CHAPTER 5

15 2 0
                                    

SOMEONE'S POV

Napakahina, a fucking weakling.

Kanina pa ako nakaupo rito sa isang bench, suot ang hoody at cap ko. Mariin kong pinagmamasdan ang lalaking paulit-ulit na pinagsusuntok malapit sa bulletin board. Nasaksihan ko ang buong pangyayari. Magmula nang tumuntong siya sa paaralan at hanggang sa umabot siya sa punto na 'yan na halos mawalan na siya ng malay.

Kawawa, isang mahinang nilalang... Kelan ka ba matututong lumaban at makakayanang ipagtanggol ang sarili mo?

Humalukipkip ako at taimtim na pinagmamasdan ang ngayong basag nitong mukha. Animo'y isa nalang siyang lantang gulay na paulit-ulit na nilamog.

"ASAAN NA ANG TAPANG MO? ILABAS MO IYANG TAPANG MONG DEPUNGAL KA" paulit-ulit na niyugyog ng sumuntok ang ngayong bugbog saradong estudyante.

Tss.. pitiful

Dilat ang mga mata nito pero parang hindi na makaaninag at hindi na makakilala pa. Hindi na ata nito namamalayan ang paligid niya.

Dulot siguro ito ng suntok na natamo niya. Kawawa.

I shook my head, I don't have a time to be wasted for a cripple being beaten up. I stood up and ready myself to leave when I felt a sudden waved of energy, napakalakas nito. Alam kong 'di ito nararamdaman ng ibang estudyante pero ako damang-dama ko. My body shivered from the gist of the energy. Nagwawala ito-- nangangalit na animo'y isang bulkan na sasabog na ano mang oras.

Wala sa sariling napasulyap ako sa kaawa-awang nilalang. Umuusok ang katawan nito parang nagbabaga, lumiliyab. Agad napabitaw ang mga nakahawak rito at nagtatakang tumingin sa napaso nilang kamay.

Hmm, interesting...

Bumalik ako sa pagkakaupo at pinagcross ang aking paa, sinandig ko ang likod ko sa sandalan at pinagmasdan ang sunod na mga tagpo.

Now, you catched my attention. You're not ordinary at all. You've intrigued me..

Sandali lang iyon pero nahagip ng mata ko ang pagpapalit ng kulay ng mga mata nito. Ang kanyang dark brown eyes ay napalitan ng deep ocean blue. Hindi ata napansin ng sumusuntok sa binata ang pandaliang pagpalit ng kulay ng mata nito.

Tumigil na sa pagsuntok ang lalaking nangangalang Eric. Naramdaman na rin siguro nito na napapaso ang kanyang mga kamao. Bahagyang itong lumayo sa binata na isang pitik na lang babagsak na.

Ang kaninang napakalakas na enerhiya ay nawala na lang bigla kasabay ng tuluyang pagsara ng mga talukap ng mata nang binatilyo at pagsalampak nito sa malamig na lupa.

Is that all? Did I put my hopes high? What a waste of time.

Tumalikod na si Eric at naglakad na paalis. Iniwan nito ang nakahundusay na binata sa hallway. People around pitied the cripple. They didn't expect Eric will lose his cool and go to that extent.

Wala sa sariling bumangon mula sa pagkakasalampak ang binata. Napatigil sa paglalakad si Eric at agad na napalingon sa binata. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mga mata nito.

The show must go on, huh?

Dumilat ang mata nito at sumilay ang mapulang mata nito. Nag-unat ito ng katawan. May kakaiba sa kanya mistulang naging ibang tao ang binatilyo.

Another eye color? Interesting...

Napaigtad ang lahat ng tao sa pagbangon ng binata, kasama na si Eric, gulat, pangamba at pagtataka ang nangingibaw sa mga sistema nila.

I felt another waved of energy, it was stronger than the first one. Nakakapanindig balahibo ang lakas nito. Alam ko naramdaman din yung ng ibang estudyante dahil sa sobrang lakas nito. Pinagmasdan ko lang sila.

Now, things are getting exciting. This will be fun HAHAHA.

Humihikab na humakbang papalapit ang binata sa pwesto nila Eric. Napaurong si Eric at ang kasama nito. Huminto ito ng bahagyang makalapit na siya.

"What do you want?!" Eric was gritting his teeth tila hindi nagustuhan nito ang muling pagbangon ng binata. He was clenching his fist hard.

"I've been in a deep slumber for a long time. It's nice to be awake again." ngumiti ito ng nakakalolo na nagdala ng kilabot sa sistema ni Eric.

"I've beaten you into pulp, how come you can still move freely as if nothing happened?" unti-unti na siyang binabalot ng takot ngunit ayaw niya magpatinag dito. He was intimidated by the presense of the cripple.

Acting strong even though you feel intimidated, huh? Tsk, pride...

"Let us say it's magic. A miracle!" tumawa ito ng malakas at agad na tinitigan ng masama si Eric. Ang mga pulang mata nito ay nanlilisik na nakatingin kay Eric. He grins devilishly.

Napalunok ng ilang beses si Eric, namamawis na ang palad niya. Nagtagis ang bagang nito tila hindi gusto ang nararamdaman. He never felt this threatened in his entire life.

Everyone was tense, nangangamba sila na baka pati sila madamay sa gulo. Gusto man nilang umalis sa lugar na iyon may kung anong bagay ang pumipigil sa kanila upang makatakbo palayo.

A sealing spell..

"A-ano pang h-hinihintay niyo sugurin niyo na s-siya!" utos nito sa mga kasama niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ng binata.

Tatlong lalaki ang sabay-sabay na sumugod sa kanya. Susuntukin na sana siya ng bigla nalang siyang naglaho.

May biglang bolang apoy ang lumipad at tumama sa tatlo. Bulugta ang mga ito habang umuusok ang mga katawan. Sunog.

"Too slow," tumabi ito sa tatlong nakabuglagta habang umusok ang mga palad. He was smirking. He was having fun.

"I thought they will last long. I've put my hopes high..." tumawa siya ng nakakapangilabot. Nagsimula ng magpanic ang tao kaso napako na sila sa mga pwesto nila. May umikot na malaking bilog ng apoy paikot sa lahat ng estudyante. Mas lalong lumakas ang pagtawa ng binata. He was enjoying the scene of their terrified looks. He felt so stuffed with their negative emotions.

Tumayo siya at lumingon kay Eric. He was mocking him. Eric felt agitated at agad na sinugod ang binatilyo ng suntok. Nakailag naman ang binata at agad na sinipa sa tiyan si Eric.

The table has turned HAHAHA.

Muling sinugod nito ang binatilyo ngunit muli itong nakailag. Paulit-ulit niyang sinugod ito at sinubukang masuntok. Nagngingit-ngit na ito sa galit.

"Tss, too slow. I'm here at your back." sinipa nito si Eric ng napakalakas kaya napasubsob ito sa lupa.

Agad na bumangon si Eric at muling sumugod ngunit nasalag lamang ng binatilyo ang suntok nito. Sinakal ng binata si Eric at nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin kay Eric.

"Offer me your life, peasant" diniin nito si Eric sa bulletin board at hinawakan ang panga. Pilit nagpupumiglas si Eric ngunit nanghihina siya sa mga tingin ng binata, napanganga nalang siya at may kung anong usok ang lumabas sa bunganga nito at hinigop ito ng binata. Binitawan ng binata si Eric at dumaosdos ito papunta sa lupa.

Umilaw ng mata nito at mas nagliyab ang apoy sa paligid. Nagkagulo na ang mga tao dahil sa sobrang init na nilalabas ng apoy. Tumawa siya ng malakas at may mga puting usok ang lumabas sa mga estudyante, hinigop niya ang mga ito. Isa-isang nagsitumbahan ang mga estudyante hanggang siya nalang ang natitirang nakatayo. Unti-unti ng huminhina ang apoy hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Napabaling siya ng tingin sa akin. Nagtama ang aming mga paningin tila sinisipat ng pulang mata nito ang kaluluwa ko. Ngumiti ito ng nakakaloko bago tuluyang natumba sa hallway. Napasinhap ako ng hangin sa ginawa nito at agad na tumayo at umalis sa aking kinauupan.

You're really interesting. So long, we will meet again soon

I am RAMPAGEWhere stories live. Discover now