Chapter 2

30 9 0
                                    


-Orpheus-

Sya ay nag jojogging ng mapahinto sya sa bahay na malapit lang sa bahay nya. Dati rati ay ginagawa lamang ito pero halos kalahating buwan palang ay gawa na agad ito. Nagandahan sya sa desinyo ng bahay dahil ito ay kakaiba sa lahat ng bahay na andun. Wala itong gate. Naka landscape ang bakuran nito. 

"Lilipat na daw dyan yung may ari mamaya eh" napatingin sya sa kanyang kapit bahay na si Maki. Ito ang kateam nya sa basketball na kapit bahay din nya. Matalik nya itong kaibigan. 

"Paano mo naman nalaman yan? Chismoso ka?" Sabi nya dito. Nagsimula na silang tumakbo. Habang tumatakbo sila ay patuloy ang paguusap nila.

"Hindi nakausap ko kasi si Thea, sabi nya ngayon daw lilipat yun. Maganda nga daw eh" Napatawa naman ito. 

"Pero mas maganda si Thea" Dugtong nito. Si Thea ang girlfriend nito na artista, ito ang may ari ng subdivision na tinitirhan nila. 

"Nakalimutan ko nga yung pangalan eh, alam ko kilala yun ni Thea klasmeyt nya daw yun dati. Baka kilala mo din yun." Hinayaan nya lang nga dumaldal ang kanyang kaibigan. Wala syang paki alam sa mga sinasabi nito. Ang kailangan nya ay makahanap ng babaeng mapapangasawa nya para hayaan na syang mag basketball habang buhay ng mga magulang nya.

Nakailang ikot sila ni Mati sa park na kanilang pinag ehersisyuhan. Papauwi na sila ng makakita sila ng sasakyan na papalapit. Sasakyan ito ni Thea. Lumapit ang sasakyan at binaba nito ang salamin. "love!" Bati nito sa kaibigan nya. Lumapit ang kaibigan nya at hinalikan ito.

"Kadiri!" Sabi nya. NArinig naman nyang tumawa ang dalawa. "Tulungan nyo naman ako, ngayon kasi lilipat yung asa tabing bahay, hindi sumipot yung tutulong sa kanya eh" Sabi ni Thea.

Sumakay naman sila. Wala rin naman silang gagawin ngayon dahil walang practice. "Sino ba yun Thea? Kaklase mo daw? Sabi ni Mati?" Nakita nya itong tumingin sa kanya sa rear view mirror. 

"Secret! Surprise!" Tumawa naman ito. Kumunot lamang ang noo nya dahil baliw ito kagaya ng kanyang kasintahan. 

"Bagay nga kayo parehas kayong baliw" Sabi nito. Tumawa naman si Mati sa sinabi nya.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay pero truck pa lamang na ang laman ay gamit ang nandito. Napatingin sila kay Thea dahil nagring ang phone nito "Asan ka na Ka.."  Bago nito sabihin ay lumingon ito sa kanya. 

"Asan ka na bakla?" ulit nito. "Ah okay sige andito na din kame".

Ilang sandali pa ay dumating ang pick up na puti. At bumaba ang isang babaeng hindi nya inaasahan. Nag cecellphone ito habang naglalakad. Si kallista? Napatitig sya dito. 

"Kilala mo ba sya Orphy?" Tumawa si Thea habang sya naman ay nakatulala lang.

-FLASHBACK-

"Orphy" Tawag sa kanya ni Thea. Napatingin sya dito hindi dahil may sa tawag sya nito. Kundi dahil lagi nitong kasama ang babaeng matagal nya nang gusto. Si Kallista. 

Matagal nya na itong gusto pero hindi nya sinasabi kahit kanino dahil maging si Mati ay hindi nya rin sinasabihan. Hindi nila kaklase si Mati dahil sa iba itong eskwelahan ng aaral. 

"Bakit?" Sagot nya dito. "May laro ba kayo mamaya?" Tanong ni Thea. Tinignan nya si Kallista na walang ginawa kundi ang magcellphone lamang. TInigil nito ang pag cecellphone at tumingin sa kanya. 

Nagulat sya dahil ganito lagi ito. Kahit sa loob ng klase ay hindi sya nito pinapansin. Kaya kahit minsan ay hindi nya ito nabiro. Kahit gusto nya. Iniwas ni Kallista ang tingin nito sa kanya. 

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon