CHAPTER 4

19 2 0
                                    

'Di ko alam bakit ganito ang aking nararamdaman. Tila may kung anong bahagi ng katawan ko ang nagsasabi na may kung anong mangyayaring masama.

'Wag naman sana...

Tila may kung anong babala ang nais ipahiwatig sa akin ang aking sistema. Ang bigat sa pakiramdam. Ngayon lamang ako nabagabag ng ganito sa tanang buhay ko. Akin itong iniwaksi sa aking isipan at inisip na baka dala lamang ito ng kahapon at huminga ng malalim.

Sana nga dahil lang ito kahapon...

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa school at pilit na iniisip na wala lang itong nararamdaman ko. Dala lang itong ng nangyari kahapon. Oo, tama dahil ito kahapon.

Saktong pagtapak ko sa school, sumalubong agad sa akin ang mga tingin nila-- pagkagulat, pagkaawa, at iba pang ekspresyon ay makikita sa kanilang mga mata.

Ayan na naman ang mapanghusgang tingin na ipinupukol sa akin ng mga tao.

Sila ay palinga-linga at para bang may sinisipat sa aking pagkatao.

Ganyan naman palagi, e, para namang may pinagbago.

Pero hindi, e. Parang may mali talaga. Tila mas lalong tumalima ang mga mata nilang mapanghusga nang ako ay tuluyan ng nakapasok sa loob ng paaralan. May mali talaga. Pilit nagpoprotesta ang aking sistema pero ayaw ko ito bigyan ng pansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga tingin nila.

Alam ko sa sarili ko na may mali pero ayaw ko itong iproseso sa utak ko. Ayoko kong mag-expect ng masama. Hindi naman lahat ng kutob tama, di ba?

Hindi naman ito tungkol sa akin, di ba?

Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako malapit sa bulletin board. Maraming estudyante ang nagkukumpulan. Anong meron?

Tila may bago silang nakitang pagkakatuwaan.

Biglang sumilay ang kaba sa aking dibdib. Ako'y nababagabag, hindi ko mawari bat ako biglang kinabahan. Ako'y di mapakali sa aking kinatatayuan, natutuliro ako sa 'di malamang dahilan.

Ito ba ang ipanahihiwatig ng aking sistema na babala? Kaya ba ako nababagabag magmula ng makaalis ako sa bahay dahil dito?

Dahan-dahan kong ipinigtad ang aking paa upang makalapit sa kumpulan ng karamihan. Habang palapit ako ng palapit sa bulletin board mas lalong tumintindi ang kaba sa aking dibdib. Napakalas, nakakabingi ang tibok ng puso ko.

Halos 'di ko na maigalaw ang aking paa upang umusad papunta sa board. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman siguro masama ang aking masisilayan, 'di ba?

Agad akong sumiksik sa kumpulan ng mga estudyante at hinawi ang iilan upang makapunta sa harapan.

Natigilan silang lahat ng mapansin na nasa harapan na ako. Nagsimula ang bulungan na animo ay nagkaroon ng pugad ng bubuyog dito. Sinipat ng aking mata ang kabuuan ng board hanggang sa mapadako ito sa bandang kanan sa itaas na bahagi.

Tila ako'y binuhusan ng malamig ng malamig na tubig sa aking nasumpungan. Para bang pinagsalukban ako ng langit at lupa ng masilayan ko ang nakapaskil na litrato ng aking ina at ate habang may nakalagay na PROSTITUTE ON SALE at nakalagay pa rito ang mga contact number nila.

Kaya pala ako 'di mapanatag kanina dahil may tarantadong gustong pagkatuwaan ang pamilya ko.

Sumibol ang galit sa aking dibdib. Ang kaninang kabang nararamdaman ay napalitan ng poot.

Marahas kong pinagtatanggal ang mga litratong nakakabit sa board habang nilulukot ito ng marahan.

Nagtagis ang aking baga at ang kamao ko ay naging bilog. Nagngingit-ngit kong sinuntok ang board. Nagulat ang iba sa aking ginawa habang ang iba ay napauurong 'di yata nila inaasahan na magagawa ko 'yon.

Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto ko ilabas itong frustration namumuo sa kalooban ko. Feeling ko konti nalang mawawala na ako sa katinuan at sasabog na parang bulkan. Nangangalit at nagbabaga.

"SINO ANG GUMAWA NG KATARANTADUHAN NA ITO" umalingangaw ang boses ko sa hallway. Mas lalo ko pang diniinan ang suntok sa board hanngang sa tuluyan na itong nabutas. Napaigtad muli ang iba sa gulat.

"Well, well, well, who do we have here? A brother and a son of a prostitute. Nakakatawa na nakakaawa" pigil tawa ng nagsalita.

Nagpantig ang aking tenga sa narinig at marahas na nilingon kung saan nanggagaling ang boses upang suntukin. Napahinto ako sa kalagitnaan ng mapagtatanto kung kanino galing ang boses na yun-- kay Elaine, ang Queen Bee, ang crush ko.

Elaine, 'wag mo sabihing ikaw ang may gawa nito?

"Nagustuhan mo ba ang regalo ng King ko, lampa?" rumehistro sa mata ko ang sakit. Nanginginig na ang buo kong kalamnan at wala sa sariling napakuyom nalang ng malakas. Hindi ko kayang saktan si Elaine.

Sa likuran ni Elaine, biglang sumulpot si Eric at ang mga alagad nito. Kanyang hinapit sa bewang si Elaine at hinila papalapit sa kanya at siniil ng halik.

Double kill...

Pagkatapos nilang maglampungan sa harap ng nakakarami, agad nagbaling ng tingin sa akin si Eric. Nakangiti ito, ngiting aso.

"Told you, I'm not yet down with you. Consider this as we are even now-- a quits." ngumiti ito ng nakakaloko na animo'y nang-aasar. Sinugod ko ito at uundayan na sana ng suntok ng mahawakan ako ng mga kasama niya. Mas lalong lumapad ang ngiti niyang aso. Punyemas.

"Fuck you! Quits mo mukha mong hinayupak ka!" People gasp around us. They didn't expect I could say those words.

"Oh, a weakling is trying to be strong" isang malakas na suntok sa sikmura ang natanggap ko. Napadaing nalang ako sa sakit. Wala akong magawa. Ang hina ko.

Napatingin ako kay Elaine na ngayon ay nakangiti na rin-- ngiting mapangkutya.

"AYOS LANG NA AKO ANG GAGUHIN NIYO PERO 'WAG NIYONG IDADAMAY ANG INA AT ATE KO SA KABULASTUGAN NIYO. MGA ASAL HAYOP!" nagpupumilit akong magpumiglas sa pagkakahawak sa akin kahit nanghihina na ako sa sakit.

"TUMAPANG KA NA, AH. SUBUKAN NATIN 'YANG TAPANG MONG TARANTADO KA!" nanlilisik ang matang sinugod ako ni Eric at pinagsusuntok ng paulit-ulit. No one dared to stop him.

Mga duwag...

Napapadaing nalang ako sa bawat suntok na tumatama sa akin. Wala akong magawa mas malakas sila at marami. Paralisado pa ako dahil sa pagkakahawak ng mga alagad niya sa akin.

Wala pa ring pinagbago, lampa pa rin ako. Bakit ba ang hina ko? Bakit ba kailangan maliitin ng malakas ang mahina?

'Di ko na maaninag ang mga tao sa paligid. Ano mang minuto maaaring mawalan na ako ng malay. Napakagat nalang ako ng mariin sa labi ko.

Sa kaibuturan ng loob ko may kung anong parang nagliliyab hanggang sa kumalat ito sa buong sistema ko.

Ito na naman ang sensasyon na naramdaman ko kahapon.

Napakainit sa loob, nagliliyab at mistulang nagbabaga ang aking katawan. Hindi ko mawari ano ba itong nararamdaman ko ngayon. Kakaiba.. napakahiwaga..

Napakainit na ng nararamdaman ko. Naramdaman ko nalang na parang nagbago ang kulay ng mata ko. Nananaginip ata ako.

Sinusuntok pa rin ba ako ni Eric? Hindi ko alam...

Hindi ko na namamalayan kung ano ang nangyayari sa paligid. Napansin ko na lang na unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong pumasailalim sa walang hanggang kadiliman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: what do you think guys? Lame ba? Sorry hehehe

Sa tingin niyo ano ang nangyari kay Rick?

ABANGAN...

I am RAMPAGEWhere stories live. Discover now