Chapter 4

18 9 0
                                    

-Orpheus-

"Orpheus" Tawag sa kanya ng kaibigan nya. Asa bar sila ngayon at nagiinom. Kinuha nya ang inumin na binigay sa kanya ni Jiro. Ang isa sa kaibigan nya na team mate din nya. 

"Tangina andito na naman si Thea mamaya. Ang ingay ingay ng bunganga ng girlfriend mo kuya." Natawa sila sa sinabi ni Michael ang kapatid ni Mati. 

Nagulat sila ng biglang umaray si Michael. Napatingin sila sa likod nito at nakita nila si Thea na pinalo ng bag si Michael. "Bastos kang bata ka ha" Sabi ni Thea at naglakad papalapit sa kanila ni Mati. TInignan sya nito hindi pa sila nagusap simula nung sinabihan sya nitong bobo sa bahay ni Kallista. 

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Nagilabot sya sa mga ngiti nito dahil kilala nya na si Thea. Kapag may ngiti ito ay may gagawin ito o kaya may nagawa na itong hindi nya magugustuhan. 

"May surprise ako sayo Orphy. Antayin mo lang." Umupo ito sa pagitan nila ni Mati.

Tinitigan nya lang ito. Sumasakit ang ulo nya. Pinikit nya ang kanyang mga mata habang umiinom ng alak. Pagkadilat nya ay nakita nya si Kallista. Nabilaukan sya sa iniinom nya 

"Gift ko sayo. Ay gift ko nga ba" narinig nyan gbulong ni Thea. 

"Dito ka Kalli"  Tawag ni Thea kay Kallista. 

Ngayon nya lang nakita na ganyan si Kallista naka itim ito at nakapalda na hapit na hapit sa kanya. Nakalugay din ang napakahaba nyang buhok. Lagi kasi itong nakapusod ng buhok. Pula ang kulay ng labi nito at naka heels din. 

"Dito ka Ate Kalli" Napatingin sya kay Michael nagulat sya bakit kilala nito si Kallista. 

"Hindi" Napatayo sya. Nagulat ang lahat sa pagtayo nya. 

"Dito sya sa tabi ni Thea" Dugtong nya. Napaupo sya at nakahinga sya ng maluwag. 

"Bobo" Rinig nyang sabi ni Thea pero hindi nakatingin sa kanya. Pumagitna si Kallista sa kanila ni Thea.

"Hi Jiro nga pala" Rinig nyang sabi ni Jiro. Tinignan nya sa gilid ng mata nya na kinuha ni Kallista ang kamay nito para makipagkamay at ngumiti. Pero hindi ito nagsasalita ngiti lamang ang sinasagot nito. 

"Ate Kalli may boyfriend ka na? Kanino ba yun.." Bago matapos ni Michael ang sasabihin nya ay sumigaw si Thea 

"Oh my Gosh!!" Napatingin silang lahat. "Wala lang" Sabi nito. Hinawakan naman ni Mati ang balikat ni Michael na parang sinisenyasan nito ang kapatid nya na tumigil sa pagsasalita. 

Kinuha nya nag alak na asa harap nya nya. Nakita nyang parang hindi iniinom ni Kallista ang alak nito. 

"Hindi ka umiinom?" Tanong nya dito. Tumingin naman ito sa kanya. 

"Malayo kasi sa bahay hindi ko alam kung makakauwi ba ako." Natawa din sya sa sinabi nito. Minsan ay kinakausap ni Michael si Kallista minsan naman ay si Jiro.

Nakikinig lang naman sya sa usapan nila kahit walang mga kwenta ang pinagsasabi ng mga kaibigan nya. "Naalala nyo nung nagpunta tayo kila Orphy tapos tumakbo sya sa labas tapos bumalik kumuha ng pagkaen tapos ang tagal bumalik ulit" Nagulat sya sa sinabi ni Jiro. Napatingin sya kay Kallista na nakatingin din sa kanya. "

Tapos andaming kinuha na pagkaen. Pagbalik ubos na pre" Sabay sabay silang tumawa. Natawa din si Kallista sa kwento. 

"Tara na 12 na pala" Yaya ni Thea "

Bakit uwian na agad?" Maktol naman ni Michael 

"Oo. Uuwi ka na o sisipain kita?" Tanong naman ni Thea sa kanya. 

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon