✏️Chapter Seven

10 2 0
                                    

Natalia's POV

"Always rememeber! Lone wolf dies, but the pack survives."

It was professor Dwight Hemmington who uttered those words. Galing sya sa clan ng Forest Fangs. And he will be the person in charge for our special training. Kasama nya si professor Aurora Wade from Celestial clan. And she will be holding our magic training. I think pareho silang nasa mid 20's ang age.

Tignan mo lang silang dalawa ay mahahalata mo kung gaano sila ka lakas. Kahit ang ilang professors sa school na ito ay hindi rin basta-basta ang kanilang taglay na lakas.

"Strength, agility and coordination. Yan ang mga katangiang dapat na taglayin ninyo sa battle field. Makalimutan mo lang ang isa sa tatlong yan ay maaaring hindi na magsurvive ang inyong pack." dagdag nito.

"Magaganap ang training ninyo sa Summon Room." nagulat naman ang mga kasama ko ng marinig ito. Baket kaya?

"Seryoso? Hindi ba't galing sa Underworld ang mga creatures na sinu-summon sa kwartong iyon? And every creature has their own dangerous abilities. Magkamali lang ang isa sa amin ay maaari namin iyong ikamatay! This training is insane!" biglang sabat ni Remy kay sir

"Are you afraid Miss Stones? Hindi ba't ikaw ang heiress ng Celestial clan? At bakit tila kinakabahan ka yata? Gusto mo bang makarating ito sa Celestial Family?" namutla naman si Remy sa narinig. Ngumisi lamang si Ma'am Aurora dahil sa tinuran ng kanilang prinsesa. Napaupo na lamang si Remy.

"Sa battlefield hindi pinipili ang kalaban Miss Remy." sambit ni Ma'am Aurora na glamorosang nakaupo sa harap. Wala ni isa sa amin ang ninais na sumagot sapagkat usapan ito ng dalawang lobong nagmula sa Celestial clan.

"Tsk. Fine." tanging nasabi nalang ni Remy.

"Sa training na ito, walang dapat na magreklamo! Maliwanag?" kahit alanganin ay tumango kaming siyam.

"Oh and one more thing. Nandito na pala ang bubuo sa inyong pack. Rob Wrathborn from Tundra clan."

Wrathborn? Bigla akong napalingon kay Raven at mababakas ang inis sa mukha nito. Kamag-anak nya kaya ito?

Bigla namang pumasok ang isang lalaki na sa tantsa ko ay katorse anyos pa lamang. Magulo ang light brown nitong buhok at animo'y tila kakagising lang nito mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Am I late?" tanong nito saamin habang humihikab pa.

Natawa naman ako sa aking isipan dahil sa inasal nya. Napakacute nya, sobrang hawig sya kay Raven. Baka nga kamag-anak nya talaga ito.

"Tsk. So annoying." narinig kong bulong ni Raven dahil katabi ko lamang sya. Ayaw ko sana syang makatabi kaya lang nakaupo kami ayon sa aming ranggo. Kaya no choice ako.

"Sya ang bagong Hunter na bubuo sa inyo. Rob Wrathborn from Tundra clan. Please take your seat Mr. Wrathborn. May vacant seat pa sa tabi ng kuya mo. Maaari ka ng umupo." So tama nga, kapatid nya Rob.

"Rob! Welcome to the pack!" masiglang bati ni Silver sa kakaupo lang na si Rob. Nakipag fist bump naman ito sakanya. Ibinaling ko na din ang atensyon ko sa dalawang professor sa harapan.

"Magsisimula ang training ninyo mamayang 6pm. Magkita tayo sa labas ng Summon Room. Is that clear?" tanong ni sir saamin.

"Yes, sir." sabay-sabay naming tugon.

Kasabay ng paglabas ng aming professors ay lumabas na din kami. Sakto namang paglabas ko sa pintuan ay may biglang yumakap saakin. Na syang ikinagulat naming lahat.

"Ate!"

"R-Rob?" pagtingin ko sakanya ay nakapikit pa ito habang damang-dama ang pagkakayakap nito saakin. Sht. Ang cute.

"Ate alam mo ba idol kita!" tuloy pa din ito sa pagyakap. Samantalang kaming lahat ay nakanganga dahil sa ginawa nya.

"Sayang at hindi mo na naituloy ang pagiging undefeated mo sa Full Moon Tournament. Diba Ate Eyepatch?" at mas lalo akong nagulat sa dahil sinabi nya.

"P-paano mo nalaman ang tungkol dyan?" pagkatanong ko ay bumitaw ito sa pagkakayakap saakin. Hay salamat naman.

"Secreeet! Tsaka hindi ko makakalimutan yang eye patch mo, ate." pilyo nitong sagot at dumila pa. Eye patch ko? Sht. I should have change this, baka may iba pang makakilala saakin dito.

"Full Moon Tournament? Yan ba yung illegal battle ng mga wolf sa boundary?" biglang sabat ni Remy.

"Wow! Kasali ka pala doon Nat? You're so amazing!" pagsali naman ni Gold sa usapan.

"Amazing? Pweh! Wild wolves lang ang sumasali doon. Di na nakakapagtakang kalahok ka sa patimpalak na iyon, Natalia. At kahit kailan hindi ka nababagay dito. Sampid." sabi nito at matalim na tumingin sa akin.

Sasagutin na sana sya ni Rob ng biglang magsalita ang nagmamay-ari ng napakalamig na boses.

"Enough. Kumain na tayo." sabi nito sabay talikod saaming lahat. Attitude ka bro? Psh. Sinundan naman sya ni Remy at umirap pa ng mata bago sya tuluyang umalis.

Niyakap naman ni Rob ang braso ko at nagsimula na din kaming maglakad. Napakasalungat ng ugali ni Rob sa kuya nya. Napakamasayahin ng kanyang mga mata. Hanggang tenga ko ang height nya kaya malaya nyang naisasandal ang ulo nya sa balikat ko habang naglalakad kami. Pinagtitinginan naman kami ng iba dahil sino ba namang hindi? Napakagwapo lang naman ng lalaking lumilingkis sa akin ngayon. Kaya di na nakapagtataka kung bakit kinikilig ang kababaihang nadaraanan namin.

"Napaka sweet talaga nyang si Rob. Kaya masanay ka na, Natalia." sabi ni Silver. Ngumiti naman ako ng alanganin sakanya. Pero natutuwa ako dito kay Rob, ano kayang pakiramdam ng may kapatid? Ang sabi kasi ni lola ay nag-iisang anak lang daw ako. Ang tamad naman ng mga magulang ko, di manlang ako sinundan. Gusto ko din ng may inaalagaan.

Dumiretso naman kaming lahat sa cafeteria upang magtanghalian. Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya muna kami para makapagpahinga bago magsimula ang training namin mamaya. Tinulungan naman namin sina Rob at Rafael sa paglilipat ng kanilang mga gamit sa Psychorian floor. Nasa dorm na din ako ngayon at ako'y matutulog muna.

***

Raven's POV

"Dad naman! Bakit mo isinali si Rob sa pack namin?" I'm speaking with my dad through a phone call.

"And what's wrong with that?" I heard his calm voice over the phone.

"It's too dangerous for him, dad! For a fourteen year old kid! For Pete's sake!" I can't control my emotions right now. Mahal ko ang kapatid ko at hindi ko kakayaning mapahamak sya. Lalo na at makakaharap namin ang mga Grimoires.

"Are you questioning our decision, son? At isa pa request iyan ng kapatid mo, hindi namin sya mapipigilan. At tungkulin din nating protektahan ang anak ng nakatataas. "

I knew it. Mom and dad planned for this. Marahas kong pinatay ang tawag dahil mukhang hindi ko na mababawi ang kanilang desisyon. Damn!

Napatingin ako sa maliit na box na nakapatong sa mesa ko. Naglalaman ito ng kwintas na sinasabing susi sa mga kasagutan ng nawalay na prinsesa ng buwan.

Saakin ipinagkatiwala ang susi dahil ako din ang nakatakda bilang Royal Protector nya. Pero hindi pa ito ang oras para ibigay ito sayo. Natalia Brightclaw.

~~~

End of chapter! Please leave a vote and comment! Thank you

-✏️

Psychorium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon