Chapter 24

38 1 1
                                    

Bulagta pa din ako sa kama ko kahit dilat na dilat na ang mata ko. I don't feel like moving kasi kapag ginawa ko yun baka masaktan lang ulit ako..

Masaktan? Uh.. uhm.. Lalim yata. Pasensya naman, may pinaghuhugutan lang talaga ako.

“Kaylie, Iha.” Boses ni Manang habang kumakatok.

Hindi ako umimik kasi kapag ginawa ko yun baka lalo akong magmukhang tanga. Tanga? Lalim nanaman yata nang mga pinagsasabi ko. Eh kasi ang hanggang ngayon masakit pa din ang pinagdaraanan ko.

“Po?” Sagot ko habang ipinipikit ang mata ko.

“Mag-ayos ka na. Nasa baba si Prof. Catanduanes kasama iyong partner mo sa sinasabi nilang Photoshoot.” Kumakatok pa din si Manang. Napapalatak nalang ako. “Bumababa ka na dyan, Iha. Ha?”

“SIGE PO.” Bumangon na ako at humarap sa salamin sa may comfort room.

Napahimalos ako ng mukha kasi alas 8 palang ng umaga! Ang aga namang nilang pumunta? Saka bakit ba sila nandito? AT! Saka bakit-- 

Nanlaki agad ang mata ko sa naisip ko..

Shocks! Si JAKE ba yung tinutukoy ni Manang na kasama ni Prof. Catanduanes!? Holyshit. Anong gagawin ko??! Hindi pa ako ready na harapan ang manyakis na yun!

Oo. Manyakis na ang tawag ko sa baklang- este lalaking yun. Matapos nang ginawa niya may mukha pa siyang ihaharap sakin? Oh come on. 

Nagpabalik-balik ako sa paglalakad dito sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung lalabas ba ako eh. Ayoko talagang makita ang mukha niya. Pero ano ba kasing ginagawa nila dito?

Napapikit nalang ako habang pinipihit ang doorknob ng kuwarto ko. Ayaw ng isip ko pero ginagawa nang katawan ko kaya nagawa kong bumababa ng hagdan at ang nakakabanas, ngisi ang tumambad sa pagmumukha ng manyakis na yun.

Tssss. I rolled my eyes mentally, baka kasi pagbintangan pa ako ng Prof ko na siya ang tinatarayan ko.

“Hello. Good morning, Prof.” Ngiting aso kong bati. “What brings you here?”

Napansin kong may maletang hawak ang manyakis na Jake na yun kaya napakunot ang noo ko. Napansin ko ding tumaas ang kilay ni Ms. Catanduanes saakin dahilan para mangapa ako ng tuluyan sa dalawang ito.

“Oh my god.” Bulaslas ni Prof. “Makakalimutin ka na ba talaga, Kaylie? Bakit hindi kapa nag-aayos? Hindi ka pa nageempake?”

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon