Chapter 16

21 1 0
                                    

Mabilis kong pinagsisihan ang pagtutok sa malaking LED wide screen at 60 inch na flat screen na TV nila Minn. Hanggang ngayong mula kagahapon, paggising ko mula sa idlip pakiramdam ko binabangongot pa din ako mula sa panaginip na yun. Nakakatakot sobra yung pinanod namin, kulang nalang magtago yata ako sa pinakailalim ng sofa nila Minn.

Pagkatapos naming pinanuod yun, halos murahin ko na si Eli sa lahat ng gulat na natamo ko habang nanunuod nun eh, buti pa si Minn pagnatatakot nandyun si Grayson para yakapin niya. Samantalang ako....wala... WALA... WALA! NGA-NGA!

Yung moment na nakita ko si Travismyloves na paalis.. Nalungkot ako. Hindi na siya bumalik. Siguro baka na-ingayan? Baka nagalit? Baka naboryo? Wala manlang akong karamay noon. Si Eli naman panay pa ang takot, si Lance naman ay busing busy sa cellphone niya habang nanunuod kami noon.

Bumuntong-hininga ako nang maupo sa tapat ng vanity table ko. “Dinner with Jake.”

Naayos ko na ang lahat ng gagamitin ko para mamaya, nothing special, gusto ko lang maging presentable para naman mabawi sa isipan ng baklang (oo, bakla talaga siya, ay ewan..) yung pagkakatilapon ko sa sahig, mapalitan naman ng gorgeous face scene mamaya kaya ito, magpapaganda ako.

Kinuha ko agad yung phone ko para itext siyang pwede na akong makipagdinner sa kanya. Sana naman walang aberya, dapat pala kasi itenext ko siya bago ako nag-ayos ng mga gagamit ko. Mali din talaga, Kaylie, ano? Haha.

Ako:

Hi, Jake. This is Kaylie. Thought we could have that dinner you were asking.. I'm free tonight.

Inilapag ko agad ang phone ko sa vanity table para ayusin ang mga hindi ko natapos na paperworks last night, pero bago pa ako makakuha ng ballpen mabilis umilaw ang phone ko, kaya naman kinuha ko agad yun.

Ang bilis naman magreply? Wala yatang ginagawa si Mareng Jake. Hahaha!

Jakeyyy:

Great! Thanks, Ms. Reyes! I'll see you later tonight! :)

Hindi na ako sumagot. Aba, may smiley face pa? Dami talagang alam nitong si Jake, ayaw pang umamin eh. Pero alam mo, tumingin ako sa malaking salamin sa vanity table ko at pumalumbaba.

Bumuntong-hininga ako. I have to admit this, Jake is HOT. I mean, kung wala kang radar about guys kung gay ba sila, as in hindi mo makikitahan ng signs. Build ang body, he's tall, fair-skinned, at matangos pa ang ilong, opps.. not to mention, yung maganda niyang mata! He's like a really model from somewhere over there that I don't know! hahaha

Napakagat labi tuloy ako. Ano ba itong pumapasok sa isip ko. Bumaling ang paningin ko sa isang picture frame, Si Travismyloves. Ang intense nang look niya, parang galit. Hmmmp, Okay, I'll stop thinking about Jake. Hahaha!

It's already past 5pm, I started fixing myself na. 6pm, Jake's going to pick me from here. Sabi ko naman sa kanya na magkita nalang kami sa resto but he keeps insisting, gusto niyang sunduin ako sa mismo panggagalingan ko.

Napataas pa nga ako ng kilay eh. I smell really smelly going on. Hindi kaya gusto niya makita kung gano ang kikay ang place ko? Tapos kukuha siya ng idea dito tapos gagawin din niya sa place niya?

OHNOOO. Mabilis akong napailing nang mapansin kong bakit ko pa pinag-iisipan ng kung ano ano yung tao. I meant, wala naman talaga pa siyang sinasabi sakin na ganun nga siya.

Or baka mamaya magtatapat na ganun nga siya? Tumaas nanaman ang isang kong kilay sa naisip ko.

Enough na nga! Umupo ako sa harap ng white vanity table ko nang matapos akong makapagsuot ng black dress. Wala naman akong maisip na gagawin sa buhok ko.. Iiwan ko nalang sigurong straight ito.

Hayy, kami kaya ni Travismyloves kelan magdinner ng ganito? Napalumbaba tuloy ako at iniharap ang picture frame niya.

“Sana next time, tayo naman ang lalabas. Yayain mo na kasi ako?” Kinakausap ko nanamana ng picture frame. “Pero nakakaloka ka talagang lalaki ka, akalain mo na halos matagal na tayong magkakilala pero wala ka pa ding paki saken.”

Napaismid ako sa lumabas mismo sa bibig ko. Bakit nga ba? Ewan.. Ay basta! Ayokong sukuan yang si Travismyloves. Someday, somewhere over the rainbow, we'll be together! Hahaha!

*DINGDONG*

Inaayos ko na ang sarili ko at tumayo. Alam ko nandyan na si Jake kaya naman, ito lalapit na ako sa pintuan. Bumuntong-hininga na muna ako bago pinihit ang doorknob..

Pagkabukas na pagkabukas ko, napakurap kurap pa yata ang mata ko.

Oh my ulammmmm...

O______O

Totoo ba itong nakikita ko!?

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon