Chapter 12

35 3 1
                                    

Volteir POV's

Akalain mo nga naman napaka mapaglaro talaga ng mundo. Kaibigan pa pala ng kapatid ko ang Vertace na iyon.

'Reduviidae is Calling...'

"Napatawag ka?"

(Stay away from her)

"I didn't do anything and she don't know me. Remember? I am working behind the curtains"

(I was just afraid)

"Bakit ba kasi hindi na lang natin sabihin sa kaniya?"

(Do you think na matatanggap niya? C'mon hindi na siya kasing lakas katulad ng dati)

"Are we going to wait until she remember everything?"

(Yes)

"At pag nakaalala na siya alam mo ang pwedeng mangyari hindi lang sayo kundi pati na rin sa buong pamilya niyo"

(Im ready for it)

"I don't think so"

(Shut up, Volteir)

"Okay then, nag papaalala lang ako ng mga pwedeng mangyari"

(My head hurts masyadong madaming problema)

"Oo nga eh tapos wala ka pang jowa, problema talaga iyan"

(Fvck you Volteir! Ang tino mong kausap!)

"Thank you"

(Can I ask some favor?)

"What is it?"

(Guard her)

"Copy that, Reduviidae"

(Good, I'll hang up)

•call ended•

Argh! Naging taga bantay pa nga, as if I have a choice mas mataas pa din ang rank niya kaysa sakin. Ang pinaka ayaw kong trabaho sa lahat ay ang mag bantay, unang rason ay dahil nakakatamad at ang pangalawa naman ay nakakagutom

Mag aalas dose na ng hating gabi pero hindi pa din ako makatulog. Nag bilang na ako ng tupa sa isip ko pero wala pa din.Bumaba na lang ako para kumuha ng tubig. Naglalakad ako nang makita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Dave.

"Dave? Gising ka pa?" tanong ko,para namang sasagutin ako non kung tulog na siya. Dire diretso akong pumasok sa kwarto niya. Walang tao, saan na naman kaya nag punta ang damuhong iyon.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng may makita akong mga papel na nakapatong sa study table niya. At dahil dakilang pakialamero ako binasa ko ang nakasulat, syempre inilawan ko pa gamit ang cellphone ko dahil hindi ko naman mababasa.

"The Death of Heirs? Bakit siya nag hahanap ng information nito?" tanong ko sa sarili ko matapos mabasa ang laman ng papel. May mga information na siyang nakuha pero hindi ganoon kadami. Nag aaksaya lang sila ng oras sa pag hahanap, hindi nila makikita ang pinaka main nito.

Ipinatong ko na ulit sa study table niya ang papel at lumabas sa kwarto niya. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang aking blazer. Pag kalabas ko ng bahay, hindi na ako nagtangkang gamitin ang kotse ko dahil makakatunog ang mga magulang namin na aalis ako.

Tahimik ang paligid, nakakatakot para sa iba pero sanay na ako dito. Mga 24/7 convenience store na lang ang bukas. Mga pusang gala na nag aaway na lang ang nadidinig ko, malamig na din ang simoy ng hangin.

Catching Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now