✏️ Chapter Six

8 2 0
                                    

Natalia's POV

"2 weeks na ang nakakalipas. Pero hindi pa din sya nagigising. "

Naririnig ko ang nag-aalalang boses ni Kaia. Pero hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Hmm, ano bang nangyare?

"Siniguro naman namin na hindi nag penetrate ang lason sa katawan nya. Epekto na din siguro ng mga healing potions kaya hindi pa bumabalik ang consciousness nya." I'm sure na si Serenity iyon.

"Nasan ba si Raven ngayon?" dinig kong tanong ni Maximus.

"They've been called for an urgent meeting. Along with the Delta and Omegas." - Serenity.

"Balita ko kasama ang ilang elders at faculty staff."- Kaia.

"Sabagay, nakakapagtakang nakapasok ang isang Grimoire dito sa Psychorium High. Di pa ba sapat ang indestructible magic na bumabalot sa buong school?" -Maximus.

"Full moon na bukas hindi ba? So it means gaganapin na namang muli ang Ritual of Barriers pagsapit ng hatinggabi." -Serenity.

Natahimik na silang tatlo habang ako ay pinipilit na imulat ang aking mga mata. At nagtagumpay naman ako dahilan para magulat silang tatlo.

"My gosh, Natalia! Gising ka na! Thank goodness." mababakas sa tono ng pananalita ni Serenity ang pag-aalala. Hindi halatang galing sya sa clan ng Celestials dahil napakabait nito. Napakalambing ng kanyang mga tinig.

"Pinakaba mo kami, Natalia. Huwag kang mag-alala. Dudurugin ko yung Grimoire na yon pag nagkaharap kami." umiiral na ang pagkamainitin ng ulo ni Maximus. Hinawakan nya naman ako sa balikat at tinanong kung okay lang ba ako. Ramdam ko naman ang init ng palad nya, as expected sa taong lobo na mula sa Infernal clan.

"I'm fine." tanging nasambit ko dahil medyo nahihilo pa ako.

"Don't push yourself, wag ka muna gumalaw masyado. Max at Kai, pakisamahan lang muna si Nat ha. Tatawagin ko lang ang Healing Elders para matignan sya." tumango lang ang dalawa at mabilis na tumakbo si Serenity palabas.

"Are you hungry?" -Maximus.

"A bit." I answered.

"Here have some fruits, nabili daw to sa Fur Market. Mabilis daw nitong mababawi ang iyong lakas." iniabot naman saakin ni Kaia ang apat na slice ng kulay gray na prutas na parang may craters. This fruit looks familiar, parang may tanim nito si lola sa eco house nya.

"It's called, Moon Fruit." dagdag ni Kaia.

Oh oo nga. Moon fruit nga ito. Ito din ang pinapakain ni lola sa akin kapag nagkakasakit ako.

"Where are the others?" I asked.

"May lakad lan----" hindi na natapos ni Kaia ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Raven, Remy, Gold, Silver at...... Rafael?

"Oh heto na pala sila." tanging nasambit nalang ni Kaia.

"Gising ka na pala, my Beta." bahagya akong nahiya dahil sa sinabi nya. Hindi naman nya ko kailangang tawaging 'my'.

"I-I'm fine." tanging nasabi ko nalang.

"Nag-alala talaga kami sayo, Natalia." saad naman ni Gold sa akin.

"Anong dahilan bat kayo pinatawag?" paglihis naman ni Maximus ng usapan.

"The elders needed our help to track down kung paano nakapasok ang isang Grimoire dito sa school. Napag alaman din namin na hindi lang iyon basta-basta Grimoire. That's Elvis Granger, their Prince. And it seems that his trying to kill Natalia." nagulat naman kami sa ibinalita nya. Kaya pala nakakatakot ang aura ng lalaking iyon. Itinuloy naman ni Raven ang sasabihin nya.

Psychorium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon