Chapter 2

40 4 0
                                    

Frayne POV's

Saktong pag pasok namin dumating na din yung teacher. Akala ko ba walang first class, scammer pa ata si Kuya.

"Good morning everyone, Iam Ms. Mary Ericka Quizon and I will be your adviser for the whole year, you can call me Ms. Ericka" pag papakilala nito samin habang nakangiti. Maganda din sya, mukhang bagong graduate lang. "May meeting kami ngayon sa faculty, nag patawag kasi ng meeting ang owner ng school" pag kasabi nya non, agad naman umugong ang bulungan.

"Sino ba talaga ang owner ng school?"
"Bakit hindi sya nag papakilala satin?"
"Lalaki ba o babae?"
"For sure babae, bihira na ngayon ang lalaki"

Napatawa naman ako ng bahagya nang madinig ko ang mga bulungan nila. Ano kayang magiging reaction nila pag nakita nila si kuya HAHAHA.

"Okay so itigil nyo na ang bulungan na yan, malalaman nyo din naman kung sino ang owner nitong school. Lets check the attendance first" sabi nito at kinuha ang isa nyang notebook.

Tahimik lang akong nag mamasid kung sino ang tinatawag ni maam sa attendance notebook. Sa itsura ng iba kong mga kaklase, mukha silang galing sa mararangyang pamilya, kaya naman pala ang iba ay spoiled brat.

"Kyle Allener Fortez"
"Present" sagot nung nakasalubong namin kanina na maliit pero gwapo, Fortez? Seems familliar, nadinig ko na sina Kuya na pinag uusapan ang mga Fortez.

----other students-----

"Mike Martin Hermosa"
"Here" sagot nung pesteng ang lakas mambara pero feeling nasa Korea, nakajacket pa din sya hanggang ngayon. Hermosa? Pamilyar din, mukhang kilala nga ang pamilya ng mga ito. Maraming pera, bakit kaya hindi maisipan na bumili ng manners.

----other students-----

"Dave Harry Mercado"
"Present" sagot nung nag babasa ng libro kanina, na pinang gigilan ko din. Dapat kasi hindi na sya nag salita

"Charles Lander Mondez"
"Still alive" sagot nung pinaka maingay kanina, napatawa naman ang mga nasa classroom pati na din si maam. Mukhang sanay na sanay sila sa kalokohan ng isang ito. Pwedeng sya na ang classroom clown, kahit may itsura din sya.

-----other students-----

"Simon Lance Wellington"

tawag ni maam pero walang nasagot, Wellington? Bakit parang--shit! Bakit? Anong nangyayari sakin?

"Aray" daing ko at napahawak sa ulo ko, ang sakit hindi lang masakit, as in sobrang sakit parang binibiyak.

"Frayne, are you okay?" Tanong sakin ni Jewel, naka agaw na din kami ng atensyon sa mga kaklase namin, pati yung mga lalaki kanina nakatingin na din sakin. How I really hate this kind of attention, argh!

"Miss, gusto mo bang pumunta sa clinic?" Lumapit na din samin si maam, tiningnan nya ako ng may pag aalala sa mukha. Pinilit kong umayos ng pwesto, nakaalalay naman si Jewel sakin.

"Im fine, sumakit lang po talaga" sabi ko at nag pilit ng ngiti, pipilitin pa sana nya akong pumunta sa clinic pero sabi ko sanay na ako sa ganito, kahit ang totoo ngayon ko lang naranasan ang ganong pag sakit ng ulo.

"Anong nangyari? Sure ka bang ayos ka lang?" Pangungulit sakin ni Jewel, bakas din ang pag aalala sa kanya. Siguro iniisip nya na dahil ito sa away namin kanina ni Amber.

Nginitian ko na lang sya at tinanguan para sabihin na ayos lang ako.

"Okay, balik tayo sa attendance Simon Lance Wellington" tawag ulit ni maam, tiningnan ko naman ang mga kaklase namin para makita kung sino ang may ari ng pangalan na iyon. Kung sino ang may ari ng apelyido na nag pasakit sa ulo ko.

Catching Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now