CHAPTER 6

2 1 3
                                    

RICK'S POV

"I choosed you as my  holder... I gave you my power and affinity on fire. Show me how can you handle this gift of mine. You are now called the spiriter of revenge."

Napamulat ako ng mata dahil sa napakalamig at napakakalalim na boses na bumulong sa tenga ko. Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa narinig kong boses na animo'y nanggaling pa sa pinakaibuturan ng lupa.

Ang familiar ng boses na 'yon. Saan ko ba ito narinigNanaginip lang ata ako at kung ano-ano na ang naririnig ko.

Muli kong pinikit ang aking mata at iniisip na wala lang 'yon. Napabukas ulit ang aking mata at kinurot ko ng malakas ang aking sarili.

"ARAY!" Mahinang daing ko.

Masakit punyemas. Wait, ano? Masakit? Hindi ako nanaginip?

Sinipat ng mata ko ang kabuaan ng lugar. Nagtataka saang lugar ito.

Asaan ba ako?

Napaupo ako sa higaan ng mapagtantong na sa bahay ako. Nasa kwarto ako nila mama.

Pano ako napunta sa bahay?  Kanina lang na school ako, tama? Di ba nagalit ako kay Eric dahil sa mga nilagay niya sa bulletin board at sa huli ako ang nabugbog?

Napangiwi ako ng kumirot ang mga pasang natanggap ko mula kay Eric.

Anong nangyari pagkatapos? Pano ako nakauwi?

Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang sumakit ang aking ulo. Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari pero wala akong matandaan kahit isa. Mas lalo lang sumasakit ang aking ulo kapag pinipilit kong alalahanin 'yon.

"Arghhhh!" impit na sigaw ko habang nakahawak pa rin sa aking sentido.

Bat wala akong matandaan sa nangyari pagkatapos?

Huminga ako ng malalim ng medyo nawawala na yung sakit. Dahan-dahan kong minasahe ang aking sentido para maibsan ang kirot.

Napabaling ako sa kaliwa ko, nasa medyo kalayuan pala sila mama at papa. Tila may pinag-uusapan silang importante kasi seryoso ang mga mukha nito. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan masyadong mahina ang mga boses nila.

Umayos ako sa pagkakaupo sa higaan at sinandig ang aking likod sa headboard ng kama. Hindi nila siguro napansin ang biglaang pag-upo ko.

Napalingon si mama at nagtama ang aming tingin. Bahagya akong nagulat dahil nagiba ata ang kulay ng mata niya.

Namalikmata lang ba ako?

"Oh, anak!" napatigil sa pagsasalita si papa at napatingin na rin sa gawi ko. Sumilay ang pag-aalala sa mga mata niya ng makita nagkaroon na ako ng malay.

Tumayo silang pareho at umupo sa magkabilaang side ng kama.

"Kamusta ang nararamdaman mo, anak?" nag-aalalang tanong ni mama.

"May masakit ba sayo?" dagdag ni papa

"Ayos lang po ang pakiramdam ko. Medyo kumikirot lang yung mga pasang natanggap ko hehehe" napaiwas ako ng tingin.

Bigla akong niyakap ni mama at hinagod niya ang likod ko. Nawala nalang bigla ang kirot nararamdaman ko kanina. I feel safe and secured in her embrace.

"Nag-alala talaga kami ng tatay mo. Akala namin kung napano ka na." bakas sa boses ni mama ang pag-aalala. I don't know what is this but there's soothing sensation in mama's voice that it makes me calm.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I am RAMPAGEWhere stories live. Discover now