Chapter 18

22 1 0
                                    

Napapanguso ako habang naiilang. Hindi ko gusto ang mga nakikita ko. Gusto kong tumayo dito at sugurin ang babaeng kasama ni Travismyloves. Nakakadisappoint! Sobraaaa na 'to.

Halos ingodngud ko na sa table ang mukha ko para lang sana iwasan ang tanawin na yun pero nakakahiya kay Jake. Lumipat na nga siya ng puwesto eh. Kanina nasa harapan ko siya, ngayon katabi ko na. Kasi akala niya lasing na ako.. pssh.

“Do you want to go home now?” Nadinig ko yung boses niya habang nakatingin saakin. Buti pa 'tong binabae na 'to, may pag-aalala sakin samantalang yung the man of my dreams na nasa kabilang table lang, wala. Nganga. Nakikipagtawanan pa sa babaeng kasama niya. Saktan kita diyan eh!

“A-Ah, Okay lang ako. Hmm,” Umaayos ako ng upo. Kailangan kong ayusin ang sarili ko baka mamaya maweirduhan saakin itong si Jake eh. “We're now friends, right?” Naisip kong magshare sa kanya ng hinanakit pero...

“Yes, that's what you said earlier.” Ngumiti siya sakin, “But seriously, Okay ka lang ba?”

“Yep! I am surely fine... I am perfectly good.” Medyo sarkastikong sagot na hindi ko naman sinadya, kasi hindi ko lang gusto yung nangyayari. May kasamang iba si Travismyloves.. at masakit sa akin yun.

“Excuse Ma'am and Sir, Here's your desserts.” Napaayos kami ni Jake nang dumating ang waiter. Bitbit ang paborito kong dessert. Sarap sana kumain kaso bigla akong naumay.. naumay hindi dahil sa pagkain kundi sa tukong kasama ni Travismyloves.

“Uhmm,” Hindi ko alam kung paano ko unang uumpisahan pero para gusto ko yatang tumayo at tumakbo papuntang rest room. Hinawak ko ang braso ni Jake, “W-Would you excuse me for awhile?”

“Y-Yeah, sure.” 

Dali dali akong tumayo nang makaramdam ng sama ng tiyan. Sheeet! Nasobrahan ako sa champagne!? sa pagkain? Ano ba naman! Bakit laging ganito! Nagmadali akong pumasok sa lady's room.

Binuksan ko ang isang cubic, naduwal agad ako. 'Bat ganito? Hindi naman ganun kadami ang mga nakain at nainum ko? Nang wala namang lumabas sa bibig ko, tumayo na ako at inayos ang sarili ko sa harapan ng salamin.

Lumabas na ako, agad na napukaw ng paningin ko kung san nandun sila Travismyloves kasama yung babae. Ang sakit pala.. bakit hindi agad pumasok sa isip ko na baka may idinidate nga siyang iba? 

Nalungkot ako sa mga naisip ko.. Pinili kong humakbang pabalik sa loob ng rest room.. Tinignan ang sarili ko sa malaking salamin.

“Maganda naman ako.. Hindi naman masama ang ugali ko..” Napabuntong-hininga ako. “Bakit hindi niya ako magustuhan?”

Napapikit ako. Psssshhh, kanina lang panay kalokohan ang nasa isipan ko ngayon naman nalulungkot ako. Nababaliw na ba talaga ako?

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon