"Van, maniwala ka naman sa 'kin oh," Pagmamakaawa ni Lucas habang hinahabol ako sa hallway. "Para lang talaga 'to sa group project natin, wala ng iba. Pramis!"
"Lucas," Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "hindi naman kasi kailangan na hingin mo ang number ko. Sa school lang din naman natin gagawin ang project, no need to communicate through phone. Hindi ko pinamimigay ang phone number ko sa kani-kanino lang. Lilinawin ko lang ah, classmates lang tayo, not friends."
"Van, sige na...please?" Nagpapaawa siya sa kanyang mga mata, as if madadala ako sa puppy-dog eyes niya. I hate when guys do that. Nakakainis, nakakairita.
"I'm enrolled in this school to study, hindi para makipaglandian." Mariin kong sagot sa kanya at diretsong tiningan siya sa mata bago ako bumalik sa paglalakad. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya.
--
"May notes ka ba sa Design Theo?" Tanong ni Gab. Mabilis tumakbo ang panahon, Midterm exams na namin next week. Nasa library kaming magbabarkada para mag-aral.
"Binabasa ko ngayon, picturan mo nalang." Sagot ko.
"Yes! Thanks, Van! Iba talaga kapag top student, laging ready!" Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para kumuha ng litrato sa mga notes ko. Bago siya matapos, may lalaking lumapit sa table namin.
"Ah, hi Van," sabi ng lalaki.
Napalingon ako sa kanya, "Oh, Christian. May kailangan ka ba?" Tanong ko. Si Christian lang pala, isa sa mga kaklase ko.
"Uh...busy ka ba? Can I borrow you for a sec?" Nakangiti nyang sinabi. Hindi naman sa assuming ako pero may kutob na ako kung anong pakay niya.
"Bakit, anong problema? May kailangan ka ba?"
"Well...ano kasi..." Napakamot siya sa leeg niya, halatang nagpapa-cute.
Tumayo na rin ako, gusto ko nang tapusin 'to. Basted na naman, basted na naman—paulit-ulit na sinabi ng utak ko. Sana lang talaga mali ang kutob ko.
"Okay sige, tara usap tayo!" Sabi ko, "Guys, sandali lang to. Balik ako kaagad."
Sinundan ko si Christian papunta sa pinakalikuran ng library. Walang ni-isang estudyante doon. Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin. Heto na naman tayo.
"Van, free ka ba this coming Saturday?" Tanong ni Christian, hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Hindi eh, I have plates to do. Midterms na next week, I'm dealing with a lot of deadlines," Sabi ko, "Bakit? Do you need help with anything? Maybe I can ask someone else to help you instead."
He shook his head. "Well I was just trying to ask you out on a date."
He waited for my reaction.
"Sorry, hindi talaga ako pwede." Pangangatwiran ko. Good mood ako ngayon kaya hindi ko siya kaagad na dineretso na wala akong interes sa mga date-date na 'yan.
"The week after Midterms, then? Free ka na ba by that time?"
"Well," I'm trying to think of plausible excuses, "may deadline din kasi ako the week after Midterm exams. So...hindi rin ako pwede."
"Ganito nalang, kailan ka ba pwede?"
"Para saan ba yung date?" Napalakas ang boses ko. Mukhang hindi niya inasahan na ganoon ang reaksyon ko. Hindi ko rin inasahan ang reaksyon ko, mababa talaga ang pasensya ko pagdating sa ganito.
"Well—"
"Ano? Diretsuhin mo na ako. Ano ba ang kailangan mo sa 'kin?" Mabilis akong sumapaw na para bang ayoko syang magsalita.
"Liligawan sana kita...kung pwede lang sa'yo?"
"Christian, hindi kita gusto. At hindi ko sinasabi to dahil nagpapakipot ako. I honestly don't like you. Dating isn't for me, so don't take this personally."
"Well, malay mo...magugustuhan mo pala ako? We can take it slow naman—"
"Tama na, okay? Like I said, hindi ako nagpapakipot sa'yo. Ayokong paasahin ka. Hindi talaga kita gusto. Sana maintindi—" Hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko ng biglang umalis si Christian at naglakad palayo.
Bumalik na rin ako sa table namin, wala naman talaga akong pake kung ano ang mararamdaman nila.
"Hoy Van, anong ginawa niyo dun sa likod ah? Yiiie." Tanong ni Angel.
"Wala. Same old thing." Sagot ko habang nakasimangot, nag-iba na ang mood ko.
"Na naman?" Tanong ni Jake.
Napalingon si Gab kay Jake, "Dude, I don't get it. Ano bang nangyari?"
"May binasted na naman si Van." Sagot ni Jake.
Ngumisi si Angel, "Haba talaga ng hair mo gurl! Walang kaeffort-effort! Pang-ilang basted mo na yan this school year, gurl? Grabe, natatandaan mo pa ba ang mga pangalan ng mga 'yon?"
Ewan ko ba, ba't ba ang daming nagkakagusto sa akin? It's as if I'm cursed kasi ayoko talagang pumasok sa relasyon. Hindi naman sa may trauma ako kasi wala naman akong past relationships. Kumbaga, I just naturally hate people, I'm allergic to dating.
"Mag-ingat ka dyan sa pagiging heartbreaker mo Van ah," Sabi ni Gab, which snapped me out of my thoughts, "Baka kasi you'll end up messing with the wrong person."
"Eto naman, tinatakot mo naman si Van!" Pabirong sinapak ni Jake si Gab.
"Dude, I'm just sayin'."
Gab is right. Kahit na hindi ako natatakot mangbasted, natatakot din ako na eventually, I might mess with the wrong person and hurt their ego. And I just pray na last na 'yon—last na 'yon na pambabasted ko. I'm not saying na sasagutin ko ang kung sino man ang susunod na manligaw. I'm just saying na sana, sana wala nang manligaw sa akin because I won't hesitate to break their hearts.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)
RomanceFive Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life and in her self--that she can't always be the same person she was five years ago. The story is writ...