"Ang ganda naman ng bahay na ito! Makaluma pero napakaganda." Sabi ni Timmy habang umaaligid sa sala. "I'm excited for this photoshoot! Kaya bilisan na natin!"
Inupahan ng team ang malaking bahay na ito for a short period of time para sa lifetyle magazine shoot namin ngayon. I have four different outfits para sa shoot na ito. Muted colors ang lahat ng isusuot ko since subdued naman ang theme ng aming shoot.
Kinabitan ako ng exstensions ng hairstylist dahil hindi nakutento si Timmy sa haba ng buhok ko. Light lang din ang makeup ko. Innocent but sensual dapat ang magiging look ko sa shoot na ito.
"Natawagan niyo na ba ang photographer? Late sila, ah." Tanong ni Timmy.
"Nandito na ang team niya at naka-set up na sila. Naiwanan kasi ng photographer ang SD card niya kaya siya male-late. Malapit naman daw siya."
"Ano ba yan, sabihin mo bilisan niya! Mahal ang renta namin sa bahay na ito!" Sagot ni Timmy.
Hindi naman kami natagalan sa paghintay. Dumating na ang photographer at humingi ng pasensya kay Timmy.
"Tapos na ba kayong mag-retouch?" Tanong ni Timmy sa makeup artist, "Lumabas na kayo. Dumating na ang photographer natin, start na tayo ng shoot."
The first outfit was a long-sleeved light purple duster. Parang pambahay lang but still looks very elegant. Sa hagdanan ang unang lokasyon. Dinirect ako ni Timmy kung ano dapat ang pose ko. Nang tumingin na ako sa harap, nabigla ako nang ang nakita kong nakahawak ng kamera ay si Trevor. Wait, what? Siya ang photographer namin today? Bakit hindi ko siya napansin kanina? Mukhang nabigla din siya na makita ako.
Hindi kami nagpahalata sa mga kasama namin sa set. The show must go on. This is so awkward, nako-conscious ako.
"Savannah, baby girl, make your projections more sensual. Ilabas mo ang alindog mo!" Sigaw ni Timmy habang kumukuha ng mga litrato si Trevor.
"OK! Next outfit na tayo." Utos ni Timmy. Agad naman akong pinagpalit ng damit ng stylist. Hindi kami nagpansinan ni Trevor buong shoot. Pero naiinis ako na hindi siya tumitingin sa mga mata ko. Pinagsabihan din siya ni Timmy na idirect ako kasi hindi siya nagsasalita when he should be the one directing me kasi siya ang nakahawak ng kamera.
We're down to my last outfit for the day—light peach off-shoulder dress na maikli lang ang gupit sa baba. Pinaupo ako ni Timmy sa taas ng wooden table.
"Sav, remember, sensual dapat ang poses natin." Nagsalita ulit si Timmy, "Okay, Trev. Ikaw naman ang magdirect." Dagdag niya.
"Miss, pakitaas nalang ng damit mo." Sabi ni Trevor. Miss? Talaga lang ha? "Pakitabon nalang ng balikat mo." Dagdag nito.
"Ha? No! 'Wag mong itaas, Sav!" Sigaw ni Timmy. "Hindi na 'yan off-shoulder kung itataas mo! Hay nako, Trev! Ako na ngang magdirect."
Ibinaba ko ang off-shoulder ko.
"Ibaba mo pa!" Reklamo ni Timmy. Gosh! I want this day to end already!
Napatigil si Trevor. Tinawag niya si Timmy. "Tim, can we take a break? My batteries ran out." Sabi niya.
"Ha? Hindi ka ba nagdala ng extra?"
"Nagdala but it wasn't enough. Hindi ko na-anticipate na marami tayong ishoshoot."
"Oh my god, Trevor. Kung hindi ka lang gwapo, nako!" Tumalikod si Timmy at may tinawag. "Bumili muna kayo ng snacks, matagal pa tayo matatapos dito."
"Sorry Tim, this is completely my fault." Sabi ni Trevor.
"Sige na, dun ka na. Icharge mo na yan!"
Umalis si Trevor at pumunta sa silid kung saan nila inilagay ang ibang equipments para sa shoot.
"Tim, CR muna ako." Sabi ko. I lied, sinundan ko si Trevor sa room kung saan siya pumunta. Sumilip ako para tignan kung may kasama ba siyang iba. Siya lang mag-isa. Pumasok ako sa maliit na silid at sinarado ang pinto. Napaharap siya at nakita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Bulong niya.
"Bakit ka nagpapanggap na hindi tayo magkakilala?" Diretso kong tanong.
"Ha?"
"May magseselos ba, ha? May relasyon ba kayo ni Timmy?"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Joke lang." Ngumiti ako. Nakasimangot parin siya. "Ano bang ginawa ko sa'yo? Ba't mo ba ako iniiwasan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kita iniiwasan."
"Talaga?" Sabi ko. Lumapit ako ng isang hakbang. Umatras siya. "See? Hindi pa nga ako nakarating sa'yo, umatras ka na agad. Aminin mo na kasi na may ibang nangyari sa bar nung isang gabi."
"Wala ngang nangyari sa atin doon." Sabi niya. Muli akong humakbang palapit sa kanya. "Itaas mo nga yang damit mo." Sabi niya habang nakatingin sa aking balikat.
Ibinaba ko pa ang off-shoulder dress ko imbes na itaas, just to see his reaction. Nakatingin siya sa balikat ko at tumingin ulit sa akin.
"One more step and I won't be able to stop myself." Pabulong niyang sinabi.
"Stop yourself from what?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Humakbang ulit ako palapit. Yumuko siya at binaon ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay. Umiiyak ba siya? Wala naman akong nakikitang luha.
"Trevor, ano ba kasing problema? Sabihin mo na sakin." Mahinahon kong sinabi sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko," Sambit niya, "You're giving me mixed signals."
"Ano?" Tanong ko.
Walang siyang sinabi, instead, hinila niya ang bewang ko at ibinaon ang kanyang mga labi sa labi ko. He's kissing me so passionately na para bang gutom na gutom siya sa mga halik ko. Pinalupot ko ang aking mga kamay sa leeg niya papunta sa buhok niya. I kissed him back, deep and passionate. Pareho kaming gutom. Parang matutumba na ako sa lakas niyang humalik, buti nalang at sinusuportahan niya ang bewang ko. Ang tunog lang ng aming mga labing nagdadampi at paghahabol ng hininga ang ingay na naririnig ko. We were kissing for a good minute.
Tinawag ako ni Timmy, hinahanap yata ako. Huminto na kami sa paghahalikan habang nakapalupot parin ang mga kamay namin sa isa't isa. Tumingin siya sa labi ko at sa aking mga mata. Pumakawala na kami ng narinig namin ang papalapit na boses ni Timmy. Inayos niya ang kanyang buhok at naunang lumabas. Lumabas na rin ako maya-maya.
Hindi na kami ulit nagpansinan hanggang sa matapos ang photoshoot that day.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)
RomanceFive Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life and in her self--that she can't always be the same person she was five years ago. The story is writ...