"Natalia, magpapakabait ka ha?" I nodded as an answer.

I hugged her one last time at nagulat ako sa binulong nya saakin.

"Happy birthday, child."

Oh, tama sya. I just turned 16 years old today.

Kinuha ni Domino ang mga gamit ko at nilagay na sa compartment ng sasakyan na dala nya.

I kissed my lola Nova's forehead and bid goodbye. Papasok na sana ako ng kotse ng mapansin kong nagbago ang kulay ng mga mata ni lola. Lumabas ang tenga at buntot nito, lola is in her demi-wolf form. Nagtataka naman ako kung baket.

I saw her claws, nagtatagis ang mga pangil nya. Lola is old but she's a warrior nung kabataan nya kaya nasa good posture pa din sya.

Nakita kong may lalaking naka tuxedo ang pumasok sa bahay may dalawa itong kasama. Their skin are pale and has bloody red eyes. They're attacking my lola Nova!

"LOLA!"

Patakbo na sana ako papasok ng bahay pero pinigilan ako ni Domino. Tinulak nya din ako sa loob ng kotse at agad nilock ang pinto.

Kinakalabog ko ang kotse habang sumisigaw. Pero huli na ang lahat. Nakaalis na yung kotse. Napaluha akong muli.

"Tsk. They know." inis na saad ni Domino.

"Who are they?" I asked.

"Grimoires." he answered.

~~~

So that's it!

Please leave a vote and comment!

-✏️

Psychorium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon