Talia
Kanina pa ako naiilang sa paraang pagtitig sa akin ni Venise.
Kanina pa n'ya pinapasadahan ang buo kong katawan.
Pulang pula na siguro ang mukha ko.
"siguro lahat naman ng isuot ko sa'yo ay babagay." wala sa buhay nitong bigkas.
May kung ano itong kinuha at bumalik rin.
"what do you think? Ang ganda diba? Bigay ito ng mama ko no'ng bata palang ako ang sabi n'ya pag malaki na ako isuot ko." nag taka naman ako.
Eh bakit n'ya ipapasuot sa akin kung bigay pala sa kaniya ng mama n'ya?
"bagay sa'yo 'to. Isukat mo bilis!" mas excited pa ata s'ya sa magsusuot.
"w-wait? B-bakit mo ipapasuot sa akin iyan? Sa'yo binigay iyan diba?" napaka kamot ako sa ulo.
"asawa na kita kaya gusto kong makita ang damit na 'yan na suot mo." napasimangot ako.
Baka kasi magalit ang mama n'ya kung ako ang susuot.
Wala rin akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi n'ya.
Pinag masdan ko ang sarili ko.
Kulay asul ito at hanggang tuhod ang haba.
Ordinaryong dress ito pero parang pinasadyang iburda ang titik na nasa kanang bahagi ng kwelyo.
D.
Iyon ang nakalagay.
Huminga ako ng malalim at naglakad pabalik muli sa pwesto n'ya.
Nang makita n'ya ako ay pinag masdan n'ya kabuoan ko.
Isang ngiti ang lumabas sa mga labi n'ya na gusto kong makita lagi.
Hindi ito ang ngiting karaniwan n'yang ibinibigay kung kani kanino.
Maswerte ka Talia
Maswerte din naman s'ya sa akin ah? Ang ganda ganda ko kaya.
"kaya mo na siguro ayusin 'yang buhok mo." tumalikod ito para lumabas ng silid.
"e-eh sandali! Wag kana umalis saglit lang 'to, sabay na tayo bumaba pagkatapos heheh." ang totoo n'yan kinakabahan ako dahil nasa babang palapag lamang ng mansiyong ito ang lolo n'ya.
Dumating ito mga tanghali, buti nalang at naka takbo ako. Grabe 'yung kaba ko. Hindi ko pa man nakikita ang lolo n'ya pakiramdam ko nag uunahan ang bilis ang tibok ng puso ko.
"wag kana tumunganga riyan mag umpisa kana. Nangangawit na ako." napasimangot ako at sinimulang mag suklay.
Hindi ko itinali ang buhok ko, nag lagay lang ako clip sa gilid ng buhok ko.
Mas babagay kasi sa suot ko ang nakalugay.
"you look.. Better" nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.
Di ko alam kung saan n'ya ako dadalhin pero ng matauhan ako.
Agad kong hinila ang kamay ko dahilan para mapatigil din ito sa paglalakad.
"why?" umiwas ako ng tingin.
"k-kinakabahan ako" ngumiti ito na akala mo ay wala dapat akong ikabahala.
Sa di malamang dahilan napaniwala n'ya ako, kahit papaano ay nawala ang kaba ko.
Huminga ako ng malalim sinimulang maglakad kasama n'ya.
Sana maging maganda ang una naming pagkikita.
_
Venise