Chapter 14

27 1 0
                                    

Sumapit nanaman ang araw ng Lunes, pakiramdam ko bugbog na bugbog padin ang katawan ko kakahilata buong araw ng Linggo. Napapahampas tuloy ako sa balikat ko habang naglalakad papasok ng Entrance ng University.

Napansin kong parang may kakaiba..Natigilan ako nang may mangilan-ngilang tumitingin sakin. Hala oh? Masama na bang hampasin ang sarili kong balikat? Napanguso nalang tuloy ako pinagpatuloy ang paglalakad.

“Kaylie!!!!!”

Napalingat-lingat ako sa paligid at tumama agad ang tingin ko sa mabilis na tumatakbong si Mara papalapit sakin, nakangisi pa ang babaeng 'yun. Anong kayang meron? 

Sinalubong ko siya na takang-taka ang itsura ko. 

“Ayan ka nanaman sa paghehysterical mo eh. Umayos ka dyan.” Sabi ko habang minamasahe ko nanaman ang balikat ko.

“OMG KAYLIE! Ang gwapo naman ng kasama mo dun sa billboard na nakita ko kanina sa may highway!”

Kumunot agad ang noo ko sa nadinig ko. Anong billboard yun? Nanliit ang dalawang kong mata at inisip na mabuti kung ano yung sinasabi niya. 

Napaismid ako nang hindi ko makuha yung sinasabi niya. “Anong billboard? Hala! Baka mamaya kung anong billboard yang nakita mo, ha!”

“Pffft!” Lumapit siya sakin at bahagyang tinapik. “Shungeeek! Nakakabit na sa edsa yung billboard campaign na ginawa mong photoshoot. Remember yung pinagawa sayo ni Prof?”

Napaawang agad ang bibig ko sa nadinig ko. “H-Huh?! Kelan pa nandun yun!?”

Omygee! Bat hindi ko alam kung kelan ilalabas yun? Bat ang bilis naman yata? Nakakalokaaaaa! Wala manlang abiso sakin. May galit ba talaga sakin si Prof? HA? Para tuloy akong nahihiya, hindi ako handaaaaaa!

“Teka, ano itsura ko dun? Maayos ba? Hindi ba mukhang ewan? Saka bakit yung lalaki agad napansin mo, hindi ako? Aba! Matinde yan, Mara! Ako ang kaibigan mo--”

“Hep. Hep.” Tapos itinapat niya sa labi ko ang nakaturo niyang hintuturo para talaga manahimik ako. “Ewan ko? Baka kagahapon lang nilagay yun. Saka hmm,” 

Nanliit ang mata niya at para bang may iniisip. “You don't look bad at all sa billboard. Pwede na. Pero poge talaga yung nakasama mo, teh!”

Napairap ako sa kawalan. Parang ewan kausap itong si Mara eh. Natapos ang usapan naming yun nang marealize kong meron nalang akong 5minutes left para makapunta sa una kong subj. Kaya naman nagmadali na akong tumakbo papunta sa classroom pero sa kasamaang palad, minalas ako.

“ARAAAAAY!!” Angal ko habang hinahawakan ang bewang kong tumama sa semento ng sahig. 

Nalaglag ako sa kama nung nakaraang linggo pero kinaya pa 'yun ng bewang ko pero ngayon, mukhang bibigay na yata. A-arayyy... Hinihimas himas ko yun parang napapangiwi ako sa sakit.

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon