Chapter 7 - Thesis

2.2K 32 1
                                    

TJ: Nakauwi ka na?

Matutulog na sana ako nang nabasa ko ang text ni TJ pagkatapos kong maligo. Humiga na ako sa kama at nagreply sa kanya.

Me: Bilis magtext ah? Bukas ka na magtext, matutulog na ako. Goodnight! :) 

TJ: Usap muna tayo :(

Me: Matulog ka na para sa kapakanan ng thesis mo. Goodnight x

TJ: Yoko :(

Me: GOODNIGHT SABI EH

TJ: (ಥ﹏ಥ)

Me: LOL goodnight na! Hindi na ako magrereply pagkatapos nito. GOODNIGHTTTT

TJ: (ಥ﹏ಥ) (ಥ﹏ಥ) (ಥ﹏ಥ)

Hindi na ako nagreply. He texted again after a few minutes.

TJ: Daya mo naman :( 

TJ: ok sge goodnight na nga :(

---

"Gab, Van, mauna na kami." Sabi ni Angel. Tumango ako. Tumayo na sila ni Jake papunta sa klase nila.

TJ: Van parang hindi ko na kaya, i wanna give up. next yr nalang ako gagraduate

Biglang nagtext si TJ sa akin. Binaba ko muna ang libro ko.

Me: Kaya mo yan TJ! I believe in you! I know you'll graduate on time :) Magpahinga kalang, wag kang sumuko ok? :)

TJ: malapit na ang deadline nito Van :( hindi pa ako tapos. i wont make it

Me: Gusto mo bang pumunta ako dyan at kurutin ang singit mo? :)

"Laki ng ngiti natin ah," Biglang nagsalita si Gab sa tabi ko, "Sino ba yang tinetext mo?"

"Wala," Sabi ko, "May kaaway lang ako sa internet."

TJ: Van :(((((( kaya ko ba talaga to?

Me: Kayang kaya mo yan! Sige, pagnatapos mo ang thesis mo on time, sasamahan kita sa Cypress Heights & Nature's Park. Diba gustong gusto mong pumunta dun?

TJ: Talaga? Promise yan a?

Me: Oo nga kaya galingan mo dyan! I believe in you :)

Finals week na namin in a couple of weeks. Araw-araw na kaming pumupunta sa library para mag-aral ng mga kaibigan ko. We share notes and hand-outs, at minsan, tinuturuan namin ang isa't isa. Hindi na nagtext sa akin si TJ. His last text was when he was preparing for their thesis presentation and defense. He was able to submit on time. I'm so proud of him, kaya hindi ko na dinidisturbo para dire-diretso na siya sa graduation day.

"Ahhh, I'm so tired," Sabi ni Jake habang nakataas ang kanyang mga braso, "Finally, it's all over!"

"May idea ka na ba kung anong thesis topic mo, Van?" Tanong ni Angel sa akin.

"Ang atat mo naman Angel," Reklamo ni Jake, "Kakatapos lang ng Finals natin, thesis agad iniisip mo?"

"Relax ka lang, Gel. Third year pa tayo next year. Di pa time sa thesis-thesis na 'yan." Pabirong tinahan ni Gab si Angel.

"Honestly, may naiisip na akong mga potential thesis topics," Sabi ko kay Angel, "I do think we should be working on our thesis as early as freshmen year. Kahit unti-unting research lang every year."

"Wow naman Ms. Dean's Lister, hiyang-hiya naman kami sa freshmen palang pinag-iisipin mo na ang thesis mo." Sabi ni Jake.

"Alam niyo, good influence talaga 'tong si Van sa atin, hindi dapat tayo nagrereklamo," Pinagsabihan ni Angel si Gab at Jake, "We'll probably thank her one day at nakagraduate tayo on time dahil sa kanya."

Si TJ agad ang naisip ko sa sinabi ni Angel. Kumusta na kaya yun?

Lumabas na kami ng campus para umuwi. Umalis na si Jake gamit ang sasakyan nya, sumabay naman si Gab sa kanyang kuya sa sasakyan nila. Sinundo na rin si Angel ng Dad niya. Ako lang ang nagcocommute sa aming apat. 

Sumakay na ako ng bus pagdating nito. Umupo ako sa likod at tinignan ang phone ko. Hindi parin nagtext si TJ. Should I text him first? 

"Hi Miss," May bumulong sa tenga ko. Tumingin ako sa likuran at may nakangiting asungot na nakaupo sa likod ko.

"TJ!!!" Tumayo ako at umupo sa tabi nya. "Huuuuy, ano na?" Yinugyog ko ang kanyang mga balikat at kalaunan ay niyakap rin siya. Tumawa siya and hugged me back tight.

"Ano? Kumusta na ang thesis mo? Nakapasa ka ba?" Tanong ko sa kanya ng humiwalay na ako sa yakap niya.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi, "Van...ano kasi..."

"Ano? Diretsuhin mo na kasi ako." Nataranta ako.

"Pasado ako! I'm graduating on time!"

"Oh my god!" We hugged each other again. Ang ingay namin sa loob ng bus. 

Pumakawala ako sa yakap niya at kinurot ang tenga niya, habang nakapalupot parin ang kamay niya sa bewang ko, "Ba't hindi ka nagtetext ha?" Pinagalitan ko siya.

"Aray aray!"

"Pinag-aalala mo ako eh."

"Aray, sorry na!" Sabi niya, "Ililibre nalang kita."

"Talaga?"

"Oo nga," Sabi niya at tinaas ang kanyang mga kamay. Pinakawalan ko na ang kanyang tenga, "Okay, pero hindi lang dapat ako ang ililibre mo."

"Ha? Sino pa?"

"My friends." Ngumiti ako sa kanya.

"You're gonna introduce me to them?"

"Yep, it's about time." 

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon