Venise
Di ko ako makapaniwala sa babaeng ito.
Babae ba ito? Kung makapag salita ay daig pa ang manok.
Buti nalang at natahimik na s'ya di n'ya ata kilala ang kaharap n'ya ngayon.
Itinigil ko ang sasakyan sa tapat mismo ng building na pag-aari ko.
Bumaba ako nang sasakyan nangunot noo naman akong napatingin sa babae na ngayon di parin bumababa ng sasakyan.
Is she expecting na pagbubuksan ko s'ya ng sasakyan? Napailing nalang ako mabilis na binuksan ang sasakyan.
Ngumiti naman ito na mapang asar.
Walang buhay ko lang itong tinignan at naglakad papasok sa kumpanya ko.
Napa kagat nalang ako nang labi sa pagpipigil ko sa babaeng ito.
Wala ba s'yang balak na maglakad at natuod na lamang s'ya sa kinatatayuan n'ya?
How dare she para ganituhin ako.
Inis na bumalik ako sa kinaroroonan n'ya, pinanatili ko na wag mag pakita ng pagkainis sa kaniya.
Baka isipin n'ya pang apektado ako sa pang iinis n'ya.
"wala ka bang mga paa para mag lakad?" napaikot naman ang mata nito.
"Hello? Una di kita kilala! Pangalawa ikaw ang may atraso sa akin, kaya bakit ako susunod sa'yo?" may halong inis sa boses nito.
"well sooner or later makikilala mo na ako, kaya wag kana mag himutok diyan maglakad kana kung hindi ako mismo magdadala sa'yo sa loob." wow ito na ata ang pinaka mahabang nasabi ko ngayong araw tsk.
Ngumiti ito para ata asarin ako na naging epektibo naman.
This girl ano bang nakain ko at sa kaniya ko nakita ang wala sa ibang babae.
Marami namang babae bakit ito pa? Well wala akong choice.
May kung anong pumasok sa isip ko at napangisi ako.
Mukhang natakot ito dahil napa atras.
Dahan dahan ako lumapit dito para buhatin, pero bago 'yon ay agad itong nagtitili.
Fuck ano bang klasing bunganga ang mayroon ang taong ito.
"i-ito n-na s-susunod na wag ka l-lalapit!" tsk madali naman palang kausap pinahirapan pa ako.
Tumalikod na ako para pumasok sa loob.
Ramdam ko naman sumunod ito sa akin.
Good girl
Walang alin langan naman akong pinapasok ng mga guard.
They know me ayoko sa mababagal.
Ramdam ko naman ang pag likot ng mata ng babaeng nasa likuran ko.
"s-sayo ba ito l-lahat?" tanong n'ya habang nakatingin sa paligid.
Di ako sumagot hinayaan ko s'ya na humanga sa paligid n'ya.
Agad akong pumasok sa elevator naka sunod parin ito.
Habang pa-angat ang elevator malaya akong pag masdan s'ya dahil nakatalikod ito sa akin.
Maganda naman s'ya pero di ko s'ya type.
I don't know pero may kung anong pumasok sa isip ko at s'ya ang napili ko.
Nung una ko s'yang nakita akala ko isa s'ya sa mga babaeng may something sa akin at di ko maalala.
Pero nung nakita ko yung galit sa mata n'ya nung oras na 'yon doon ko nalaman na di s'ya katulad ng mga babaeng nakama ko.
May something sa akin na gusto s'yang makilala.
Naudlot ang pag iisip ko, na maramdaman ko na may sumusundot sa pisngi ko.
Sinamaan ko s'ya nang tingin pero di ako nagsalita diretso akong lumabas naka sunod lamang ito.
Sinalubong ako ng isa kong secretary.
Pero di ko ito pinansin at diretso lang naglakad.
"ang sungit mo naman. Halatang may gusto sa'yo yung tao pero di mo manlang tinap-" I cut her drama's.
"then go talk to her and leave."
"H-Hoy pagka tapos mo akong isama rito papaalisin mo ako?" may inis sa boses nito.
"I'm just kidding" plain kong sagot.
Napa face palm itong nakatingin sa akin.
What?
"joke 'yon? Tawa na ako?" nag kibit balikat ako.
Umupo ako sa couch.
Napa taas ang kilay ko nang hindi manlang ito umupo.
"sit" agad naman itong sumunod.
Good girl
"ano ba pag uusapan natin? Babayaran mo naba ako?" until now yung bayad padin iniisip n'ya? Tsk.
Umiling ako.
No! Bakit ko sasabihin? Baka di s'ya pumayag.
Kinuha ko yung mga pipirmahan n'ya.
Napatingin naman ito sa akin na nag tataka.
"sign those papers then you can have your money." nangunot naman ang noo nito.
"ano ba iyan?" At bakit ko sasabihin?
"pera na ang lumalapit sa'yo tatanggihan mo pa." napaikot naman ang mata nito.
Kinuha n'ya sa akin yung panulat.
Babasahin n'ya pa sana ito pero agad akong nagsalita.
"no need to read, di naman mahalaga 'yan kailangan mo lang pumirma para mapa ayos ko ang mga nasira ko." well pag pinirmahan naman n'ya gagawin ko parin naman dahil tumutupad naman ako sa mga sinasabi ko.
"weeh?" pag dududa nito.
"yep" chill kong sagot mukhang napaniwala ko naman s'ya.
Agad itong pumirma.
"bakit parang andaming pipirmahan? Magkano lang naman utang mo andami mo pang pakulo tsk." napangiti ako.
Agad ko ding inalis ang mga ngiting 'yon.
Wtf? Ngumiti ako? Oh mali di ako ngumiti at never ako ngingiti sa babaeng ito.
"oh ayan tapos na!" kinuha ko yung mga papeles na pinirmahan n'ya.
Tumango ako.
"you may go!" sinamaan ako ng tingin nito.
"ano? Asan yung bayad?"
"ipapahatid nalang kita ayokong mapahamak ang asawa ko." naka ngisi ako habang nakatingin sa kaniya.
Naka nganga itong nakatingin sa akin at di pa ata nag s-sink in sa kaniya ang sinabi ko.
It's a marriage contract.
S'ya yung babaeng napili ko at alam kong mapagkakatiwalaan ko.
Unang kita ko palang sa kaniya alam kong matutulungan n'ya ako di naman ako nagkamali.
"A-Anong s-sinabi mo?"
"asawa ko" pag ulit ko.
Pumikit ito at dumilat uli.
"i-inaantok l-lang ata ako, k-kulang lang ako sa t-tulog. T-Tama!" napa buntong hininga ako.
"sa bayad don't worry ako na pupunta doon bukas ipapa ayos ko lahat." alam kong masiyado kong inabuso ang pag kakataong ito.
Pero wag s'ya mag alala di s'ya lugi sa ganda kong ito.