Chapter 15

24 3 0
                                    

Frayne POV's

Ano ba self may balak ka pa bang matulog? Mag uumaga na at lahat di pa rin napikit ang mata mo. Bwisit na Dave talaga iyon eh, kasalanan niya ito. Mula kanina na pag pasok ko sa bahay ay nawala na ako sa sarili. Pati nga ang mga kasama ko dito ay iniisyuhan na ako. Meron pa akong isang iniisip, at ito ang sinabi sakin ni Kuya Fyrex.

~flashback~

Pag ka alis na pag ka alis ng sasakyan ni Dave, mabilis na pumasok ako sa loob ng bahay. Napasandal na lang ako sa pinto dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Hindi naman siya siguro seryoso sa sinabi niya diba? Kasi nga may nagugustuhan siya? Hindi din naman ako ang babae na tinutukoy niya. Pero pano pag ako nga?

"Argh, hindi pwede" bulong ko habang  nakahawak sa ulo ko. Bakit ba napaka bibilis ng mga tao ngayon?

"Anong hindi pwede hija at bakit mukhang mababaliw ka na diyan?" Nagulat na lang ako sa pag sulpot ni Manang sa harapan ko.

Huminga muna ako ng malalim dahil ang bilis talaga ng tibok ng puso ko "Ah ano kasi Manang, hindi po pwede na hindi ako payagan ni mom sa weekend kasi may pupuntahan ako" pangungumbinsi ko sa kaniya. Nakita ko naman siya na tumango, senyales na naconvinced ko siya.

"Oh siya sige, mag palit ka na ng damit mo at nasa hapag na ang mama at kapatid mo" sabi nito.

Mabilis pa sa kidlat ang pag punta ko sa kwarto ko, nakasalubong ko pa nga si Kuya Fyrex pero hindi ko pinansin. Malakas ang pakiramdam niya, mararamdaman niya agad na may mali sakin. Mabuti ng umiwas,mahirap na baka ma trouble tayo. Tapos umulan na naman ng kung ano ano sa bahay.

Nang makapag bihis ako hindi agad ako bumaba. Hindi ko pa rin kasi ma explain kung bakit si Simon agad ang pumasok sa isip ko noong sinabi ni Dave na kung papayag ba ako pag niligawan niya ako. What the heck is happening to me?

•knock• •knock•

"Ay ligaw!" Sigaw ko ng biglang pumasok si Kuya Fourth sa kwarto ko pag katapos niyang kumatok.

Nagtataka niya akong tiningnan "Anong ligaw? May nanliligaw sayo?" nanlalaki ang matang tanong niya sa akin. Bago pa ako makasagot sa kaniya, nag hihiyaw na siya at dali daling pumunta sa baba. "MOM! KUYA! FIFTH! MANANG! SI FRAYNE MAY MANLILIGAW!" paulit ulit niyang sigaw hanggang sa makababa siya, kulang na lang pati mga kapit bahay ay isama niya sa sigaw niya.

Hinabol ko naman siya hanggang sa makarating kami sa dining area. Pagkadating ko doon ay nag kwekwento na si Kuya Fourth ng kung ano ano sa kanila.

"Ganito kasi iyon, kumatok ako sa pinto ni Frayne kasi nga diba kakain na tayo. Tapos nagulat siya ang sabi ba naman niya 'ay ligaw!'" kwento niya habang ginagaya ang reaksyon ko kanina nang pumasok siya sa kwarto ko. "Mom! Sinasabi ko sayo may manliligaw na siya! At iniisip niya kung sasagutin niya ba o hindi!" Dagdag niya pa at ako naman ang tiningnan ni mom pati sina Kuya na may matatalim na titig.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko na "Wag kayong maniniwala sa alak na yan! Wala akong manliligaw sadyang nagulat lang ako kanina!" pag dedepensa ko sa sarili ko.

"Alak?! Anong alak?" tanong ni Kuya Fourth sakin

"Kwatro ka diba? Edi alak ka, isa kang gin ganon!" Sigaw ko sa kaniya, at ipit naman na napatawa ang iba naming kasambahay. Tumikhim naman si Kuya Fyrex at Kuya Fifth. Habang si mom ay hinahampas na ang alak kong kapatid

"Talaga? Nakakatawa iyon?" sarcastic na tanong nito kaya naman tiningnan ko siya ng masama. "Mom oh! Nanlilisik ang mata, sundutin ko iyan ng tinidor eh" sumbong niya kay mom habang hawak hawak ang tinidor na  nakatutok sakin

Catching Fireflies [COMPLETED]Where stories live. Discover now