Chapter 1

286 16 2
                                    

Talia POV;

"Talia nak!" agad akong bumangon sa aking hinihigaan at pumunta kung nasaan ang tita jeny.

"Tita ano po nangyari?" nag aalalang tanong ko.

"Nakita ko ba ang pinsan mo? Hindi s'ya nauwi kagabi." akala ko kung ano na.

Malamang tita nando'n 'yon sa jowa n'ya na mukhang tubol.

Pilit akong ngumiti kay tita at sinabing di ko napansin.

"sa'n nanaman kaya nag punta ang batang iyon, di bali nak pwede ba na ikaw na muna mag padala nung mga bulaklak." bukod sa palengke meron si tita na maliit na negosyo at ito na nga yon.

"Ah opo naman." ngumiti ito at kinuha yung mga nasabing bulaklak na ipapadala.

"mag iingat ka, suki natin ito kaya mas mabuti nang maging maganda ang tingin n'ya sa ating negosyo." ngumiti lamang ako at kinuha ang mga bulaklak, ibinigay n'ya narin yung lugar kung saan dadalhin.

Napatingin ako sa bulaklak.

Ang weird kase, sinong tao ang kukuha ng ganitong bulaklak.

Nailing nalang ako at lumabas para pumara ng jeep na masasakyan.

Pinagtitinginan nadin ako ng mga tao dahil sa dala dala ko.

Nakakatakot naman kase talaga ang bulaklak na 'to.

Malayo layo rin bago ako makarating sa lugar.

Hmmm di naman ito bahay parang isa lamang ito sa mga palabas na napapanood ko.

Maliit na opisina.

Nung una ayaw ako papasukin nung guard pero nung nakita n'ya yung bulaklak na dala ko napaatras s'ya at malaya akong pinapasok.

Akala ko maliit lang ang opisina na ito pero nung pumasok ako medyo malaki ito.

Tinignan ko yung papel na hawak ko.

"Ms. Venise D." bigkas ko bago kumatok.

Walang bumukas sa pinto kaya kumatok uli ako.

Napatingin ako sa babaeng nakanganga habang nakatingin sa ginagawa ko.

Umiling ito na sinasabing wag ko ng ituloy ang pag katok.

Napakamot naman ako ng ulo.

Sumenyas ito na buksan ko nalang ang pinto.

Tumango ako at binuksan ang pinto.

Ang weird ng mga tao ngayon.

Wala akong nakitang tao maliban sa babaeng nakatayo habang may kausap sa cellphone.

Di ko kase alam kung tao ba HAHAHAH

"take it or Die" napa atras naman ako sa narinig ko.

Ano daw? May choice ba don?

Nangilabot ako sa boses n'ya parang narinig ko na kung saan yung boses na'yon.

Ibinaba n'ya yung tawag ng di manlang pinakikinggan ang sasabihin ng kabilang linya.

Pano ko nalaman? Obvious naman na may pagka bastos s'ya sa kausap.

Napaatras akong muli ng lumingon ito sa gawi ko.

Parang di manlang s'ya nagulat na may pumasok sa opisina n'ya ng walang paalam.

Lumapit ako at inilapag sa table n'ya yung bulaklak.

Napatingin ako sa mukha ng babae kaharap ko.

Pamilyar kase s'ya parang nakita kona.

Nag lapag s'ya ng pera di ko alam kung mag kano 'yon, pero kung titignan sobra sobra iyon sa halaga ng bulaklak na inilapag ko.

Tumitig s'ya sa'kin na ikinalaki ng mata ko.

Alam kona. Alam kona kung bakit pamilyar ang mukha nya.

S-Siya! Siya yung lapastangang sumira sa paninda ko!!

Sinamaan ko s'ya ng tingin kahit na alam kong walang epekto.

"Ikaw! Sawakas at nakita narin kita. Mag babayad ka!" kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"who are you para sigawan ako?" nag taasan ata baliho ko sa ano ko nang mag salita s'ya.

"Hoy! Pag tapos ng ginawa mo sa akin kakalimutan mo nalang ha?!" napaka sama n'ya.

Kahit di na n'ya ko bayaran mag sorry manlamang s'ya sa ginawa n'ya.

"why? Are you pregnant? At ako ang Ama? Pfft I dont have dick to make you pregnant!" eh? Seryoso s'ya? Wala manlang emosyon? Napaikot nalang ako ng mata.

"mag sorry ka." masama akong nakatingin sa kanya.

"why? Kilala ba kita?" abaa sumosobra na s'ya ah.

"Di mo talaga ako naaalala ano?" tumaas ang kilay n'ya pero wala ka talagang mababakas na emosyon.

Para syang robot na tanga.

"sinasayang mo ang oras ko, kunin mo na ang pera at umalis kana" at babayaran n'ya ko ng sobra? Para ano? Para di s'ya makonsensya.

"Di ko kailangan ng pera mo at ipapaalala ko sayo. Sinira mo paninda ko kaya hilingin mo na di na tayo magkita kundi tutusukin ko mata mo." galit kong bigkas at padabog kong kinuha yung pera.

Alangang iwan ko sayang naman baka magalit pa si tita.

Tinandaan ko yung lugar na ito.

Ipag dasal mo nalang Venise na di tayo magkita hmp.

Yung pangalan nakita ko lang sa table n'ya kanina kaya nalaman ko.

Baka may isipin kayo na iba eh.

Umuwi nako na mainit ang ulo.

Pag kauwi agad na ngumiti si tita.

At inabot sa kanya yung bayad.

Nung inabot ko yung pera ngumiti ito akala mo ay expected na n'ya na ganon yung ibibigay na bayad sa kanya.

Napatigil naman ako.

Oo nga noh?

"tita sobra po yung pera na binayad nung babaita" bagay naman sa kanya ang word na babaita.

"ah Oo, galante talaga iyong si Ms. Venise." so ibig sabihin di n'ya naalala yung pinsalang ginawa n'ya sa'kin?

Di nga nag sorry akala ko pa naman bayad nya iyon sa ginawa n'ya pero mukhang wala syang plano.

Napaka kapal talaga ng mukha n'ya.

"mama!" biglang dumating ang ipokrita kong pinsan.

"Anak bakit?"

" kailangan ko ng bagong shoes, tignan mo ma oh sira na." napaikot nalang ako ng mata.






LIFELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon