Chapter 23 - Nature's Park at Night

1.8K 31 1
                                    

Imposibleng hindi pa natunaw ang mga kinain ko kanina. Pawis na pawis ako pagkatapos kong maabot ang Nature's Park. It's all worth it, ang ganda dito sa taas lalo na kapag gabi! Nilasap ko ang view ng mga ilaw sa syudad bago ko naisipang maghanap ng ma-uupuan.

Tumingala ako sa langit. Magdadadrama na naman ba ako nito? Akala ko ba less friends, less drama? Ba't ngayong wala na sila eh mas naging emosyonal na ako?

Angel, puntahan mo naman ako dito, oh. May hindi ako gusto sa office, ichichika ko lang sa'yo. 

Gab, Jake, baka gusto niyong umuwi sa Pinas? Kwentuhan tayo. Miss ko na ang mga biro nyo't malalakas na halakhak.

Sino bang niloloko ko? Hindi na sila babalik. Hindi na mababalik ang dati. Nagset ata ng maling standards ang mga librong nabasa ko. Palagi nalang magkakaayos ang bida at mga kaibigan nila sa huli. Hindi naman totoo 'yun sa tunay na buhay. As you get older, your circle of friends gets smaller, kahit iyong matatalik mo pa na mga kaibigan. Swerte mo nalang if you get to keep someone for a lifetime. 

But then again, I'm only speaking from experience. Baka ako lang 'to, ang selfish ko kasing tao. 

Humiga ako sa bench at pinikit ang aking mga mata. Nilasap ko ang malamig na hangin na nakapalibot dito. Pwede bang dito nalang ako palagi? Ang sarap sa feeling to be around nature. 

Kinuha ko ang aking phone para tignan ang oras, 11:57PM. Mag-aalas dose na pala, kailangan ko nang umuwi. Napansin ko rin na may mga missed calls at texts na galing kay Trevor.

Trevor: nakauwi ka na? text mo ko kapag nakauwi ka na

Trevor: san ka na?

Trevor: Savannah please reply nag aalala ako

Trevor: kapag hindi ka magreply, babalik ako ng Cypress para hanapin ka

Trevor: please reply :(

His texts were 57 minutes ago. Shit, so papunta na siya dito? Bumangon ako sa bench at dali-daling kinuha ang mga gamit ko. Patayo na ako at akmang tatakbo papunta sa baba nang nakasalubong ko si Trevor. Humihingal siya.

"Ba't nandito ka pa? Kung san-san kita hinanap!" Sigaw niya habang naglalakad patungo sa akin.

"Trevor, sorry. Ngayon ko lang nabasa ang mga text mo. Papunta na sana ako—" Naputol ang sinabi ko nang bigla niya akong niyakap. Hinigpitan pa niya ito at binaon ang kanyang mukha sa leeg ko.

"I was so worried about you." Bulong niya.

Tinapik ko ng mahina ang kanyang likod, "Sorry, hindi ko lang talaga napansin na nagtext ka." Sabi ko at pumakawala na sa yakap. "Sige na, umuwi na tayo."

"Sav, pwedeng umupo muna tayo? Hinihingal pa kasi ako." Sabi niya. Mukhang malayo ang tinakbo niya.

Umupo kami sa bench habang nakaharap sa cityscape. 

"Ba't ambilis mong nakabalik dito? 'Di ba mga 10 na tayo nakalabas ng restaurant?" Tanong ko sa kanya.

"Hinatid ko nalang sila sa may bus station. Meron naman palang malapit dito. Pinasakay ko sila bago ako umalis, pati si Bea, kahit nagsusungit siya." Sabi niya, "Hindi na kasi ako mapakali, hindi ka kasi nagrereply." Dagdag niya sabay tingin sa akin.

"Humiga kasi ako dito kaya hindi ko napansin na nagtext ka pala." Sabi ko sabay tapik sa bench.

"Akala ko ba nakabook ka na ng Grab?"

"Kinancel ko."

"Paano kung hindi kita binalikan dito? Pano ka uuwi?"

"Magbobook ako ulit ng Grab."

"Magbobook ka? Sa oras na 'to? Pano kung nakidnap ka?"

"Ha? Kidnap agad?" Umirap ako sa kanya, "Ang nega mo naman. Nandito ka na nga, 'di ba? 'Wag mo na nga akong pagalitan!"

Napabuntong-hininga nalang siya at hindi na ulit nagtanong. 

"Marunong ka palang kumanta?" Tinanong ko siya para basagin ang katahimikan.

"Hindi na ako kumakanta, nung college lang 'yon." Sagot niya.

"'Di ba dito ka nagtapat sa akin? Naalala mo pa?"

"Ba't mo naman natanong?"

"Wala lang." Sabi ko, "Kasi 'di ba, kung niligawan mo ako noon, maririnig ko sana ang boses mo."

"So ang sinasabi mo, papayagan mo sana akong manligaw noon kung alam mong haharanahan kita?"

"Hindi. Ang sabi ko lang—"

"Eh 'yun naman pala eh, 'wag na nating pag-usapan. Pareho lang naman din ang ending. Babastedin mo din naman ako." Sabi niya. Galit ba siya?

"Galit ka ba?"

"Hindi ah. Sinasabi ko lang." Binaling niya ang tanong sa akin, "Ikaw? Galit ka kanina, noh?"

"Ha? Ako? Hindi ako galit kanina."

"Galit ka eh! Ayaw mo nga akong replayan kahit hawak mo lang ang phone mo."

"Hindi nga ako galit!" Tumayo ako at naglakad, "Uwi na nga tayo!"

"Savannah, ba't ka ba kasi nagagalit, hindi ko naman kasi alam na puno na kina Jelly." Nagsalita si Trevor habang hinahabol ang paglalakad ko pababa.

 "Sino bang may sabi na galit ako? Hindi ako galit!"

"Eh ba't hindi ka tumabi sa akin nung tinawag kita?"

"Pake mo ba?!"

"So galit ka nga?"

"Ewan ko sa'yo, umuwi kang mag-isa!" Sinigawan ko siya at mas mabilis na naglakad. Hinabol niya parin ako. Bakit ba ako nasisiyahan na hinahabol niya parin ako?

Pumasok ako sa unang bar na nakita ko pagbaba. Ewan ko lang kung maabutan pa niya ako. 

"Isang basong beer, please." Umupo ako sa high chair at nag-order ng inumin sa bartender. Kaunti lang ang tao sa loob, hindi ko pa nakitang pumasok si Trevor sa bar. Tiningnan ko ang phone ko baka sakaling nagtext siya. Wala rin. Hindi rin siya tumawag. Umuwi na ba siya? Iniwan niya talaga ako?

Great, just great! Iniwan na ako ng pinakahuling taong masasandalan ko. Kasalanan ko na naman. Okay na rin 'to, I have a reason to get drunk tonight. 

Dumating na ang aking inumin—one full glass of beer. Akmang iinumin ko na sana ang beer nang may humawak sa aking pulso at pinigilan ako.

"Kung san san kita hinanap, nandito ka lang pala! Bilis mong magtago!" Sambit ng lalaking pinigilan akong uminom. It was Trevor, he finally found me.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon