Me: Guys, parang di ko na kaya!! Gusto ko ng sumuko T^T
Nagmessage ako sa group chat namin sa Facebook.
Angel: awwe, its okay Van :(
Jake: HOY VAN KALA KO BA ACHIEVER KA??? WALANG SUKUAN
Gab: pano ba yan Van? may utang ka na sa amin na tig 500
Me: Ha???? Wala namang pustahan ah?
Jake: KUNG MAHAL MO HINDI KA SUSUKO
Gab: wan payb lahat Van akin na yung pera
Angel: magpahinga ka lang Van, wag agad sumuko :)
Ang lungkot ko na sana dahil sa nangyari kagabi pero bwesit itong mga kaibigan ko, natatawa ako sa mga reaksyon nila.
Pumunta ako sa pantry para magtimpla ng kape. Walang ibang tao doon. Narinig kong may pumasok sa loob, naramdam ko siyang lumapit sa tabi ko. I recognized his scent at alam ko na agad kung sino iyon. Nasa kape lang ang atensyon ko.
"Hindi ka nagpaparamdam ngayon, ah? Suko ka na agad? Binabawi mo na ba ang mga sinabi mo kagabi?" Tanong ni Trevor. Nasa kape parin ang mga mata ko.
"Sino bang nagsabi na sumusuko na ako? Nagpapahinga lang. Masyado kasing mabigat ang nangyari kagabi. I need to recharge." Sagot ko. Umalis na rin ako sa pantry pagkatapos kong magtimpla ng kape.
Hindi ko siya hinintay umuwi. Diretso akong umalis sa opisina pagtungtong ng alas-singko ng hapon. Naisipan kong bumili muna ng groceries sa kalapit na supermarket. Madalim na nang natapos akong mamili. Pumunta ako sa bus stop para mag-antay ng masasakyan.
May tumikhim sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Trevor. Umiwas siya ng tingin. Hindi ko nalang pinansin dahil ang bigat bigat ng dinadala kong groceries. Sumakay ako ng bus pagdating nito. Humanap ako ng dalawang bakanteng upuan para mailagay ang dalawang bag ng groceries sa isang upuan.
Naghanap na rin si Trevor ng upuan, siguradong lalayo na naman siya sa akin. Nabigla ako nang kinuha niya ang isang grocery bag sa katabi kong upuan. Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang grocery bag sa kanyang kandungan. Tinitigan ko siya, tumingin din siya sa akin. Kukunin ko na sana ang grocery bag na nasa kanya, kaya lang may hawak din akong grocery bag sa harapan ko. Hindi ko nalang pinansin ang nangyari.
Hindi kami nag-usap sa buong biyahe. Hindi niya ako tinakbuhan paghinto ng bus kagaya ng nangyari kagabi. Sabay kaming tumawid sa kalsada at sabay din kaming sumakay ng elevator.
"Akin na 'yan," Sabi ko sabay turo sa isang grocery bag na dala niya.
"Ako na, ihatid na kita sa unit mo." Sagot niya.
Naglakad kami papunta sa unit ko. Pumasok siya sa loob at inilapag ang grocery bag sa kusina.
"Salamat," Sambit ko, "Sige umuwi ka na, gabi na. Baka pagod ka na."
"Hindi ka ba magluluto ng pasta?" Tanong niya.
Napatingin ako sa grocery bag ko, "Hindi ako nakabili ngayon ng pasta, eh. Last na 'yon kagabi. Gutom ka na ba? Pwede akong magluto ng ibang putahe," Tanong ko, "Kumakain ka ba ng Sinigang na baboy?"
Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. "Nako, paborito ko 'yan!"
"Okay, sige. Manood ka nalang muna dyan ng TV habang naghahanda ako para hindi ka mabagot."
"Ha? Pero ikaw ang gusto kong mapanood."
Tumalikod ako para hindi niya makita ang reaksyon ko.
"Tulungan mo nalang kaya akong maghanda para mas mapabilis 'to." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)
RomanceFive Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life and in her self--that she can't always be the same person she was five years ago. The story is writ...