Chapter 10

10 1 0
                                    

Orpheus

"Hey nakita mo na ba si Kalli" Tanong sa kanya ni Mati. Napatingin sya dito. Naalala nyang nakita nya si Kallista na may kasamang lalake at anak. Napasimangot sya. "Okay sorry di ko na itatanong si Kalli" Dugtong ni Mati at nag taas ng dalawang kamay.

Patalikod na ito ng tanungin nya ito. "Si Kalli, may pamilya na ba sya?" Nakita nyang napatigil si Mati sa paglalakad. Nag antay pa ito ng ilang minuto bago ito sumagot "Bakit?" Tanong nito. "Bobo ka ba? Ikaw tinatanong ko ako tatanungin mo pabalik" Napatayo sya sa upan na inuupuan nya sa locker room nila. 

Narinig nyang tumawa si Mati. "Sorry na. Chill ka lang." Sabi nito. "Si Thea tanungin mo. Wala akong karapatang sagutin yan. Tara na! Ayoko mag push up ng 100." Sabi nito at umalis. 

Sobrang inis na inis sya dahil sa sagot na ganito ni Matti ay nararamdaman nyang may pamilya na nga ito sa iba. "Pero may nang yari samin dalawagn beses pa" Bulong nya. "Orpheusss!" Rinig nyang sigaw ni Matti. Nagulat sya ng makita nyang tatamaan sya ng bola samuka pero huli na para umiwas.

"Fuck!" Napaupo sya sa sahig naramdaman nyang nag durugo ang ilong nya. Tumayo sya at dumiretso sa locker nya. Nararamdaman nyang may sumusunod sa kanya at alam nyang si Matti yun. Binuksan nya ang locker nya at kumuha ng tuwalya.

"Baliw ka ba?" Tanong sa kanya ni Matti. Tinignan nya lang ito. Binasa nya ang tuwalya at pinunasan ang kanyang ilong. Tinakpan na rin nya ang buong muka nya ng tuwalya. Alam nya kung bakit sya nagkakaganito at alam din nya na ayaw nya ring aminin at tanggapin kung bakit sya nakakaramdam ng ganito. "Pupuntahan ko si Thea sama ka?" Tanong ni Matti sa kanya. Tumango naman sya at nagbihis. 

---

"Hey!" Rinig nyang tawag sa kanila ni Thea. May kasama ito na babae pero nakatalikod ito sa kanila. Unti unti silang lumapit sa table at laking gulat nya ng makita nyang si Kallista ito. Kasama ang anak nya. 

Hindi sya makagalaw. Hindi rin sya makapag salita. Naramdaman nalang nya ang pag bangga sa kanya ni Matti. "Hindi pa kayo naka order bae?" Tanong nito. "Kakarating lang din namin ni Kalli. Naghahanap kasi sya ng school kay Kayden.. Ano Orpheus tatayo ka lang dyan. Dyan ka umupo sa tabi ni Kalli oh." Sabi nito. Nakita nyang nagulat din si Kalli.

Tumayo ito "Dyan ka nalang sa dulo. Kumukuha kasi sila ng baby chair." Sabi nito. Naiiinis sya dahil parang wala lang ang lahat ng nangyari sa kanila. Pinipigilan nya ang sarili nya dahil may bata. "Mommy Im a big boy already I dont wanna sit there." Sabi ng anak nito

Natawa naman si Matti at Thea sa sinabi ng anak ni Kallista. Maging sya ay napangiti rin. "Big boy ka dyan. Sige na ayan ng yung chair. Upo. Tsaka diba sabi ko konti nalang ang english dapat tagalog na." Sabi nito. Nagpout naman ito pero sumunod parin sa nanay nya. Na kamukang kamuka ni Kallista nung bata pa sya. 

Hindi nya alam ang pinaguusapan nilang tatlo tanging naiisip lang nya ay kamukha ito ni Kalli at tama ang hinala nya may bago na itong pamilya. "Ikaw Orpheus pupunta ka?" Rinig nyang tanong ni Thea sa kanya. Napatingin sya sa mga ito. Ayaw nyang mag mukang may iniisip kaya tumango naman sya na lahat ay ikinagulat nila. 

"Mami sya yung nag bigay nung ball sakin diba?" Rinig nilang sabi ng anak ni Kallista. "Yes baby" Rinig nyang sagot ni Kalli. Tinitigan lang sya ng anak ni Kalli. Napakatagal nitong tumitig. "Alis na kame andyan na si James." Npatingin silan lahat sa pinto ng restaurant at andun nga yung James na kasama ni Kalli tuwing makikita nya ito. Marahil ito ang tatay.

Tumayo ito at nag paalam sa kanila. "Ano yung inoohan ko?" Tanong nya. "Mag bibirthday yung anak ni Kalli." Sagot ni Thea na parang wala lang. "Haaa!" Napasigaw sya. Halos ngayon lang nag sink in sa utak nya na anak ito ni Kalli. "Anong haa! haa! ka dyan tinawag na syang mami diba." Sagot sa kanya ni Mati.

"Nag oo ka na na pupunta ka Orpheus dont fail us." Sabi ni Thea. "Sige na may shooting pa ako." Humalik ito kay Matti at umalis. Nakita nyang kumakaen lang si Matti. "Seryoso ka dyan kakaen ka lang?" Tanong niya dito.

Tumingin naman ito sa kanya "Bakit ano bang dapat kong gawin?" Tanong nito sa kanya pero di ito sumagot. Hindi nya rin alam ang isasagot nya. "Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin Orphy?" Tumingin sya dito. "Anong aaminin ko?" Tanong nya ulit. "Kailangan pa ba kitang bugbugin para malaman mo? Hindi mo ba alam na mahal mo si Kallista? o alam mo pero nagtatanga tangahan ka lang sa nararamdaman mo?" Sabi nito at pinunasan ang bibig dahil tapos na ito kumain.

Nakatitig lamang sya dito. "Para ssan pa.. para sann." Mahina nyang bulong pero alam nyang rinig ito ni Matti. "Para sayo pre. Para sayo." Tumingin muli sya kay Matti napakunot ang noo nya. "Once youve accepted the fact that youre inlove with Kallista you will know." Sabi nito. "Pero..." Hindi pa tapos ang sinasabi nya pero muling nagsalita si Matti. "Pwede ba Orpheus college palang tayo mahal mo na si Kalli, the way you look at her, yung mga galawan mo. Hindi ko nga alam kung anong problema mo eh, na hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo sya." Tumingin ito sa kanya at huminga ng malalim. 

At dun nya lang narealize. "i..l..o..ve..ka..li.. fuck!" sabi niya. Nakita nyang natawa ang kaibigan nya. "TInutulungan lang kita, lagi kitang tinutulak pre pero angbigat mo di ko na nakakaya minsan, ngayon tinutulungan ulit kita kasi baka mahuli ka na naman." Sabi nito.

Natawa sya ng mapait at tumingin kay Matti "Bakit hindi pa ba ako huli? Huli na ako Matti matagal na akong huli." Tumingin ito sa kanya. "You know how I got Thea? Naka fixed marriage sya kay Carlos diba. I was supposed to give her up. Pero I trusted myself, narealize kong kaya akong mahalin ni Thea, hindi naman ako sure kung mahal ni Thea si Carlos eh basta ako I will do everything to win her heart. And ofcourse wala pang wedding ring, so pwede pa." Sabi nito sa kanya. 

Tumayo si Matti "SIge na uwi na tayo." Sabi nito. Naglalakd sila sa parking sumakay sila sa kani kanilang mga sasakyan aandar na sana sya ng biglang bumusina si Matti. Binaba nito ang bintana nito maging sya dina y binaba nya ang bintana nya. Lumingon sya kay Matti. "Its your choice pare. Wala pang wedding ring." Sabi nito ng nakangiti at umalis.

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon