✏️Chapter Eleven

19 1 1
                                    

Warning: typo errors, wrong grammars and mispelled words

(A/N: Sorry for the very laaaate update. Medyo nag focus ako sa rank ko sa Mobile Legends this past few weeks kaya di ko natapos agad tong chapter na to. Pero anyways, andito na. Enjoy reading!)

Natalia's POV

Nasa dorm ako ngayon at 2:56 palang ng madaling araw. Alas otso pa ang klase ko ngunit hindi ko na magawang matulog pang muli. Kaya inaaliw ko lang ang sarili ko. Sya nga pala, hindi ko pa natatapos basahanin yung librong ipinuslit ni Serenity kamakailan dahil may schedule daw sila sa pag che-check ng mga libro sa restricted area ng library. Pero nangako naman sya saken na kukunin iyong muli para matuloy ko na ang pagbabasa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa mini kitchen ng kwartong ito. Agad akong nag timpla ng hot chocolate dahil medyo maginaw. Naglabas ako ng frozen patty mula sa maliit na fridge at nagprito nang maramdaman ko ang isang pamilyar na presensya.

"Bat ka nandito."

Hindi pa man ako lumilingon ngunit kilala ko na agad ang lalaking nakasandal sa balkonahe ng kwarto ko.

"Nothing, just checking." he said with his famous cold voice.

"Di ka din ba makatulog?"

Hindi ito sumagot.

"Gusto mo ba ng burger? At hot chocolate?"

"Bat ba napakarami mong tanong?" naramdaman kong lumapit ito patungo sa direksyon ko kaya napalingon ako agad.

"B-Bat ka ba kasi nandito?" naiilang kong tanong dahil wrong move na lumingon ako sa kanya.

Nasabi ko na ba sa inyo na gwapo ang nilalang na ito? Sa kwento nina Gold at Kaia saakin tuwing break time ay mula pa noon ay madami na ang nagkakagusto kay Raven dahil yun nga uhmm ehh ano, gwapo. Pero yun nga lang suplado! Di ko pa rin nakakalimutan ang panlalait nya saakin noon. Kaya medyo iwas ako sakanya sa lahat ng tagpo namin kahit na ako pa ang Beta ng pack.

"Sinabi ko na diba, just checking."

One meter away nalang sya saaken kaya medyo bumabagal ang paghinga ko. Tila nadagdagan yung lamig ng pumasok sya dito sa kwarto ko. Kaya wala sa sariling inabot sakanya yung hot chocolate na tinimpla ko a while ago. Hindi ko pa naman naiinom iyon.

Nagtaka naman sya sa ginawa ko at napatingin sa inabot kong cup. Muli itong napatingin saakin with a confused look on his face.

"Hindi ka ba umiinom nyan?" I asked.

Hindi ito umimik at tinanggap nalang yung bigay ko. Pero napansin kong nawala bigla yung usok sa mainit init na tsokolate. The heck?

Ganun ba kalamig ang kamay ng tagapagmana ng Tundra clan para mawala yung init ng inumin? Eh paano pag si Maximus na ang humawak nung cup na iyon? Mas iinit kaya? Hindi ko nalang ito pinansin at nagtimplang muli para saakin. Nagdagdag na din ako ng isang patty para kay Raven. Nandun na naman syang muli sa balkonahe at nakatanaw sa malayo. Napangiti naman ako nang makitang hinihigop nito ang ibinigay ko.

Nang matapos ko ng lutuin ang patty ay inilagay ko na ito sa tinapay. Lumapit ako sa kanya sa balkonahe at ipinatong ang dala ko sa mesa.

"Kumain ka."

Napalingon ito saakin at sa burger na ipinatong ko sa mesa.

"Saluhan mo ko." umupo na ako at agad hinigop ang hot chocolate ko at linantakan yung burger na gawa ko. Hmm masarap palang kumain pag ganto yung vibe. Maginaw tas may mainit na pagkaing nakahain.

"Hungry?" umupo ito sa tapat ko at napansing bahagya itong ngumiti. Teka? Ngumiti ba talaga sya? Or baka namamalikmata lang ako?

"Not really. Pero nakakagana lang yung vibe." simple kong sagot.

Psychorium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon