Chapter 8

8 0 0
                                    


-Kallista-

Its been more than 3 months. Minsan ay dun sya sa bahay nya natutulog pero minsan naman ay doon sa Condo pero ni isang beses ay hindi nya nakita si Orpheus. Asa bahay sya at nagpapahinga dahil napaka busy nya sa kompanya nya. Narinig nyang tumunog ang cellphone nya. 

Sinagot nya ito "Hey baby" Inaantay nyang sumagot ang anak nya pero iba ang sumagot nito. "Kanina pa kame dito sa airport. Napakainit!" Nakalimutan nya ngayon nya nga pala susunduin ang anak nya sa airport dahil dito na ito mag stay sa Pilipinas kasama nya.

Tumayo sya at mabilisang nag drive papuntang airport. Hindi na din sya nakaligo. Nang makarating sya sa airport ay nakita nya agad ang kanyang anak. "Hey baby" Dali dali itong sumakay sa kanyang sasakyan at hinalikan sya. "Mommy miss na kita" Natawa sya dahil hindi ito sanay magtagalog pero nag aaral ito sa ibang bansa ng salitang tagalog. 

"Ang init naman dito" Sabi ni James. Hinalikan sya nito sa noo at hinawakan ang ulo nya "Ampanget mo" Sabi nito sa kanya. Sinuntok naman nya ito sa tyan. "Namiss mo lang ako eh" Sagot ni kallista sa kanya. "Oo miss na miss kita." Nagulat sya sa sinabi nito. "Namiss ko yung kapangitan mo biruin mo wala akong ibang makita na ganyang muka" Sabi nito at tumawa. 

Sumimangot naman sya at nagpatuloy sa kanyang pag dadrive. Nang makarating sila sa bahay nya ay nakita nya ang anak nya na tulog ito. Hinawakan nya ang ulo nito. "I miss you baby" bulong nya dito at kinarga ito at hinalikan sa ulo. She wanted to cry but she cant. Pinigilan nya ang iyak nya ng naramdaman nyang hinawakan ni James ang ulo nya "Hey its okay. Youre not alone anymore where here na" Sabi nito at niyakap sya.

She smiled at him "Buhatin mo na yung gamit nyo tapos pasok ka na" Tumango naman ito. Papasok na sya sa bahay nya ng makita nya si Orpheus. Nagdidilig ito sa bahay nito. She looked at him. Pagtapos ng tatlong buwan ay ngayon nya nalang ito nakita. She let out a small sigh. Then turned her head away from him as if nothing happened between them. 

Pagkapasok nya sa kwarto nya ay umakyat sya sa taas para ilapag ang anak nya sa kwarto nito. Pagkahiga nya dito ay hinalikan muli nya ito. "The room is so nice. Paano mo naayos to?" Sabi ni James sa kanya. Tinignan nya ito nakasandal ito sa hamba ng pinto. "I know youre an Architect but how did you get your stuff inside" Sabi nito.

Lumapit sya dito "Nagpatulong ako kay kuya" Sabi nya halatang nagulat ito. Nagpunta sila s kusina. Nag order sya ng pag kain para may makain sila Jame kaapg dating nito. "They know?" Tanong ni James "No. Only kuya Keith knows, diba simula palang naman." Sagot nya dito. "O thought every one of them knows." then continued eating. 

"Does he knows?" Napatingin sya sa tingin nito. "No. He doesnt know and he will never know" Sagot nya dito. "Kayden is growing old. He will ask you questions. What will you say?" Tanong na naman nito sa kanya. She looked at him. "I dont know. Its just that its too complicated right now. I dont want him to be in the middle of both of us. My life in Paris is so much different from my life here in the Phillipines. Orp.. Hey bakit ba english tayo ng english nakakairita" Sagot nya tumawa naman ito. 

Tumayo ito pagtapos kumaen "Im gonna wash up. San ba ako matutulog sa kwarto mo?" Nanlaki ang mata nya. SInipa nya ito at tumawa naman ito "Yung mga biro mo mukang tanga. Madaming kwarto dyan pumili ka" Sigaw nya dito at tumawa naman si James. Lagi sya nitong niloloko, alam nyang may gusto si James sa kanya dahil dati pa ito umamin sa kanya pero ito rin mismo ang nagsabi sa kanya na hindi nya itutuloy ang nararamdaman nya dahil sayang ang pagiging magkaibigan nila.

"And please get a house helper. Ayoko kumain ng puro delivery kapag nandito ako" Sabi nito. She just smiled at him. "And by the way I saw him earlier what the fuck! hes living here near you." Sabi nito. Sasagutin nya sana ito pero tumakbo ito paagkyat ng hagdan.

----

Asa mall sila ngayon ng anak nya kasama si James. "Daddy I want that" napatingin sila sa tinuro ng anak nya. It is a picture of Orpheus holding a ball. Nagkatinginan sila. "What do you want?" Tanong ulit ni James "The ball daddy" Sabi nito. 

Habang papasok sila sa bilihan ng bola ay nakita nyang madaming tao at napakaingay. "Maam bawal po pumasok ngayon andito po yung sikat na basketball player" Tinignan nya yung anak nya. "Next time nalang baby, too many people o" Sabi nya sa anak nya pero umiyak ito ng malakas. Binuhat ito ni James. Hinawakan naman nya ang muka ng anak nya "Promise baby next time ha. Listen to mommy" Sabi nito. Tumigil naman ito sa pagiyak. 

Nagulat sya ng tumahimik ang mga tao. Tumingin sya sa likod nya. Her heart stopped. Orpheus is walking towards them. May hawak ito na bola na gusto ng anak nya "Hey buddy. You want this ball?" Sabi nito at ibinigay ang bola sa anak nya. Nagulat sya at hindi sya makapag salita. Orpheus stopped in front of her hes looking at her with so much pain in her eyes. Is it true? is that pain?  Papalayo na ito ng tinawag nya ito "Ill pay for it" Sabi nya.

Lumingon ito sa kanya "Its okay Kalli, Its free. Enjoy your life." Sabi nito at bumalik sa loob. Nakatayo lang sya doon at nakatulala nang maramdaman nyang inakbayan sya ni James. "Lets go home." She looked at James then at Orpheus. "Yeah we better go home" Sabi nya.

Nakita nyang nakapark ang sasakyan ng Kuya Keith nya sa tapat ng bahay nila. Pumasok sila sa loob pero laking gulat nya ng makita nya na lahat ng kuya nya ay asa loob ng bahay niya. "Tito Keith" Sigwa ng anak nya at tumakbo ito sa kuya nya. Niyakap naman nito ang ang anak nya. "I miss you tito. Who are they? Why do they look like you? and mommy?" Sabi nito. 

"Kayden lets go upstairs and play" Sabi ni James. Tumingin naman sa kanya ang anak nya na parang nagtatanong ang mga mata nito hinalikan nya muna ito at sumama kay James.

"Kuya" Hindi pa sya tapos magsalita pero napaupo sya sa sampal ng kuya Kairos nya. "Kuya" Ringi nya tawag ni Keith pero sinuntok din ito ng kuya nya. Tumayo sya at nilapitan si Keith. "Sorry kuya. Im sorry. Please dont hurt Kuya keith." Habang yakap nya si Keith. "Hindi ko alam sino tatawagan ko nun. I told all of you that im in Paris but I never told anyone of you where I lived. Nagising nalang ako sa hospital then I saw kuya keith beside me, i lost my child.." Kahit hindi sya tinatanong ay nagkukwento sya. Alam nya na mainit ang ulo ng panganay nila kaya tinutuloy tuloy lang nya ang kwento nya kahit iyak sya ng iyak. 

"I realize that im pregnant when I was in Paris already thats why i dont want to bother everyone of you. Then one day I was crossing the street I saw a pregnant lady, yung kotse.. yung kotse.." Nanginginig sya dahil naaalala na naman nya ang nangyari. Niyakap sya ni Keith. She didnt even bother looking at Kairos nakayuko amang sya. "Yung kotse babanggain nya yung babae, I know hindi ako si superwoman, pero mas malaki yung tyan nya sakin and i think shes due na. I decided to save her. the car hit me in exchange of her.  Then i woke up in the hospital seeing kuya Keith. Then.. then.. my baby.. my baby died" Napahawak sya sa tyan nya. "Kuya keith told me that Kaydens mother died. The nurse told me that Kaydens mother wanted me to have him. My baby.. my baby" Naalala na naman nya ang anak nya.

Shes exhausted from crying "Who is the father of your baby Kalli" Rinig nyang tanong ng kuya Kenjie nya. Ayaw nya umamin. Tumayo ito at sumigaw "Who is the father?!!" Sigaw nito pero ayaw nya sumagot dahil alam nya ang gagawin ng mga ito. They could kill Orpheus. "Alam mo keith?" Sigaw ni Kenjie. Hinila nito ang kwelyo ni Keith. "Alam mo Keith?!!" Susuntukin na sana ito ang isa nyang kuya ng Niyakap nya ang binti nito. "Kuya please dont hurt him. Please kuya"

Lumayo ito sa kanila "Kalli why? Why did you suffered alone? Nagiisa kang babae sa atin. Pero you dont see us as your kuya. Tangina Kalli" Sigaw ni Kai. "My baby.. my baby died.." Hinawakan na naman nya ang tyan nya. "My baby.. my baby.." Ayan lang ang sinasabi nya naalala nya lahat ng sakit na mawalan ng anak. "Kuya my baby.. my baby.." Para syang nababaliw. 

Naramdaman nyang niyakap sya ng Kuya Kai nya. He carried her like a child. "Hey princess dont cry." Sabi nito. Naramdaman nyang inakyat sya nito sa kama nya at hihiga na sana ng niyakap nya ang kuya nya "Kuya.. my baby.. my baby died.." Naramdaman nya ang yakap ng kuya nya. Niyakap nya rin ito ng mahigpit. At umiyak sya ng umiyak. Hindi pa sya nakakaiyak ng ganito katagal dahil sa prisensya nang mga kaptid nya ay gusto nyang bumalik sa pagkabata.

Yung tipong isusumbong nya lahat sa mga kuya nya and they will do everything for her. Hiniga sya ng kuya nya at isa isa itong humalik sa kanyang noo. "Sleep Kalli" Rinig nyang sabi ng kuya Kenjie nya. 

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon