✏️ Chapter Nine

19 3 2
                                    

Warning: typo errors, wrong grammars and mispelled words.

Natalia's POV

"Pahiram naman ng notes mo sa Wolf Semiotes, Natalia." nagulat ako ng biglang lumapit saakin si Serenity.

Kinuha ko naman yung notebook ko sa back pack.

"Ang ganda kasi ng hand writing mo Natieee." Natie? May nickname na naman ako sa babaeng to, nung nakaraan lang tawag nya sakin Nata.

"Maiba ako, kamusta pala si Kaia?" I asked her.

"She's okay now, ganun ba talaga kalala yung training nyo kahapon? Muntik na kasing bumaon yung ngipin ng Shadowfiend sa buto nya nung i-check namin sya kaya pinag-absent ko muna yung babaeng yon. Yung potion kasing ginamit ko sakanya eh tumatalab after 48 hours kaya ayun."

"Ah ganun ba, atleast gagaling na sya." tanging nasabi ko nalang.

"Balik ko maya tong notes mo ha. Thankie, Natie." sabi nya sabay balik sa pwesto nya. Kahit kailan talaga yung babaeng yun napakatalino. Nasa dugo na talaga siguro nilang mga Celestials ang pagiging masipag sa studies. Kung sabagay, ang clan nila ang pinakamayaman sa lahat ng clan, kaya no wonder halos lahat sila ay may class kung kumilos.

Napalingon naman ako kay Remy na ngayon ay nagbabasa, nabobored na siguro sya dahil wala pa yung professor, nag-iingay naman yung iba sa likuran. Samantalang si Raven ay natutulog lang.

Sa pagkakaalam ko ay Mastery of Transformation ang klase namin ngayon kaya naka PE uniform kami. First time din naming mami-meet yung prof dahil 2 weeks itong wala sa school para sa isang mission.

"Good afternoon, class. I'm professor Twain Alas. Please proceed to gymnasium." napalingon kaming agad sa lalaking nakatayo sa pintuan dahil sa biglaan nyang pagdating. Agad naman kaming tumayo lahat at sumunod sa kanya.

Narating namin ang gym na walang tao. Malamang ay bakante ito dahil sa klase namin. Di ba kami tuluyang nakakapasok ay nagsalita itong muli.

"You are going to master your demi-wolf form today. Please find your comfortables places." naghanap naman kami ng kanya-kanyang pwesto. Naeexcite ako dahil first time kong magtransform as demi-wolf.

"I want you all to concentrate. Show me your eyes." agad na nagbago ang kulay ng mga mata namin.

"Hey you, please remove your eye patch. Show me your eyes." nabigla naman ako sa sinabi nya. Ayaw ko syang sundin, dahil kinakahiya ko ang isa kong mata.

"What are you waiting for?" bakas sa mukha nya ang pagkainip. Napatingin naman ako sa packamates ko at nag-aalala sila sa akin.

"B-But Sir..." pagtutol ni Gold sa professor pero agad din syang pinatahimik.

"I'm not talking to you, Ms. Gregory so please be quiet." tumingin itong muli saakin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinunod ang nais nya. Matapos kong tanggalin ito ay yumuko ako dahil nahihiya talaga ako.

"Look at me." he demanded.

Wala na kong choice kundi sundin sya dahil napapahiya na ako. Tinitigan ko sya sa mata.

"M-Ms. B-Brightc...law?" nakita ko ang panginginig ng buo nyang sistema. Hindi ko alam kung bakit. Nilingon ko silang lahat at maging sila ay nagulat din, tanging si Remy at Raven lang ay makikitang kalmado.

"I-I'm sorry. Let's proceed. Okay na ba lahat?" unti-unting kinakalma ni Sir Twain ang nanginginig nyang boses para makabawi.

"Okay, madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo. Kung paano nyo nattransform ang katawan nyo as full-formed wolf ay ganun din naman ang proseso kapag demi-wolf. But this time, kelangan ko lang makita ang wolf ears and tails ninyo. Are we clear?"

"Yes, Sir."

Hindi pa nagtatagal ang session ay nagtagumpay na si Remy na agad namang pinalakpakan ng buong klase.

"Easy." she said while smirking. Gumagalaw-galaw pa ang tenga at buntot nitong kulay lila.

"Good job." tipid na bati ni Sir kaya bumalik kaming lahat sa sarili naming concentration. Napatingin naman ako kay Raven na ngayon ay labas na ang buntot nya. At ganundin ang tenga nya. Wow, ambilis naman nila.

"Good job, Raven."

Kulay white naman ang tenga at buntot nito.

"Pede na bang itago to? I look stupid." dinig kong pagrereklamo nya. Pft. Mukha syang BAKLA. Ahhahaha

"Ate! Ate! Look at me!" napalingon ako kay Rob na ngayon ay umikot ikot pa sa tuwa habang hinahawakan ang tenga at buntot nya. Isa-isa naman nakakapagtransform ang iba naming kasama. Kaya bumalik akong muli sa sarili.

I closed my eyes and tried to concentrate. And now I can feel my ears and tail growing. Hmm, medyo nakakakiliti. Pagmulat ko ay nakangiti sila saken.

"Good job everyone."

I can feel na may matigas din na gustong kumawala sa fingertips ko. And as I forced it, tama ang hinala ko. Claws. We can use our claws in demi form.

"Okay class, cancel your demi form and do it again ten times. And if you did, ipapasa ko kayo sa first activity natin. Clear?" tumango naman kaming lahat at sinunod sya.

Medyo nakakapagod pala ito. After one and half hour natapos na ang klase namin. Eto na din ang last subject namin. After naming mag-ayod ay magpapaalam na sana ako para makapagpahinga sa dorm ng bigla akong hatakin ni Serenity.

"Guys! Una na muna kami ha!" di na ako nakapagsalita at sumunod na lamang ako sa kanya.

"San ba tayo pupunta?" napansin ko namang patungo kami ss direksyon ng dorm.

"In my room. I have to show you something."

Mukhang excited sya kaya hindi na ko nagreklamo. Narating namin ang kwarto nya. Wow! Ang ganda din dito. Ito ang first time na makapasok ako sa kwarto ng isa sa amin.

"Kumalma ka muna, Serenity." nagmamadali kasi ito ng kunin nya ang isang napakalaking libro at inilapag sa study table nya. Pinaupo nya rin ako.

"The Forbidden Child?" basa ko sa title ng libro.

"Hiniram ko muna saglit ang librong yan mula sa restricted section ng library. Malapit kasi ang training ko doon at nung makatiyempo ako ay pumasok ako sa loob. I casted a magic para gumawa ng replica ng libro. Ngunit walang content iyon dahil hindi ko pa ito nababasa. Hindi ko pa ma replicate yung laman, kaya sana walang makapansin. Sa tingin ko ay may kinalaman sayo ang librong ito. How old are you, Natie?"

"I just turned 16." tipid kong sagot.

"Oh, seems connected." sabi nya sabay himas himas sa baba nya. Natatawa nalang ako sa thought na kaya nyang lumabag ng rules ng school. At talagang sa restricted section pa. Lakas din ng loob ng babaeng ito eh.

"Nabasa ko na sa first part. The book was written 15 years ago. Ru Feiner ang author ng librong ito. " dagdag nito.

Pinagmasdan kong mabuti ang libro, story book pala ito.

"You know, Natie. I do really have a strong feeling na ito yung mga kasagutan sa past mo. Ready?" she asked.

Tumango lang ako bilang tugon.

~~~~

End of chapter!

Please leave a vote and comment. Thank you.

-✏️

Psychorium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon