Chapter 17

25 1 0
                                    

“Hello, Kaylie!” Mapalad at maamong ngiti ang ibinalandra niya sa akin sa pagbukas ko nang pintuan. 

Literal na napanganga ako. Slightly na napalunok pa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga ito? Pakiramdam ko ginaganapangan ako ng kilig kahit papaano eh. Lakas makaano nitong si Bakla!

“Uh.. Uhm.. Hi.” Medyo awkward kong bati sa kanya. Halos hindi na nga ako makatingin sa kanya. 

“Shall we go?” Tanong niya na nagpabuhay agad sa ulirat ko. Oo kasi pakiramdam ko panandalihan nawala yun. Ikaw ba naman makakita nang gwapong bakla, hindi ka ba manghihinayang?

Tumanga ako at isinara na agad ang pintuan. Sabay kaming lumakad papuntang elevator, siya pa ang pumindot ng button. Gentleman! Ganun din kaya ginagawa ng mga boylets niya sa kanya? Hehe.

Napapout ako habang tahimik kami. Medyo paside view ko siyang sinusulyapan na halos muntik ko nang sapakin ang sarili ko. Shems! He's looking at me also, paside view din!

“By the way, you look beautiful in that dress.” Ani niya.

Napangiti ako ng mapalad. Sabi na, maganda ang fashion sense ko. Pero agad napawi yun nang sumagi sa isipan ko na compliment ba yun o echos lang? Naningkit ang mata ko habang sabay kaming lumalabas ng elevator.

Remember, bakla nga itong si Jake Slater Lopez. Kaya ba ganun ang sinabi niya? Woah! Nakakaloka talaga. Humugot ako ng hininga, dapat kung gawing tama ang lahat.

May pag-asa pa. Itatama natin ito, Jake Slater Lopez. Just trust me!

Habang naglalakad kami, napatingin ako sa braso niya na napapasway-sway kasi naglalakad kami. Walang pasabi naman akong kumapit dun dahilan para mabilis na sumulyap sa akin si Jake.

“Ah..” Tapos medyo napatawa siya. Ngumisi ako pabalik sa kanya. Kitams mo na! Mukhang ayaw niya yung ginawa ko. Naalibadbaran kaya siya?

Well, sa ayaw or sa gusto mo. Gagawin ko 'to! I have to save your handsome face. Someday you'll thank me. Evil laugh.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, aba sosyalin talaga. Nakablack BMW lang naman itong si Jake Slater Lopez. Pagkatapos niyang maisara ang pintuan, agad itong umikot para pumuwesto sa driver's seat.

Hmmm.. Amoy floral scent ang sasakyan niya. Napaismid ako. Lalo lang akong naghihinala sa mga ipinapakitang motibo nitong lalaki na 'to. How could this be happening? Umikot ang paningin ko sa dashboard ng sasakyan niya.

Oh my! A-ano ba yan? Pati yung box ng tissue eh color pink? Nakakapaghinayang ka talaga! Ano ba dapat kong gawin sa taong ito--

“What would you like to eat?” Basag niya sa umiikot na isipan ko. 

Tumingin ako sa kanya, “Hmm? Hindi naman ako pihikan, any kind of foods will do.” Kahit ano, basta wag lang lason haha. Pati nadin pasta at garlic bread hohoho. Brings back memories eh >__<

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon