Mom: Sav kumusta ka na dyan sa Pinas? nakakakain kaba sa tamang oras?
Mom: kung kailangan mo ng pera o kahit anong tulong dont hesitate to message me ok?
Mom: Sav nandito lang ako in case magbago ang isip mo. i love you honey, ingat ka palagi
Bumaha ang private messages ng mom ko sa Facebook, ni-isa wala akong sinagot. Mukhang masaya naman siya sa Germany. Masayang masaya ang pictures nila ni Charles. I miss her so much, pero hindi parin nawawala ang galit ko sa ginawa niya.
"Ms. Savannah?" Tinawag na ako ng HR associate. Tinago ko ang phone ko sa bulsa. It's officially my first day at Hues & Selec Studios. Ipinakilala ng HR associate sa akin ang magiging Team Lead ko.
"Ms. Savannah, this is Mel. She will be your Team Lead."
"Hi Savannah," Kinamayan niya ako. Mel appears to be in her mid-30's. Maikli ang kanyang buhok at kulay pink ito. Graphic tee ang suot nya at may pinalupot na plaid shirt sa kanyang bewang. Marami din siyang piercings sa magkabilang tenga. May isa rin sa kanyang ilong. Wild! I think the dress code of this workplace is far from formal.
"Sige Ms. Mel, iiwan ko na si Savannah sa'yo, ah?" Sabi ng HR. Humarap siya sa akin, "Savannah I hope you enjoy your first day." Ngumiti siya sa akin at umalis na.
"So Savannah, how are you?" Tanong ni Mel. Ginabayan na niya ako sa loob ng production floor.
"I'm quite nervous but excited, po." Sagot ko sa kanya.
"Nako 'wag ka nang mag-'po' sakin," Tumawa siya, "Baka may makarinig sa'yo at aakalain na may edad na ako."
Dahan-dahan kaming naglakad sa iba't ibang parte ng production floor. Open space lang mostly ang working area. Nakahilera ang iMac monitors sa mga lamesa. Glass walls lang din ang gamit nila sa ibang mga silid gaya ng conference rooms at department head offices so kita parin ang loob. High ceiling ang open workspaces nila. Kita din sa bintana ang cityscape. Napaka-spacious ng lugar. I think I will enjoy working here.
"Actually, Sav—can I call you Sav?"
"Yeah, no problem." I'm doing my best not to say 'po'.
"Actually Sav, hindi talaga ako ang Team Lead mo. I'm the Team Lead of the Book Cover Team, yung Team Lead ng Package Design Team—which is yung team niyo—ay nasa bakasyon pa. Proxy lang ako for the next few days. Your Team Lead will be back on Monday."
Tumango ako. Sayang, mukhang cool at chill naman na Team Lead itong si Mel. Curious na tuloy ako sa Team Lead namin.
"What is she like?" Tanong ko sa kanya, "Chill lang din ba siya bilang isang Team Lead?"
Tumawa siya ng mahina, "Hmmm may pagkasuplado din 'yung Team Lead niyo but he's a good leader. Hindi niya pinapabayaan ang team members niya."
"He?"
"Oo, your Team Lead's a 'he'. Pero don't worry, hindi naman siya isang striktong matandang binata. He's actually so much younger than me." Sabi ni Mel.
Mabuti naman. Kung ka-age ko lang ang Team Lead namin, hindi naman siguro ako ma-iintimidate.
"So Sav, let's go and meet your teammates!" Hinila ako ni Mel sa open workspace. Ipinakilala niya isa-isa ang mga ito sa akin. Mukhang mas bata ang karamihan sa kanila. Fresh graduates siguro.
"Sav, may dala ka bang baon?" Tanong ni Mel.
"Hindi ako nakapaghanda ngayon eh. Bakit?"
"Okay, sige. Sa cafeteria nalang tayo kumain. Tara, lunch na tayo!" Hinila niya ako patungo sa elevator lobby.
"Magkano ba ang ulam nila dun?" Tanong ko.
"Ha? Hindi—hindi ka magbabayad. Libre lang ang pagkain sa cafeteria." Sabi niya.
Bumaba na kami sa third floor. The entire third floor was used as a cafeteria. Pang buffet ang pagka-ayos ng mga pagkain. Kahit maraming tao ay hindi parin mukhang congested ang lugar kasi ang laki ng eating area nila tapos high ceiling pa. Libre ba talaga ang mga pagkain dito? Grabe, ayoko nang magresign sa kumpanyang ito!
"Sav, mixed ka ba?" Tanong ni Mel. Nagkwentuhan kami habang naglulunch, "May lahing amerikano ka ba or ano?"
"Wala," Sabi ko. "Pure blood ako."
"Huh? 'Di ba Fischer ang last mo? Apeliyong Pinoy pala 'yun?"
"Hindi naman. German kasi ang Dad ko."
"Kala ko hindi ka mixed?"
"Step dad ko lang kasi siya. Hindi ko pa nakikilala ang tunay kong ama. Hindi naman kinuwento sa akin ng mom ko. Hindi ko na rin tinanong. Minahal din naman kasi ako ng step dad ko na parang tunay na anak kaya hindi ko na naramdan ang pagka-ulila sa tunay kong ama." Ikinuwento ko sa kanya.
Ang dami pa niyang tinanong sa akin. Nag ikot-ikot lang kami buong araw. Sabi ni Mel, yung totoong Team Lead ko lang daw ang magti-train sa akin.
Mabilis tumakbo ang linggo. It's Monday again. Hindi pa ako nagsimula ng kahit anong proyekto last week. Sabi ni Mel, ngayong week ako magsisimula talaga sa pagtrabaho ng mga proyekto. Mami-meet ko na rin sa araw na ito ang aming Team Lead.
"Savannah," Tawag ni Mel, lumingon ako sa kanya habang nakaupo sa desk ko. "Nandito na ang Team Lead niyo. Wait ka lang ha, may kaausap pa kasi siya sa elevator lobby." Dagdag niya.
Tumayo na ako nung tinawag ulit ako ni Mel. Naglakad palapit sa desk ko si Mel, kasama na niya ang Team Lead namin. Simpleng white shirt lang at maitim na pants ang suot nito.
"Savannah, this is Trevor," Sambit ni Mel, "Siya ang Team Lead ng Package Design Team."
Una akong naglahad ng kamay. "Trevor, this is Savannah. Siya ang new hire sa team niyo." Dagdag ni Mel.
Kinuha niya ang aking kamay at nagkipagkamayan. "Pleasure to meet you, Savannah." Ngumiti siya ng maliit.
"Sav nalang." Sabi ni Mel.
Pinakawalan na niya agad ang kamay ko bago pa man ako makapagsalita. "Nice to meet you din, sir Trevor."
"Trevor nalang." Sabi niya. Tumango ako.
Binabawi ko na ang sinabi ko, gusto ko nang magresign! Wala na akong pake sa free food!
Lord, ba't ganito?
BINABASA MO ANG
𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)
RomanceFive Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life and in her self--that she can't always be the same person she was five years ago. The story is writ...