Chapter 11

243 15 5
                                    

Talia

Natawa nalang ako sa sarili.

Seriously Talia? Nagawa mo pang tumawa after nung nangyari kagabi?

Diba dapat layuan mo na s'ya?

Pero kabaliktaran lahat ng kinikilos ko.

"T-Talia" ito ang unang beses na mautal s'ya sa harap ko.

Napatingin ako sa mata n'ya.

Wala naro'n 'yung lamig at ngiti puro lungkot 'yon. Pero agad din nawala 'yung emosyon na 'yon.

Sinusubukan kong hanapin ang mga emosyon sa mata n'ya pero magaling s'ya mag tago.

Pilit nalang akong ngumiti sa kaniya.

"Bakit?" huminga muna s'ya ng malalim bago sumeryoso.

"tungkol kagabi.. m-maiintindihan ko ang desisyon mo." alam ko kung ano ang gusto n'yang sabihin pero ngumiti nalang ako.

Ayokong lalo s'yang malungkot.

Sa ilang araw kong pananatili dito alam kong mahirap para sa kaniya ang mag isa.

Nahihirapan s'ya pero di mo s'ya makikitaan ng kahinaan.

"kumain kana nga lang kung ano ano ang sinasabi mo." pilit kong iniiba ang usapan.

"di mo kailangan gawin 'to." nag iwas ito ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako.

"pag umalis ba 'ko? Sa tingin mo ok na? Malalayo na 'ko sa panganib?" nag tama ang mga mata namin.

Umiling ito.

Ngumiti ako.

"hindi naman ako galit sa'yo at lalong hindi kita sinisisi sa nangyari." nag simula na akong kumain.

Pero ang totoo natakot talaga ako, pero nung dumating s'ya pakiramdam ko ligtas ako.

"isa pa? Ililigtas mo naman ako eh diba?" napapapikit ito ng mariin.

Nag bibiro lang ako pero di ko alam na seseryosohin n'ya.

"hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako Talia! A-ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin. Ayokong makitang sinasaktan ka." natahimik ako sa sinabi n'ya.

May kung anong humaplos sa puso ko.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil kahit papaano ay mahalaga ako sa kaniya.

Ngumiti ako, sa nalaman ko atlis napatunayan kong may halaga ako sa kaniya kahit sa papel lang kami mag asawa.

"ayaw mo bang nandito ako? Kaya pinapaalis mo ako?" nag panggap akong nasasaktan.

"N-No g-gusto kong nandito ka.. D-Di kita pinapaalis," napalunok ito at nag iwas ng tingin. "huwag mo akong tignan ng ganiyan!" natawa naman ako sa naging reaksyon n'ya.

"hayaan mo na ako dito isa pa asawa mo ako diba?" naka ngising pang aasar ko.

Oh ano ka ngayon? Hahahaha.

Nawala ang ngisi ko ng ngumiti ito.

"so tanggap mo ng asawa kita?" ako naman ang natahimik.

Napalunok ako habang sinusubukang maging normal ang tibok ng puso ko.

"k-kumain ka nalang n-nga!" halos mabulunan ako sa bilis ng pag subo ko.

"you know what? Di ka naman pala gano'n ka pangit?" medyo naasar ako sa sinabi n'ya.

Parang di pa s'ya sigurado ah!

"maganda kasi ako!" inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, medyo na hirapan ako dahil mas matangkad s'ya sa akin. "oh ayan mas malapit." ngumisi ako dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon