Mabait akong anak, at may kompletong pamilya. Sila nanay, tatay, ate at kuya. Masaya kami. Close sa isa't-isa nag-aasaran, kulitan at tawanan.
Pero nang dumating ang isang araw na pumasok ako sa paaralan binully ako dahil sa pangangatawan kong payatot at sa nerdy kong pagkilos. Payat ako, pero maputi. Ewan ko ba kung bakit nerd ang bansag sakin eh di naman ako nagsusuot ng glasses at braces. Sadyang mahilig lang ako magbasa.
Di ito ang unang beses na nabully ako. Sa mga sumunod na araw ganun parin. Tukso dito, tukso doon. Minsan pisikal na nila akong sinasaktan, tinatadyakan at sinusuntok.
Tinanong ko na sila minsan kung bakit ba nila ito ginagawa sakin. Imbes na sagot ang matanggap ko, isang malakas na suntok ang sumalubong sa akin mukha. Wala ganun pa rin-- mahina ako.
"Hoy lampa!" sigaw ng lalaki sa 'di kalayuan. Marahang napabiling sa kanila ang aking tingin. Hay, andiyan na naman sila. Dahan-dahan akong nag-iwas ng tingin at mariing tumakbo.
Malapit ko nang maabot ang gate ng bigla akong natalisod sa sarili kong mga paa. Ang lampa ko talaga. Humahangos akong tumayo at pilit kong hinahabol ang aking hininga. Akmang hahakbang na ang aking kaliwang paa ng maabutan nila ako at palibutan. Isang malakas na tadyak sa tiyan ang aking natanggap. Nagsimula na silang magtawanan.
"Wala naman akong ginagawa sa inyo? Ba't niyo ba ako pinagdidiskitahan?" Hinang-hinang sagot ko habang nakaluhod at hawak-hawak ang masakit na tiyan dahil sa tadyak.
"Wala lang! Trip ka namin eh, Lampa ka kasi!" Sabay tadyak ulit sakin dahilan para mapadaing ako sa sakit.
Ba't ganun? Lagi nalang ako ang lampa. Di ako lumalaban kasi alam ko naman na kahit lumaban ako, talo parin ako sa huli. Hindi kaya ng katawan ko ang apat na lalaki. Mabuti sana kong mga bata lang 'to eh hindi. Mas malaki ng konti ang katawan nila sakin.
Lumipas ang ilang minuto ay umalis narin silang nagtatawanan habang ako'y nakaluhod. Walang magawa. Lampa. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit naalala ko ang palaging sabi ni mama
"Ang taong may galit sa puso, ay tatandang pangit paglaki"
Natawa nalang ako ng mahina ng maalala ko ang paalala ni nanay. Kaya huminga ako ng malalim at tumayo at ininda ang sakit.
Magsasawa rin sila kaka-bully sakin tsaka ilang buwan nalang graduate na ako ng highschool. Kaya sa halip na magtanim ng galit ay iisipin ko nalang ang magagandang pagkakataon ko sa buhay. Ang makapag-aral ng kolehiyo at makapag-tapos para matulungan ko aking pamilya.
Umuwi akong gusgusin dahil sa marumi at gusot-gusot kong uniporme. Nang makapasok ay naabutan ko sila mama at papa na nag-uusap. Mukhang seryoso ata pinag-uusapan nila. Wala parin sila ate at kuya, baka may klase pa sila. Parehas kasi silang nasa kolehiyo. Si kuya Ron 3rd year college habang si ate Reign naman 2nd year.
"Ma, pa, mano po" sabi ko nag-mano. Nagulat ata sila sa presensiya at bahaya pang nanlaki ang mata ni nanay. Pero unti-unti rin silang nakabawi at ngumiti.
"Ba't ang dungis mo Rick" nagaalalang tanong ni inay.
"Ah, wala po. Nadapa--" naputol ang pagsasalita ko ng sumabat si papa.
"Magsabi ka ng totoo Rick, binully kananaman ba?" Mariing tanong ni papa. Alam nilang binubully ako kasi minsan narin nakita ni papa ang pangbu-bully sakin noon.
Dahan-dahan akong tumango dahilan para magngit-ngit sa galit si papa.
"Rick! Sabihin mo ang mga pangalan nila ng makatikim sila sakin! Sumusobra na sila!" Galit na saad ni papa at dali-dali naman na pinakalma ni mama si papa
"Ano ka ba Greg! Wag mo na patulan baka lumaki pa ang problema" pag-alo ni mama
"Hindi Pia! Sumusobra na sila!" Inis na sabi ni papa
Kaya mabilis kong inakbayan si papa
"Pa, tama si mama. Baka lumaki pa yung problema, bahala ka ikaw rin! Di ba pa?-- ang pusong may galit tatandang pangit, gusto niyo ba yun?" Sabi ko kay papa
Marahang tumawa si mama at umiling naman si papa
"Tama ang anak mo Greg, hayaan mo na. Malakas kaya 'tong anak mo! Nagmana yata yan sayo" dagdag ni mama
Napabuntong hininga nalamang si papa
"O'siya, sige. Basta last nato Rick ha? Pag ito naulit uli, lumaban kana! Bahala na kung mapatawag ako sa school niyo atleast naipaglaban mo sarili mo. Basta pag alam mong wala kang ginawang masama at tingin mo'y tama ka, ipaglaban mo. Nagkakaunawaan ba tayo?" Mahabang lintanya ni papa.
"Opo tay! Malakas kaya 'to" sabi ko sabay pakita ng payat kong braso at tinapik-tapik na parang meron imaginary muscle.
"HAHAHA" pagtawa nila
Habang tumatawa naka-uwi na pala si ate Reign kasabay si kuya Ron
YOU ARE READING
I am RAMPAGE
FantasyLahat ng tao umaabot sa punto na kailangan mong magalit para di maabuso Pero 'di ko akalaing aabot rin sa punto na magkakaroon ako nang kakaibang abilidad. At kailangan kong pumasok sa paaralan kung saan kailangan ko itong hasaain at makontrol. Mala...