Chapter 5

15 9 0
                                    


-Kallista-

Dinilat nya ang kanyang mata at nasa hindi pamilyar syang bahay. Naramdaman din nyang may naka dantay sa kanya. Tinignan nya ito, hita ito ng isang lalaki. Napaupo sya pero sumakit ang ulo nya. TInignan nya kung sino ito 

"Orpheus?" Pabulong nyang sabi. Nanlaki ang mga mata nya. Hinawakan nya ang ulo nya dahil sumakit na naman ito. 

"Fuck Kallista tanga tanga ka talaga" Wika nya sa sarili. Dahan dahan sya tumayo at kinuha ang mga damit nya. Isinuot nya ito. Nagmamadali syang lumabas ng bahay ni Orpheus dahil baka magising ito. 

Wala syang mukang maihaharap dito. Nahihiya sya. Hindi dapat nang yari ang mga bagay na nangyari sa kanila gabi. Tumatakbo sya. 

"Fuck anong oras na ba" Tinignan nya ang kanyang relo pero wala ito. Naiwan nya ang kanyang relo sa bahay nila Orpheus. Napamura sya ng mahina hindi na nya pwede itong balikan dahil baka magising na naman ito. 

Nakapasok sya sa kanyang bahay. Tumakbo sya sa kanyang silid. "Ansakit ng ari ko" Sigaw nya. Pumunta sya sa kanyang palikuran at sya ay naligo. 

"Tanga ka Kallista" Ayan lang ang sinasabi nya sa kanyang sarili. Hindi nya alam ang gagawin nya. Magkapitbahay sila ni Orpheus. 

-Orpheus-

Nagising sya kinakapa nya ang kanyang katabi pero wala na ito. Napatayo sya sa sahig na kanyang hinihigaan. Hinanap nya si Kallista pero hindi nya ito makita. 

"Tangina!" Sigaw nya. Kasabay ng pagsigaw nya ay pagpasok naman ni Mati "

Tangina mo din magbihis ka nga!" Sigaw nito. Kinuha nya ang mga damit nya na nagkalat sa sahig. 

Habang nagbibihis sya ay kinakausap sya ni Mati "Hindi naman natuloy shooting namin. Nakita namin si Kallista ah galing dito?" Napatingin naman sya dito 

"Tumatakbo sya eh, baka kumakatok yun kanina dito pero di mo napagbuksan ng pinto" Sabi nito. Yumuko ito at may kinuha na relo. "Kanino to pre?" Tanong nito. 

Napatingin sya kinuha nya ito. "Pwede ba tumahimik ka napakaingay mo. Tangina naman!" Sigaw nya, 

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?" Sigaw din sa kanya ni Mati. Nakabihis na sya. Umupo sya sa sofa at sumandal at huminga ng malalim. 

"Fuck bakit? Kallista bakit?" Sigaw nya. Tinitigan lang sya ng kaibigan nya. 

"Aalis na nga ako. Sabi ni Thea bobo ka daw" Sabi nito at umalis. 

Naiwan sya sa safe. Pumikit syang muli. Inaalala nya lahat ng bagay kagabi. "Shes a fucking virgin. Bakit umalis sya? Hindi dapat ganun." Sabi nya. Tumayo sya para maligo. May practice pa sila mamayang gabi. Kailangan nyang magpakondisyon. 

Buong maghapon syang tumambay sa labas ng kanyang bahay pero hindi nya nakita si Kallista na umalis. "Tangina Kallista ano bang palabas to" Wika nya. Nakita nyang lumabas si Mati sa bahay nito. 

"Tara na pre" Yaya nito sa kanya. Kinuha nya ang gamit nya sa loob ng bahay. Ayaw nya magdrive kaya sumabay sya sa sasakyan ni Mati.

Nakarating sila sa gymnasium na kanilang pagpapraktisan. Habang nagbibihis sila ay narinig nyang naguusap si Jiro at Michael. 

"Michael, may number ka ni Kallista? Pahingi naman ako dali" Pagkarinig nito ay sinuntok nya ang locker nya. Nayupi ito. Naiinis sya na iniwan sya ni Kallista, sya ang nakauna dito. Pero iniwan sya nito. 

"One Night Stand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon