Chapter 9

119 11 1
                                    

Talia

Di ko inakala na gano'n ang mangyayari.

Halos di ako kanina makahinga habang naka pukol sa akin ang tingin ni lolo.

Pero ang gaan sa pakiramdam dahil tanggap ako nito, hindi kagaya sa mga napapanood ko na pag mahirap ka ay ilalayo ka nung pamilya sa mahal mo.

Sabagay sa pelikula lang naman 'yon.

Napatingin akong muli sa mga inabot kanina sa akin ni Venise.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa kwartong tinutuluyan ko para itabi ang credit card.

Hindi ko naman pinag hirapan iyon, kaya bakit ko gagastusin? Isa pa ay may ipon naman ako.

Yung kinuha ko lang ay 'yung cellphone para may magamit ako.

Nag bihis lang ako saglit at bumalik narin sa baba.

Pupuntahan ko si tita gusto kong humingi ng tawad. Kahit pinag bintangan n'ya ako, s'ya parin ang nagpalaki sa akin.

Papara na dapat ako ng taxi ng maramdaman kong nag vibrate 'yung cellphone na ibinigay ni Venise.

May isang message do'n kaya agad ko ding binuksan.

Hindi ako makakauwi.
-venise

Kung gano'n mag isa ako dito mamaya?

Sa di malamang dahilan nakaramdam ako ng lungkot? Hindi ko alam.

Sumakay na ako sa taxi at ibinigay 'yung lugar na pupuntahan ko.

Naalala ko nanaman 'yung ngiti ni Venise.

Bakit dumadalas ang pag tambay n'ya sa isip ko?

Kahit na maliit n'yang galaw ay naaalala ko.

Yung mga ngiti n'ya pakiramdam ko ang hirap makita nun.

Ipinikit ko ang mata ko ilang beses inisip 'yung mga ngiti n'ya, di ko maiwasang mapangiti.

Nagising nalang ako sa sarili kong kabaliwan ng mag salita ang driver.

Shit.. Bakit ganito?

Iniling ko ang ulo ko, nababaliw na ako.

Straight parin naman ako diba?

Pumayag lang naman ako sa sinabi n'yang maging asawa n'ya ako dahil..

Dahil saan nga ba?

Napa buntong hininga nalang ako.

"ma'am? Ayos ka lang?" tumango ako at nag bayad bago bumaba.

Epal ka talaga Venise mas'yado mong ini-enjoy ang pag tambay sa isip ko. Kainis!

Nag lakad nalang ako papasok sa maliit na eskinita.

"mylabss!" agad akong napalingon sa tumawag sa akin.

Ito nanaman s'ya.

Akala ko ay masisindak s'ya kay Venise tsk.

"bakit nanaman ba Pony?" ngumiti ito.

"ang tagal mong nawala namiss kita!" akma itong yayakap kaya agad akong umiwas.

Hindi sa ayoko sa kaniya pero kung magpapakita ako ng motibo baka umasa lang s'ya.

"pinalayas ako" simpleng sagot ko at deretsong nag lakad uli.

"Ano?! Paano nagawa 'yun ni tita? Eh parang imposible." nag iisip ito habang sumasabay sa pag lakad ko.

"pero nangyari na nga" inis kong tinapunan ito ng tingin.

Ayoko kasi ng pagiging makulit n'ya. Di ba halata na ayaw ko sa kaniya?

LIFELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon