Chapter 27

31 3 4
                                    

Frayne POV's

Sa sobrang bilis lumipas ng oras hindi ko namalayan na birthday ko na pala bukas. At dahil alam na lahat na kapatid ko ang owner ng school, ininvite ni mom lahat ng students at teachers para sa debut ko na gaganapin sa isang resort. Ngayon lang ako naka experience na walang pasok dahil BIRTHDAY KO. Hindi ako sanay sa pakikitungo ng mga tao sakin kaya mas pinipili ko na lang din na mag tago pag kasama ko ang barkada. Pero hindi ko naman minsan magawa dahil si Simon laging hahawakan ang kamay ko sa harapan ng lahat. Gustong gusto niya daw kasi na hinahawakan ang kamay ko para wala na akong kawala sa kaniya.

Andito pa kami sa school ngayon at inaabangan na mag uwian. Kagaya ng napag usapan namin ni mom, wedding theme ang debut ko. Feeling ko naman ikakasal na ako bukas dahil sa pinag gagawa ni mom. Lagi niya pa ngang sinasabi sakin na 'Anak, being a debutant is once in a lifetime experience. Sa tingin mo ba pwede ka pang mag eighteen pag fifty years old ka na?' Alam ko na talaga kung saan kami nagmana.

May mini party kami mamaya na gaganapin doon sa lugar kung saan kami dinala ni Simon. Natatandaan niyo ba ang bungalow sa gitna ng gubat na may wooden bridge. Doon kami pupunta, tapos bukas naman ay mag kasama kami ni Jewel. Dahil ang mga boys ay mag preprepare ng mag kakasama, syempre kailangan mag kahiwalay kami ni Simon kasi siya ang escort ko. May sariling lakad naman kami ni Jewel, mag mamall na lang siguro muna kami.

"Excited na ako mamaya" bulong sa akin nitong katabi ko. Last week pa niya sinasabi na excited siya kasi gusto niya daw talagang mag party kami kaso andaming nangyayari kaya hindi niya maisingit.

"Okay before I go, let me greet first our debutant for tomorrow. Advance Happy Birthday Ms. Vertace" bati sa akin ni Ms. Ericka. Simula nang nagpakilala si Kuya Fyrex sa lahat na siya ang owner ng school. Hindi na siya naging awkward sakin.

"Thank you Ms. Ericka" sagot ko sa kaniya. Madami pang nakibati sa akin na 'Advance Happy Birthday' greetings ang mga kaklase ko. Nang umalis ang teacher namin, nagsimula na din na sumunod ang iba. Kagaya ng nakagawian, nag pahuli na lang kaming mag babarkada.

"OH! TARA NA!" sigaw sa amin ni Charles na may kasama pang pagtalon.

"Hindi naman halata na masyado kang excited" sabi naman sa kaniya ni Jewel.

"Nahiya naman ako sayo na last week pang naka impake ang mga gamit" ganti naman ni Charles.

"Atleast ako hindi nag papaiyak ng bata" at ipinaalala na naman ni Jewel ang nangyari sa arcade. Alas niya na talaga iyan kay Charles

"Gusto mo ikaw ang paiyakin ko?" Hamon sa kaniya ni Charles na hindi niya naman inurungan.

"Mukha ba akong bata ha? Mukha akong bata?" Maangas na tanong nitong babae na katabi ko.

"Hindi, gurang ka na kasi. Pero height mo pambata" banat ni Charles kaya naman sinugod siya ni Jewel at sinabunutan ito.

Bigla namang lumipat sa pwesto ko si Simon at kinuha ang bag ko. "They look cute" bulong ko napataas naman ang kilay nitong si Simon.

"They look weird" sabi niya kaya naman siya ang hinampas ko.

Napatingin kaming dalawa sa pinto ng classroom ng dumating sina Trein, Gavreel at Cyrus. "Isang rambulan na naman ni Jewel at Charles ang nasasaksihan natin" iyon agad ang napansin ni Cyrus bago sila pumasok sa classroom namin.

"Aray ko! Ano ba! Balak mo ba akong kalbuhin?" Naiiritang tanong ni Charles habang pinipigilan si Jewel na ubusin ang buhok niya.

"Hindi lang kita kakalbuhin! Pupugutan pa kita ng ulo!" Sigaw ni Jewel, natigil lang silang dalawang ng sapilitang hilahin ni Trein si Jewel.

Catching Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now