Chapter 1

52 9 0
                                    

-Kalista-

"Trabaho ka naman ng trabaho, di naman namin aagawin sa iyo itong kompanya" Napatingin sya sa nagsasalita habang sya ay nakaharap na kanyang laptop. 

Nakita nya ang kuya nya na si Kairos. Nginitian sya nito pero sinimangutan nya.

"Pake mo na kuya" Sabi nya.

 Agad naman tumawa ang kuya nya. Lagi syang inaasar ng mga kapatid nya dahil sya lamang ang nagiisang baabe sa kanilang magkakapatid. Apat silang magkakapatid. Ang panganay nila ay si Kairos, sumunod ay si Keith, at si Kenji. 

"Joke lang, hapon na oh, tama na yan, uwi na tayo ng maaga" Sabi ng kanyang kuya sa kanya.

"Madami pa akong kailangan tapusin kuya, ano na naman bang ginagawa mo dito?"

Tanong nya dito. Ngumiti lang ito at alam nya kung saan na naman sya nito dadalhin. Pinatay nya ang kanyang laptop at inayos ang bag nya. Pagtapos nyang mag ayos ng gamit ay binato nya sa kuya nya ang bag nya. Nagulat ito pero sya ay tawang tawa.

"Dalin mo yan! Ampanget mo kuya!" sabi nya habang papalabas sya ng pinto. Naglalakad sya ng naramdaman nyang umakbay sa kanya ag kanyang kuya. Inamoy nito ang kanyang buhok 

"Ambaho mo naliligo ka ba?" Sabay tawa nito. Siniko naman nya ito sa tyan "

Hahaha! Kaya ayoko ng mga Architect eh! Di naliligo!" Sabi ito. 

Papasakay na sila ng elevator ng sisikuhin na nya ito pero may babaeng sasakay sana pero nakita sya nito pati ang kuya nya pero hindi ito sumakay. 

"Sasakay ka?" Tanong nya dito. Empleyado nya ito. Mahina sya sa memorya ng mga pangalan kaya hindi nya masabi ang pangalan nya. Tumingin ito sa kuya nya at nagiwas ng tingin 

"Maam sorry po may nakalimutan po ako" Sabi nito at tumakbo. Tinignan nya ang kuya nya na nakapasok na sa elevator pero nagtetext lamang ito. 

Dinala sya ng kuya nya sa isang restaurant. May ipapagawa na naman sakanya ito. Lahat ng kuya nya ay ganito ang ginagawa sa kanya. "Alam mo na kung kelan ka pupunta sa table namin diba?" Tanong nito. Bumuntong hininga naman sya at tumango.

Maka ilang segundo pa ay nakita nya ang isang babae na papalapit sa kuya nya "Kai, gusto ko sanang sabihin na may guto ako sayo" Sabi ng babae. 

Naawa nalang sya dahil sira ulo ang lahat ng kuya nya. Tumayo sya at lumapit sa lamesa kung asan ang kuya nya "Excuse me! Who is she?" Arte nya habang nakatingin sa kuya nya "Who the hell are you? Di mo ba alam na may girlfriend na sya?" 

Naawa sya sa babae pero papagalitan sya ng kuya nya kapag di nya ito ginawa. "Aalis ka dito? o ibubuhos ko sa iyo itong tubig" Hinawakan nya ang tubig na nakita nya sa kabilang lamesa. TUmakbo naman palayo ang babae na takot na takot.

"Kuya ano ba! Lagi nyo nalang ginawa yan sakin" Sabi nya habang papalabas sila ng kuya nya sa restaurant na iyon. 

"Pag ako binugbog ng mga babae na yan. Kada linggo salit salitan kayo eh no" Sigaw nya dito. "Susumbong ko kayo kay mami" Sabi nya habang papasok sya sa sasakyan ng kuya nya. 

"Ang kulit kasi nun" Sabi nito. Napabuntong hininga na lamang sya at natulog sa sasakyan dahil pagod na pagod sya. Tatlong araw na syang hindi umuuwi sa bahay nila dahil mayroon syang kailangan tapusin. Pinagawaan din nya ng liguan ang kanyang opisina.

-Orpheus-

"Excuse me! Who is she?" Napatingin sya sa babaeng nagsasalita. Kaharap nito ang isa pang babae. Tinitigan nya itong mabuti. Si Kalista. Nagulat sya dahil iba na ang itsura nito. Mas lalo itong gumanda. Ang huling kita nya dito ay noong high school pa lang sila dahil schoolmate nya ito. 

"Who the hell are you? Di mo ba alam na may girlfriend na sya?" Napatingin sya muli dito. Tinignan nya nag kasama nito si Kai ang kuya nya. 

"Kilala mo sila?" Napatingin sya sa kasama nyang babae. Si Melody. Ito ang pinadala ng kuya nya para maging girlfriend nya. Hindi nya ito pinansin. Ayaw nyang makipagusap wala ayaw nyang magkaroon ng girlfriend dahil sakit sa ulo lamang ang mga ito, hindi sya makapag focus sa game nya kung mayroon syang girlfriend. "Hey" Sabi ng kausap nya.

Tinignan nya ito "You know, yung kuya ko lang talaga ang gusto na mag meet tayo cause he thinks that Im too old and I have to settle down, but that wont happen so please just enjoy your meal and after that ihahatid na kita sa inyo at wag na natin kausapin ang isat isa" Nakita nyang nagulat ito sa sinabi nya. Niyukom nito ang mga palad nito. Kumuha ito ng tubig at ibinuhos sa kanya 

"Ampanget ng ugali mo! Yuck! Basketball player my ass!" Sabi nito at umalis.

Napatingin naman sya sa paligid nya kung may nakakita nito pero wala dahil mas kaagaw agaw pansin ang ginagawa ni Kallista at ng Kuya nya na si Kai. Napangiti sya.Kung sana ay meron din syang kapatid na babae ay uutusan din nya itong gawin sa lahat ng babaeng makaka date nya. Pero wala hindi siya makakapalag dahil utang nya sa mga kuya nya ang pagpayag ng magulang nya sa pagiging basketball player nya.

Binayaran nya ang bill nya at nagpunta sa parking lot sumakay sya sa sasakyan nya. Nakita nya ulit si Kallista na nakikipagusap sa kuya nya. Nakasimangot ito. Hindi nya namalayan na nakita nya muli ito ang babaeng napakasungit at napakataray sa lahat ng tao. 

Napangiti sya ng nakita nya itong lumukot ang muka "She's always cute when she's doing that expression" Napahinto sya ng pag sasalita ng marealize nya kung ano ang pinagsasabi nya. Nakita nyang nagring ang phone nya kuya nya ang tumatawag alam na nya kung bakit ito tumawatawag marahil ay nakarating na ang balita dito sa ginawa nya kanina. 

Hindi nya sinagot ang tawag dahil alam nya ang sasabihin nito. Kahit umuwi sya sa condo nya ay alam nyang bubugbugin sya nito kaya nagpasya sayang umuwi ng lang sa kanilang bahay para andun ang kanyang nanay para pumigil dito. 

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon