Chapter 29

23 0 0
                                    

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang matanaw ko na ang building kong san ako nakastay-in. Ang totoo kahit sa konting oras na nagkasama kami ni Travis ay masaya na ako pero meron pa din akong mga katanungan na hindi pa nasasagot.

Questions that I don't know if I'm supposed to ask or just let it pass..

Napakagat ako ng labi nang sumulyap kay Travis. He's driving silently. Tahimik siya simula pa kaninang umaga nang umalis kami sa clinic. Maging sa pagdaan namin kila Lola Carmela, hindi siya masyadong nakipagkuwentuhan. I almost think.. he's mad at me.

Pero bakit naman siya magagalit sa akin? Napapout tuloy ako.

"We're here." Basag niya sa katahimikan namin.

Tumango ako at dahan dahang tinanggal ang seatbelt. "S-Salamat."

Hindi ko magawang magsalita nang maayos kasi kasalukuyang nagtatalo ang isipan ko. Hindi ko alam kung dapat bang umalis nalang ako nang wala pang nalalaman tungkol dun sa babaeng nakasama niya pero sa kabilang isipan ko naman ay sinasabing bakit ko kailangan malaman pa kung ganun din namang masasaktan lang ako sa isasagot niya?

I bid him a sincerly smile.. bumaba ako ng sasakyan niya at hinintay ang pag-alis ng sasakyan niya.

Pagkatalikod ko, naramdaman kong nagbabadya na ang mga luha ko.

Ipinikit ko ang mata ko habang hawak hawak ang dulo ng jacket niyang naiwan saakin. He left me.. again without saying any words.

It is just me being too much overthinking? Overthinking with things that aren't supposed to think of?

Napangiti nalang ako sa naisip ko. Pumasok na ako ng lobby ng hotel nang mahagip ng paningin ko si James na nakaupo sa may minibar. Nakatingin siya saakin na para bang may utang ako sa kanya?

Ipinagkibit balikat ko nalang yun at naisipang pumunta sa room ni Ms. Catanduanes para magpaliwanag sa biglaang pag-alis ko.

Hahakbang palang sana ako sa hagdan nang maramdaman ang kamay na pumigil saakin. Walang buhay akong lumingon at hindi na din ako nagulat.

Si Jake.

"Saan ka galing?" Sabi niya. "Let's talk."

Pilit kong binawi sa kanya ang hawak hawak niyang braso ko pero hindi niya binibitiwan yon kaya lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Kung alam lang niya kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon ko... kung alam lang niya sana na gustong kong mapag-isa at kung alam lang sana niya na ayokong lumapit na siya sakin.

"What do you care?" Galit na sambit ko. "Talk? Anong pag-uusapan natin? About me leaving our team? Don't worry, Ako na ang bahala kay Prof."

Nakita kong nag-igting ang panga niya. "Bakit ba sumasama ka pa kay Travis?! Alam mo nang sinasaktan ka lang niya,"

Napakurapkurap ako sa sinabi niya. Bakit niya ako sinasabihan ng ganito? Ano bang paki at alam niya? Pilit kong inagaw sa kanya ang kamay ko at bahagya ko siyang tinulak dahil ayoko nang madinig pa ang mga sasabihin niya.

"Yet you're still fooling yourself from that jerk. Come one, kaylie! I can make you happy!"

"Ano bang alam mo, Jake!? Will you stop doing this? You're scaring me!" Sigaw ko sa kanya kahit alam kong may mga tumitingin samin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at kinaladkad papalabas ng hotel, patuloy lang siya sa ginagawa niya hanggang makarating kami sa bandang parte na wala masyadong tao.

Padarag niya binitawan ang kamay ko, "You know what? Masayang masaya si Travis kasi aliw na aliw siya sa mga katangahan na ginagawa mo, Can't you see? He's breaking you! Harap harapan pa!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon